"Intel?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at muling tumalikod sakin. Mukhang may inaantay siya. Habang ako naman ay puno ng katanungan. Ano ba kase ibig sabihin ni Jasmin dun? Sino naman ang inaantay niya ngayon? Maya-maya ay nakarinig ako ng kaluskos. Inihanda ko ang sarili ko sa posibilidad na mangyare o paparating sa amin. I look at Jasmin. She looks calm. Naguguluhan talaga ako sa inaakto niya ngayon. Maski kanina pa. Ngayon sigurado na ako, may mali sa kanya. "Jasmin..." "Sorry, I'm late." Natigilan ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong sumilip sa harapan ni Jasmin upang tingnan iyon. Tama nga ako. Si Kuya Steve. "Wait, Zerr-- Llana?" Maski si kuya ay nagulat din. Hindi nya siguro inaasahan na makita ako dito. Maski din naman ako. Hindi ko inaasahan na maki

