CHAPTER 03: The Stepdaughter’s Secret

1434 Words
Miyona Saimori "Yaya," tawag niya sa isang may edad na babaeng palapit na rin sa amin mula sa kitchen area. Sa hitsura niya, mukhang nasa 60s na siya. "Nariyan na," anito. "Pasensiya na at pinapalinis ko 'yong ilalim ng lababo natin. Marami nang mga agiw." Ngumiti rin ito kaagad nang makita ako. "Hello, Iha. Magandang umaga. Ano't basang-basa ka? Nagpaulan ka ba?" "M-Magandang umaga rin po," nahihiyang bati ko naman. Yumuko ako nang bahagya sa harapan niya. "Naabutan ng ulan kanina, Yaya," paliwanag ni Noah. “Ah, Miyona, this is Yaya Martha. Baby pa lang ako ay kasa-kasama ko na siya. Siya rin ang mayordoma dito sa mansyon," pagpapakilala niya. “Yaya, this is Miyona, my fiancée.” Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Yaya Martha at napalitan din ng kakaiba ang ngiti niya. Ewan ko rin kung bakit, pero parang makahulugan ang naging tingin niya kay Noah. "I-Ikaw pala," aniya, kasabay nang paglahad ng kamay niya sa harapan ko. "Ikinagagalak kitang makilala." Tinanggap ko rin ito kahit nakaramdam na ako ng labis na pagkailang. "S-Salamat po." “She’ll be living here starting today, Yaya,” aning muli ni Noah. "Eh, teka... alam na ba ito ng Mommy at Daddy mo?" tanong ni Yaya Martha. "Hindi ko naman na siguro kailangan pang ipaalam sa kanila kung sino ang gusto kong patirahin dito sa mansyon ko, Yaya," sagot ni Noah. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," sagot ni Yaya Martha. "Hindi ba't fiancée mo siya? Dapat lang na ipakilala mo rin siya sa kanila." “Yeah, of course. Maybe tonight. I’ll call them over,” sagot din ni Noah. "Siguradong magugulat sila," turan muli ni Yaya Martha. "Isusurpresa ko talaga sila," nakangiting sagot naman ni Noah. Napatingin akong muli kay Yaya, pero parang pilit na ang mga ngiti niya. "Pakisamahan na lang siya sa taas, Yaya. Show her to her room so she can change her clothes,” magalang na utos ni Noah sa kanya. "Sige. Gumamit na lang tayo ng elevator dahil hindi ko na kayang umakyat pa sa hagdan," ani Yaya Martha sa akin. "Tinatamaan na kasi ako ng rayuma. Halika, sumunod ka sa akin." Nauna na siyang nagtungo sa kaliwang bahagi sa gilid ng napakaeleganteng hagdan. Grabe, may elevator rin ang bahay na 'to? “Go ahead, Miyona,” turan sa akin ni Noah, na ikinalingon ko sa kanya. "Ah, N-Noah..." Bigla akong may naalala. "Hahabol ako sa trabaho ngayon. Pwede ba?" paalam ko. "Wala kasi kaming ibang doctor ngayon sa clinic. May aso kasing dinala kahapon pa. Nakakain siya ng laruan at na-stuck sa bituka. Hindi pa siya stable kagabi, kaya ngayon pa lang namin siya ooperahan." “Sure, no problem,” agad din naman niyang sagot na ikinangiti ko. "Ipapahatid na kita sa driver. Hindi mo na kailangan pang mag-commute simula ngayon." "S-Salamat! Salamat talaga." Paulit-ulit akong yumuko sa harapan niya. Mukhang napakabait talaga niya. Hindi siya mahigpit. “Alright. Change your clothes first," aniya. "May trabaho rin akong pupuntahan ngayon, so I’ll see you tonight.” "Okay, sige." Muli akong yumuko bago tinalikuran siya at sumunod na rin kay Yaya Martha. THIRD PERSON POV Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Noah Abram habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Miyona patungo sa elevator. Naging malamig ang mga titig niya sa dalaga. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari kahapon sa restaurant kung saan binabantayan nila ang mga banyagang lalaki na nakausap ng stepmom ni Miyona, na pinaghihinalaan nilang sangkot sa human trafficking. ...NAKARAAN... Gabi. Kalahating oras nang nakaupo sa isang table ang tatlong banyagang lalaki sa loob ng isang mamahaling restaurant. Si Noah Abram at Kiara Tayaki, na parehong magkasama sa isang organisasyon—Delta Unit —ay nagpanggap na sweet couple at nagdi-date. Inokupa nila ang pinakamalapit na table sa tatlong banyaga. Hindi nagtagal ay isang may edad na babae ang pumasok sa restaurant at agad na ngumiti nang makita ang mga banyaga. Nagmadali rin itong lumapit sa mga ito. “Have you been here long? I’m sorry, I just arrived. I got stuck in traffic,” paliwanag ng babae. “We don’t usually wait for our clients,” turan ng isang lalaki. “But since you promised that we won’t regret the girl you’re offering, we decided to wait anyway.” Nagpatuloy ito sa pagkain. “And if she doesn’t meet our expectations, you’ll owe us compensation,” turan din ng isa pang lalaki. “Oh no, definitely not," agad namang sagot ng babae. "I’m telling you, my stepdaughter is very beautiful. She hasn’t had a boyfriend—not even once—so you’re lucky because she’s definitely still a virgin.” “Do you have a photo of her?" tanong ng isang banyaga. “I hope you brought her along today.” Lumungkot muli ang mukha ng babae. “Oh, I’m sorry again. I can’t force her to come to something like this," paghingi nito ng pasensiya. "But you can visit her at the clinic where she works. I’ll give you her address. Wait, here… I have a picture of her with me.” Mabilis na dumukot sa bag ang babae at naglabas ng isang larawan. Agad din niya itong iniabot sa mga banyaga. Pasimpleng inayos ni Noah ang suot niyang tinted shades at sinilip din ang larawan na ngayon ay hawak na ng mga banyaga. Hanggang sa bigla siyang matigilan. "She’s really beautiful," turan ng isang banyaga. "Fair-skinned and smooth. Slim figure," turan din ng isa pang banyaga. "That’s the kind of woman I want," ani naman ng isa pa. Makikita ang saya at pagkahayok sa mga mukha nila habang pinagmamasdan ang larawan. Naningkit naman ang mga mata ni Noah habang pinagmamasdang mabuti ang mukha ng dalaga sa larawan. Pamilyar sa kanya ang mukha nito. "500 thousand," sambit bigla ng isang banyaga. Nagulat naman ang babae. “Oh no, isn’t that too cheap?” reklamo nito. “You should count yourselves lucky—my stepdaughter hasn’t been with anyone—she’s still a virgin.” “One million from me,” alok ng isa pang banyaga. “How old is she, by the way?” tanong ng isa pa sa kanila. “She’s only 26,” sagot naman ng babae. “Her body is still in its prime. You'd better raise the price, come on.” “What’s her name?” tanong muli ng banyaga. "Miyona Saimori," sagot naman ng babae. Doon napanganga nang tuluyan si Noah. Nakilala niya agad ang babae sa larawan na isa sa malapit na kaibigan ng pinsan niyang si Devin Jr. “She’s useless to me,” turan muli ng babae. “Even after I sent her to the finest schools and fed her for years, she still couldn’t handle the hardships of our life.” Kumuyom nang mahigpit ang mga kamao ni Noah. “What’s wrong?” bulong ni Kiara kay Noah. “Do you know the woman in the photo?” Marahang tumango si Noah. “She’s worthless because of her father,” patuloy na kuwento ng babae. “But my husband is incredibly talented and accomplished—a scientist and a licensed doctor. He’s famous across the country for his expertise in medical science and robotics.” Muling nangunot ang noo ni Noah sa narinig. Nagbagong bigla ang t***k ng puso niya. “Perhaps you know him as well,” turan muli ng babae sa mga banyaga, “What’s his name?” tanong ng isang banyaga. “Milanor Suarez," sagot naman ng babae. "He’s the father of my stepdaughter, Miyona.” Tila nabinging bigla si Noah sa narinig. Pakiramdam din niya ay humintong bigla ang t***k ng puso niya, maging ang pag-ikot ng mundo. Walong taon na ang nakalilipas buhat nang mapatay niya ang dalawa sa tatlong doctor na pumutol sa mga braso at binti ng kanyang ina. Ngunit bago 'yon ay inalam muna niya sa mga ito kung saan niya matatagpuan si Milanor Suarez, isa sa mga kasamahan nila. Nalaman din niya sa mga ito na nagkaroon ito ng asawa at anak. Ang asawa nito ay namatay sa panganganak, pero nabuhay ang bata. At 'yon ang hinahanap niya sa loob na ng walong taon, na alam niyang tinatago ng ama nito. Hindi niya akalaing nasa malapit lang pala ito at maraming beses na niyang nakaharap... Si Miyona Saimori. "Lapitan mo sila," bulong ni Noah kay Kiara kasabay nang paghugot niya ng check booklet sa loob ng coat. Lumarawan naman ang pagtataka sa mukha ni Kiara. “What am I supposed to do?” “Buy Miyona Saimori ... for 20 million.” Bumalatay bigla sa mukha ni Kiara ang matinding gulat habang nakatitig sa kanyang superior.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD