CHAPTER 08: Under His Care

2087 Words
Miyona Saimori TEN pa ng gabi bago ako pinayagan ng doktor na makalabas ng hospital. Pero nakapag-dinner na ako habang naghihintay ng oras at sinabayan pa ako ni Noah sa dinner sa private room ko. Siya pa ang nagsubo sa akin ng pagkain. Nahihiya ako pero nagpumilit siya. Pagdating sa mansyon ay binuhat pa niya ako mula sa sasakyan hanggang sa kuwarto ko sa second floor. Maingat niya akong inihiga sa kama ko bago niya ako kinumutan. “Just tell me if you need anything…” aniya. "Umm, tawagan mo ako sa phone ko. Or ... kailangan mo ba ng diaper?" "Huh?" Bigla naman akong natigilan sa huli niyang tanong. "D-Diaper? H-Hindi... kaya ko naman sigurong maglakad patungo sa banyo. Kaya ko na 'to, promise." "Pero hindi ka pa puwedeng magkikilos." "Gagamit lang naman ng banyo. Hindi naman 'yon mabigat na kilos." Huminga siya ng malalim. Para bang may gusto pa siyang sabihin o gawin base sa nakikita kong kilos niya sa harapan ko ngayon. "O-Okay na ako," ani kong muli. "Salamat." "Alright... Magpahinga ka na. Goodnight." Tumango kaagad ako. "Goodnight." Tumalikod na rin siya at nagtungo sa pinto. Pero huminto pa siya doon sandali bago tuluyang lumabas at isinara iyon. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko na naman mapigilang kiligin sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako sinubuan kanina sa pagkain sa hospital. Sobrang sweet at maalaga niya. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala siyang ugali. Ngayon, unti-unti ko na siyang nakikilala. Napangiti na lamang ako. Napahinto naman ako nang maramdaman ko ang pamimigat ng puson ko. Kailangan kong gumamit ng banyo. Bukod doon, kailangan ko ring mag-toothbrush at maghilamos. Gusto ko rin sanang mag-half bath pero baka hindi ko pa kaya sa ngayon. Pero bukas siguro ay pwede na. Hinawi ko ang kumot at sinubukang igalaw ang mga binti ko. Naigagalaw ko naman sila, pero sobrang sakit. Gosh! Kailangan ko nga yata ng diaper ngayon. Tama ang tanong kanina ni Noah. Nabugbog ako ng husto kanina sa pagkahulog ko sa hagdan. Kasalanan talaga ito ni Lynette! Paano ako iihi nito? Sobrang sakit ng balakang at pigi ko. Pinilit ko pa ring ibaba sa sahig ang mga paa ko. Kumapit na lamang ako sa bedside table bago marahang humakbang. Napakagat-labi ako sa tindi ng kirot sa balakang ko. Feeling ko ay namamaga ito ngayon ng husto. Kumapit ako sa pader at nagpatuloy sa marahang paglalakad. Kaunti na lang, makakalapit rin ako sa banyo. Plano talaga siguro ng Lynette na 'yon na patayin ako. Sa oras na gumaling ako, gaganti ako sa'yo, babae ka! Tumulo ang mga luha ko sa pisngi. Puro na lang pahirap ang mga ginawa nila sa akin ng nanay niya. Tama si Noah. Kailangan ko nang matutong lumaban ngayon. Hindi pwedeng palagi na lang akong mahina, lalo na sa mga katulad nila. Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang braso ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa pinto ng banyo. Pumasok ako sa loob habang nakahawak sa pinto, diretso sa countertop. Humarap ako sa salamin at doon ko nakita ang mga pasa at galos ko sa mga braso. Mayroon din sa noo. Tumalikod ako at ibinaba ang suot kong pants. Sinilip ko ang balakang ko at puwet ko sa salamin at doon ko nakita ang sobrang laki kong pasa. Nangingitim na agad sila at siguradong lalala pa 'yan sa mga susunod pa na araw. Tangina. Ano'ng ginawa mo sa akin, Lynette? Tuluyan ko nang ibinaba ang suot kong pants at panty. Suot ko pa ito kanina sa trabaho. Ang mga nurse ang nagpalit sa akin kanina ng hospital gown bago ako sinuri ng doktor. At sila pa rin ang nagpalit sa akin bago kami ma-discharge. Hinila ko na rin pataas ang blouse ko, pero nahirapan ako dahil sobrang sakit din ng mga balikat at likod ko. Napakagat-labi ako habang tinitiis ang sakit. Isinandal ko ang katawan ko sa gilid ng countertop para hindi ako matumba. Pilit ko pa rin itong hinubad sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang magtagumpay naman ako. Tinanggal ko rin ang suot kong bra. Inihagis ko sila sa laundry basket na nasa gilid ng pinto. Pero hindi ko maabot ang pants at panty ko sa sahig. Hinayaan ko na lang muna sila doon. Tumalikod akong muli sa salamin at ang likod ko naman ang pinagmasdan ko. Damn it. May mga pahabang pasa rin ako sa likod. Marahil ito 'yong mga kanto ng baitang na tinamaan ng katawan ko kanina. Tangina talaga. Nagtungo na muna ako sa toilet at marahang umupo. Inilabas ko muna doon ang lahat ng laman ng pantog ko. Dinampot ko ang bidet at naghugas na rin ng sarili ko. Ngunit nang matapos ay parang hindi ko na kayang tumayo. Sobrang sakit talaga ng balakang ko. Hindi ko na naman mapigilang maiyak. "Lintik na buhay 'to!" Naghanap ako nang mahahawakan, ngunit sa likod ko lang ang meron at 'di ko rin naman maipihit doon ang mga braso ko. "Dito na lang ako matutulog sa toilet." Pinilit ko pa ring tumayo, ngunit nanginginig ang mga tuhog ko. Bumagsak pa rin ako. "Ah!" daing ko nang lalo pang tumindi ang sakit. "Miyona?" Nagulat naman ako nang biglang pumasok sa pinto si Noah. Maging siya ay nagulat rin nang makita ako. Agad din siyang nagbawi ng tingin. Tinakpan ko agad ang dibdib ko gamit ang braso ko nang ma-realize kong wala akong saplot na kahit ano! Geesh! Isinapo ko rin ang isa kong kamay sa ibabang bahagi ko. "N-Noah, a-ayos lang ako," sabi ko pero 'di ko mapigilang humikbi at muling maiyak. “No, I know you’re not,” sagot naman niya nang 'di ako tinitingnan. “Wait for me. Don’t move.” Agad din siyang lumabas nang may pagmamadali. Mukhang sa walk-in closet ko lang naman siya pumasok. Agad din siyang nakabalik na may dala nang bathrobe. “Put this on,” aniya habang palapit sa akin, pero umiiwas pa rin ng tingin. Ibinalot niya ito sa katawan ko. “I told you, if you need anything, just call me. Or you should’ve told me earlier.” Hindi ako sumagot. Pinunasan ko lang ang basa kong pisngi gamit ang ibabaw ng kamay ko. "May gagawin ka pa ba?" tanong niya habang nakatitig na sa akin. “J-Just to brush my teeth,” mahina kong sagot. Itinali ko ng mahigpit ang bathrobe ko. Naka-black bathrobe na lamang din siya ngayon. “I’ll help you,” aniya, bago niya ako maingat na binuhat at dinala sa ibabaw ng countertop. Dito niya ako marahang iniupo. Napakagat-labi naman ako nang makaramdam na naman ako ng sakit sa balakang ko. "Mag-mouthwash ka na lang kaya muna," suhestiyon niya. "Okay pa naman siguro ang breath mo.” Bigla siyang lumapit sa mukha ko at mukhang aamuyin ang hininga ko. Nagulat naman ako at bahagyang napalayo. Inipit ko rin ng husto ang bibig ko. Ngumiti siya bago dinampot ang toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste. Iniabot din niya ito agad sa akin. "Mag-toothbrush ka na. Hihingi lang ako ng cup kay Rica. Promise me—you won’t leave here. You won’t move. Just wait for me. Okay?” Sunod-sunod akong tumango. "O-Okay." "Alright." Pinisil niya ng marahan ang pisngi ko bago lumabas ng banyo. Napapatulala pa rin ako habang inaalala ang mga nangyari. Nakita niya ang katawan kong hubad kanina. Sigurado 'yon. s**t. Nakakahiya. Bakit naman sa ganoong eksena pa niya ako inabutan? Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon at ramdam ko ang paggapang ng init sa aking mukha. Ilang beses akong huminga ng malalim. Inumpisahan ko na ring mag-toothbrush. Hindi nagtagal, muli siyang bumalik. May dala na siyang malaking baso na hard plastic. May nakasampay na ring bimpo sa balikat niya, at nakapagpalit na rin siya ng damit pantulog—sandong puti at pajama. "Here," aniya, bago muling lumapit sa akin. Binuksan niya ang gripo at nilagyan iyon ng tubig. "Dinalhan na rin kita ng water at mainit na gatas. Inumin mo ang gatas bago ka matulog." Nagulat naman ako. May gatas pa talagang kasama? Hindi ako sumagot. Tinapos ko na lang muna ang pagto-toothbrush. Pumihit ako ng bahagya paharap sa lavatory sink. Naramdaman ko na naman ang sakit sa balakang ko, pero tiniis ko na lamang ito. Iniluwa ko sa lavatory sink ang laman ng bibig ko bago ko dinampot ang baso at nag-gargle ng tubig. Dinampot naman niya ang pants at panty ko sa sahig bago dinala sa laundry basket. Shit. Nahawakan pa niya 'yong panty ko. Nakakahiya talaga. Maya-maya'y binuksan niyang muli ang gripo at isinahod doon ang kamay niya. Pinunasan niya ang gilid ng mga labi ko. Kumapit sa mga daliri niya ang tirang bubbles ng toothpaste mula sa akin. Sinahod niyang muli ang kamay niya sa gripo bago muling pinunasan ang gilid ng mga labi ko. Hinila niya rin ang bimpo sa balikat niya bago niya pinunasan ang mukha ko at mga labi. "Okay ka na?" tanong niya. Hinugasan niya rin sa gripo ang baso at toothbrush bago ibinalik sa dating lalagyanan. Itinabi na rin niya doon ang baso. “You can use it again tomorrow.” Hindi pa rin ako makasagot. Nakatitig lamang ako sa kanya habang nararamdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. "May gagawin ka pa ba?" muli niyang tanong. "W-Wala na," mahinang sagot ko. “Alright. I’ll take you to bed now.” Muli na niya akong binuhat. Naging maingat pa rin siya sa bawat kilos niya. Inilabas niya ako sa banyo at dinala sa kama. Maingat niya akong inilapag doon. “You still need to change into proper sleepwear so you’ll be more comfortable,” aniyang muli bago mabilis na pumasok sa loob ng walk-in closet. Eh, paano ako makakapagpalit? Ang hirap-hirap ngang kumilos. Agad din siyang lumabas na may dala nang manipis na tela na color peach. "Here." Lumapit siyang muli sa akin at iniladlad iyon. Doon ko nakitang manipis na nightie iyon. “I don’t think you need to wear underwear right now, so it won’t be difficult for you to take off and put on when you use the bathroom,” aniyang muli. Hindi ako nakasagot. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya. Walang sabi-sabing hinila niya ang belt ng robe ko hanggang sa makalas na ito. Bigla akong napalunok nang diretso pa rin niya itong hubarin sa akin hanggang sa ma-expose muli sa harapan niya ang dibdib ko. Muli ko silang tinakpan gamit ang mga braso. “I already saw them earlier, you don’t need to cover up,” sabi naman niya na ikinamilog ng aking mga mata. “You’re my fiancée. You don’t have to be shy around me.” Isinuot na niya sa ulo ko ang nightie. Agad ko ring ipinasok sa kanila ang mga braso ko. Inayos niya ito nang pagkakasuot sa akin bago niya kinuha ang bathrobe. Isinampay niya lang iyon sa armrest ng sofa na nasa malapit. “Drink your milk,” malambing niyang utos. Dinampot niya rin ito kaagad sa bedside table bago inilapit sa akin. Naroroon din ang isang baso ng tubig na may takip. Tinanggap ko rin naman ito at agad na ininom. Inalalayan pa niya ako. Hindi naman na ito ganun kainit, kaya inisahan ko na lang ito nang inom. "Very good," aniya, bago ibinalik sa table ang baso. “Now, lie down and rest.” Nagtungo siya sa pinto at pinatay ang mga ilaw sa kisame. Tanging mga lampshade na lang sa magkabilang gilid ng kama ang natirang naka-on. Lumapit siyang muli sa akin at inalalayan akong makahiga. Inayos niya rin ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ko hanggang sa dibdib. Malamig dito sa silid dahil nakabukas ang aircon. “I’ll stay here for now to watch over you and make sure you don’t move without me knowing,” aniyang muli bago umikot sa kabilang bahagi ng kama at doon naman sumampa. "H-Ha?" Doon na ako nagtaka. “Yes. We’ll share the bed tonight because I have a stubborn patient.” Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng masuyong halik sa noo. “Goodnight, my little rascal. Sleep tight,” bulong niya bago tuluyang nahiga sa tabi ko. Hinila rin niya ang kabilang bahagi ng kumot na gamit ko at itinakip rin sa katawan niya. Ako nama'y napatulala na lamang at hindi na talaga nakapagsalita. Ilang ulit akong napalunok habang nararamdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. What the hell? Totoo ba 'to? Noah Abram Delavega, the scion of one of the wealthiest families in the country, lay beside me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD