“What?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Fernando. Nandito ako ngayon sa conference hall ng mansyon. Hindi ako makapaniwala ng malaman ko na sila ang ay gawa ng lahat ng iyon. Sinabi nilang sinusubukan daw nla ako bilang parte ng ginagawa kong training. “Bakit hindi nyoko sinabihan?” Tanong ko. “Kapag ba sumugod ang kalaban o kung sino man sa iyo, kailangan ipaalam pa sayo? Nakarinig ka na ba ng magnanakaw na nagpaalam pa para magnakaw?” Tanong ni Syncro sakin. Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. May punto siya. Tama siya. Hindi naman magpapaalam sina Riabelle kapag susugod sila sa amin. “Anyways, you did a great job.” Sambit niya. Tumango-tango ako sa kanya ngunit hindi ako mapakali. May hinahanap ang mga mata ko ngunit hindi ko ito makita. Nakita kong napatingin sakin si

