Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko. Tirik na tirik ang araw ngunit para sakin ay wala lang iyon. May pangilan-ngilan ding nanunuod sa akin ngayon. Hindi ko sila pinapansin at tanging sa mga bote sa hindi kalayuan lang nakatuon ang atensyon ko. Balot na balot ang utak ko ng mga katanungan. Mula sa mga impormasyon na ipinakita sakin kahapon ni Lexin hanggang sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. Ano bang pinaplano nila Riabelle? Anong balak niyang mangyare? Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Malamang na darating ang araw na gagamitin nila laban sakin si Lexin. Gaya ng sabi niya sakin dati, hindi pa alam ni Lexin kung sino ako. Iyon ang labis kong kinatatakutan. Hindi pa ako handa para sa araw na iyon. “Miss Llana, may tawag po para sa inyo.” Napalingon ako sa lik

