CHAPTER THIRTY-NINE

2571 Words
Huminga ng malalim si Zerrie bago bumalik sa table kung saan naghihintay sa kanya si Lexin. Ginagapangan parin siya ng pangamba lalo na sa pagtatagpo nila ni Riabelle kanina. Isa lang ang ibig sabihin kung bakit nandito si Riabelle, umaaligid ito kay Lexin. Ito na nga ba ang kanyang kinatatakutan. Ayaw niyang masabit sa kahit na ano si Lexin. Pareho silang mahihirapan dalawa.   “Ayos ka lang?” Napahinto siya ng di nya namalayan na nasa tapat na pala siya ni Lexin. Hindi niya napansin na nakarating na pala siya sa table nila. Luminga-linga siya sa paligid. Hinahanap ng mga mata si Riabelle na baka nagmamanman nanaman sa kanila o kaya naman ang iba pang parte ng organisasyong iyon.   “May problema ba? May hinahanap ka ba? Anong nangyare?” Inilipat ni Zerrie ang paningin kay Lexin na ngayon ay nag-aalala sa kanya. Umiling sya dito at ngumiti.   “Wala naman. May nakita lang akong pamilyar sakin.” Sagot niya sa binata at umupo sa sa bakanteng upuan sa harap nito. Tumango-tango si Lexin sa kanya ngunit hindi parin nito inaalis ang tingin sa dalaga. Labis siyang nag-aalala dahil malakas ang kutob niya na may bumabagabag dito.   “Pwede mong sabihin sakin kung may problema ka.” Malumanay na sagot ni Lexin. Tumingin siya sa mga mata ng binata at naramdaman niya ang seguridad dito. Gusto man niyang magsalita ngunit may pumipigil sa kanila. Ang mga sikretong hindi nito dapat malaman.   “I’m fine. Don’t worry.” Nakangiting sagot ni Zerrie at ibinaling ang paningin sa kagandahan ng restaurant na ito. Pinagmasadan niya ang mga makukulay na disenyo nito. Nalalapit na ang pasko at talagang kitang kita ito sa mga design. Ramdam man ang pasko, hindi parin maiwasan ang pangamba dahil sa napapanahong balita tungkol sa mga pagkawala ng mga tao.   Ilang minuto ay dumating na rin ang kanilang pagkain. Kitang kita pa dito ang usok na halatang bagong luto. Napangiti siya kay Lexin na kanina pa pala nakatitig sa kanya. Nang makita ni Lexin ang pagngiti sa kanya ni Zerrie ay hindi niya napigilang ngumiti pabalik.   Sa kabilang banda, hindi maitago ni Lexin ang pagtataka sa akto kanina ni Zerrie. Alam niyang may hindi magandang nangyare sa kanya. Inabot kase siya ng kay tagal sa CR. Iniiwasan niyang mag-isip ng kung anu-ano ngunit may kung ano sa kanyang parte na nagtatanong tungkol sa kanya.   Naging busy silang dalawa sa pagkain. Walang ni-isa ang nagawang magsalita. Tahimik sila at tila nakikiramdam sa kung sino ang unang magsasalita. Matapos ang ilang minuto ay tahimik lang silang umalis sa restaurant. Gusto nilang magsalita pero inuunahan sila ng hiya at kaba. Hindi naman sila ganito. Siguro ay nagbago lang lahat matapos mawala si Zerrie.   “Nga pala, kailangan ko ng umalis.” Sa wakas ay nagawa na ring magsalita ni Zerrie. Humarap siya sa binata at ngumiti dito.   “Saan ka pupunta? Matatagalan ka ba? Gusto mo ihatid na kita?” Sunod-sunod na tanong ni Lexin. Umiling sa kanya si Zerrie at ngumiti ng matamis dito.   “Don’t worry. Magkikita pa naman tayo. May kailangan lang akong ayusin.” Malumanay na tugon ng dalaga. Naguluhan si Lexin sa sinabi ni Zerrie. Hindi niya matanggap na aalis nanaman siya.   “Kailangan mo ba ng tulong? I can help you. Tell me.” Natigilan si Zerrie. Nakatingin siya kay Lexin na at tila pinag-iisipan ang mga sasabihin. Huminga siya ng malalim bago nagwika.   Zerrie’s POV   “Gusto kong malaman ang mga impormasyon regarding sa mga missing people.” Diretsa kong sagot. Nakita kong natigilan siya at tumitig sakin. Kailangan kong ayusin ang lahat-lahat bago ako bumalik kay Lexin. Ayoko man siyang madamay ngunit sa ngayon ay kailangan ko muna siya.   “I’m sorry Zerrie. Sa parteng iyan ay hindi kita matutulungan.” Sambit niya. Huminga ako ng malalim. Malamang na hindi pwede. Police are not allowed to share any information to any individual that are not related to the case. Hindi ko naman siya pinipilit na gawin iyon.   “I understand. Sorry.” Sambit ko. Umiling siya at hinawakan ang magkabila kong balikat.   “Ako dapat ang humihingi ng tawad. Wala akong maitulong sayo.”   “Ayos lang. Sige mauuna na ako.” Sambit ko sa kanya at tumalikod na. Nagsimula na akong maglakad ng maramdaman ako ang kamay niya sa kaliwang braso ko. Napaharap ako sa kanya dahil sa biglaan niyang paghatak sakin.   “Bakit mo nga pala gustong malaman ang tungkol sa mga missing person?” Napatitig ako sa mata ni Lexin ng tanungin nya sakin iyon. Kung tutuusin, gusto kong malaman ang nagiging takbo ng kaso. Hanggang ngayon ay wala pa silang lead. Kahit alam ko naman na kung sino ang maaaring salarin, gusto ko paring malaman ang takbo nito.   “Na-curious lang ako.” Maikli kong sagot. Tumango-tango siya sakin at binitiwan ang braso ko. Ngumiti ako sa kanya at tumalikod muli. Hindi ko na inantay pa ang susunod niyang sasabihin. Mabilis akong naglakad paalis sa lugar na iyon. At least kahit papaano ay nakapag-paalam ako ng maayos kay Lexin.   Nang medyo nakalayo-layo na ako sa lugar na iyon ay huminto ako at muling tumingin sa likuran ko. Mukhang hindi naman siya nakasunod. Mabuti naman. Huminga ako ng malalim at muli nanamang binalot ang saili ng napakaraming isipin.   Kahit malayo ako kay Lexin, I should make sure na ligtas siya. Maaaring hindi iyon ang huling beses na makikita ko si Riabelle malapit kay Lexin. Alam ko naman na kayang depensahan ni Lexin ang sarili niya ngunit hindi parin nawawala sakin ang kaba. Kilala ko ang meron sa organisasyong iyon. They can do anything.   Maya-maya ay napalingon ako ng makita kong may kotseng huminto sa harap ko. Kinabahan ako dahil baka si Lexin ito ngunit ng bumukas ang bintana ay bumungad sakin si Syncro. Nakasuot siya ng salamin na gaya ng dati at salakot. Lumingon siya sakin ng may ngiti.   “How was the night and day with him?” Nakangiting wika nito. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.   “Paano mo nalaman na nandito ako?” Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin na para bang tinatanong kung seryoso ba ako sa tanong ko.   “I’m Syncro. I can do anything.” Sambit niya. Kung sabagay ay tama siya. Wala siyang pinagkaiba kay Clark. Kayang niyang gawin ang lahat dahil meron siyang kapangyarihan na kapantay lang din ng kay Clark.   “I have a favor.” Maikli kong tugon. Ibinaling niya ang atensyon sa harapan.   “Get in.” Maikli niyang tugon at sinara na ang bintana. Hindi na ako nagsayang pa ng kahit na anong oras. Pumasok na ako sa loob. Naabutan kong si Fernando pala ang nagmamaneho. Nakatingin siya sa rear mirror. Medyo nailang ako dahil para bang may ibig sabihin ang mga tingin niya.   “Bumalik na tayo sa mansyon.” Sambit ni Syncro. Inalis na rin ni Fernando ang tingin at ibinalik ang mata sa daan.   Ilang oras kaming inabot sa byahe hanggang sa nakarating kami sa mansyon. Kasalukuyan parin kaming nasa kotse. Huminga ako ng malalim at nagwika. Nasa loob parin silang dalawa at tila inaantay ang sasabihin ko.   “Please, I want you to protect Lexin at all cost.” Wika ko kay Syncro. Hindi siya humarap sakin. Nanatili lang ang tingin niya sa harap.Ganon din si Fernando. Natahimik din ako dahil sa katahimikan nila. Ngayon lang ako humingi ng faor sa tanang buhay ko.   “I can do anything.” Dagdag ko pa. Sa pagkakataong iyon ay humarap siya sakin at binigyan ako ng ngiti.   “Kung ganon ay makikipagtulungan ka samin para mapabagsak ang The Coetus?” Tanong ni Syncro. Tumango ako sa kanya. Huminga siya ng malalim at muling humarap sa harapan. Nilingon siya ni Fernando at tila nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin.   “Sigurado kabang safe si Jasmin?” Tanong naman ni Fernando. Napatingin ako sa kanya. Tumango ako. Sigurado naman ako. Alam kong hindi siya pababayaan ni Kuya. Pero kahit na ganon kailangan ko paring alamin.   “Makaka-asa ka.” Sambit ni Syncro. Napangiti ako. Alam kong tutuparin ni Syncro iyon. Masaya ako dahil magiging magaan sa loob ko na kahit papaano ay safe si Lexin kahit wala ako para tingnan siya. Malamang na gagamitin siya sakin nil Riabelle. Kilala ko ang babaeng iyon. Madumi in siya maglaro.   Lumabas na silang dalawa ng kotse. Sumunod ako sa kanila at tahimik na naglakad. Walang gaanong tao ngayon sa labas ng mansyon nila. Pinagmasdan ko silang dalawa sa harap ko. Tahimik lang din sila. Napatingin naman ako kay Syncro. Agad kong naalala ang Daddy ko. Kung nandito kaya siya o kahit si Mommy, ganito parin kaya ang buhay ko? Although I know na si Daddy ay nagtatrabaho sa The Coetus.   Pumasok sa isipan ko si Jasmin. She’s too young for this. She supposedly at school talking with friends. Having a good time together with her bunch of buddies. Hindi nya dapat nararanasan ang mga ganito. Ngunit wala rin akong pinagka-iba sa kanya kung andito si Daddy. Malamang na hindi rin magiging maganda ang buhay ko dahil nakakulong kami sa mga kamay nila Clark.   Nang makapasok kami sa loob ay bumungad samin ang nagmamadaling isang maid. Siya ang maid na palaging pumupunta sa kwarto ko. Tila balisa siya at panay ang tingin sakin. Napakunot ako ng noo dahil sa reaksyon niya.   “Sir, nandito na po si Miss Alex.” Wika nito. para bang nabuhayan ako at tumingin kay Syncro. Walang emosyon ang mukha nito na nakatingin lang sa maid.   “Nasaan siya?” tanong ni Fernando na may ngiti sa labi. Halata sa boses niya ang pagkasabik na makita si Jasmin.   “Sumunod po kayo sakin.” Malumanay na wika ng maid.  Tumingin ako kay Syncro na tahimik lang na sumunod sa kanila. Naunang maglakad ang maid. Kasunod nito si Fernando at nasa likuran niya si Syncro. Sumunod ako sa kanila dahil gusto kong makita si Jasmin. Kahit hindi maganda ang huli naming pagkikita ay gusto ko parin siyang makita.   Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Malawak ang loob nito at mukhang sala ng bahay. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang isang babae na nakaupo sa isang sofa. May katabi siyang lalaki na umiinom ng uice. Nakilala ko ang lalaki base sa hulma ng katawan niya kahit nakatalikod ito. Mabilis akong lumapit sa kanila.   “Kuya?” Bulalas ko. Napalingon siya sakin at halos matawa ako dahil merong tinapay sa bibig nya. Gulat na tumingin sakin si kuya at napatayo.   “Zerrie? Teka, anong ginagawa mo?” Tanong nito. Napangiti ako at lumapit sa kanya. I hug him so tight. Sya lang ang nag-iisa kong kamag-anak sa Pilipinas kaya naman nakakatuwa na makita ko ulit siya ngayon dito. Nang maghiwalay kami ay hinawi-hawi niya ang buhok ko.   “Kamusta kana? Nabalitaan ko yung nangyare. Mabuti at nakaligtas ka. Napag-alaman kong nabihag ka nila Riabelle.” Sambit ni kuya. Napangiti ako. Malamang na yung dalawang lalaki na iyon ang nagsabi kay kuya.   “I’m fine. How about you? Saan ka ba galing?” Tanong ko. Tumingin ako kay Jasmin na nakatingin din sakin. Pagkatapos nun ay umiwas siya ng tingin. Huminga ako ng malalim at muling tumingin kay kuya.   “Saan kayo galing?” Tanong ko. Natigilan si kuya at saka tumingin kay Jasmin. Matapos nun ay ibinalik niya ang tingin sakin. Tumango-tango ako. Naiintindihan ko na. Malamang ay ayaw ipasabi ni Jasmin kung saan. Kaya pala di manlang nagtetext sakin si kuya. Now I know.   “How are you, Jasmin?” Natigilan kami ni kuya ng marinig na nagsalita si Syncro. Nasa tabi niya si Fernando na kitang kita sa kanya ang saya na makita si Jasmin. Huminga ng malalim si Jasmin at tumingin kay Syncro. Pagkatapos nun ay lumingon siya kay kuya. I look at kuya. Nakita kong nakatitig siya kay Syncro at para bang gulat na gulat. Sa tingin ko ay hindi pa alam ni kuya na ito ang kabilang organisasyon na tumutugis sa The Coetus.   “I’m fine, Dad.” Maikling tugon ni Jasmin. Lumapit si Syncro sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat. Nakatingin lang ako sa kanila at hindi ko maiwasang mapangiti. Sa pagkakataong ito, kitang-kita ko kung paano maging ama si Syncro kay Jasmin. Malamang na gusto niyang yakapin ang anak ngunit dahil maraming tao ay hindi niya maipakita ang nararamdaman.   Nakayuko lang si Jasmin na para bang isang high schooler na nag-aantay pagalitan ng ama dahil sa paglalayas nito. Nakangiti ako sa kanila and I suddenly remember my Dad. Ganito rin siguro kami kung nandito siya. Malamang na marami na siyang naituro sakin tungkol sa mga pakikipaglaban gaya nung bata pa ako.   I look at kuya. Natigilan ako ng makita ko ang reaksyon sa mukha niya. Nakatitig parin siya kay Syncro at tila gulat na gulat parin. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagkabigla. Inilipat ko ang tingin ko kay Syncro. Nag-uusap sila ngayon ni Jasmin. Suot-suot nya parin ang kanyang salakot at salamin na itim. Muli akong lumingon si kuya na ngayon ay nagseryoso na pero mukhang malalim parin ang iniisip. Kinalabit ko siya. Napatingin siya sakin at napatulala nanaman. Ano bang problema nito?   “Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo.” Wika ko at napatawa. Matipid na ngiti lang ang isinagot niya sakin at tumingin ulit kay Syncro. Tumingin din ako sa kanya na ngayon ay nakatingin na kay kuya. Naging seryoso ang mukha ni Syncro ng makita si kuya. Hindi ko maintindihan. Ano bang problema nito? Kung sabagay, malamang na magugulat si Syncro dahil isang undercover agent si kuya. Siguradong alam niya ito dahil malawak din ang impluwensya niya.   “Isa kang pulis, tama?” bulalas ni Syncro. Napatingin sina Jasmin at Fernando kay kuya.   “Teka, bakit nandito ka? Anong kailangan mo?” Sambit ni Fernando.   “Wala akong masamang pakay. Isinauli ko lang po si Jasmin.” Sambit niya at saka tumingin sakin. Nagkatinginan sina Syncro at Fernando. Kasabay nun ay tumingin sakin si Syncro at kay kuya.   “Dito kana magpalipas ng gabi.” Sambit ni Syncro kay kuya at tumalikod na. Kami naman ngayon ni kuya ang nagkatinginan.Nagulat ako dahil sa ginawa ni Syncro. Samantalang si kuya ay mukhang inaasahan na niya ito.   Nang makalabas si Syncro ay lumapit si Fernando kay Jasmin at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Galak na galak itong amkita si Jasmin. Nakataas naman ang isang kilay niya sa matanda. Sa tingin ko ay hindi maayos ang ugnayan ng dalawang ito. Dati nung isinama na ako ni Jasmin dito, ramdam ko ang inis niya sa matandang ito dati.   “Sir, ihahatid ko na po kayo sa kwarto nyo.” Sambit ng lumapit na maid sa amin.   “Hindi na. Duon na po siya sa kwarto ko.” Sagot ko. Tumango lang ang maid at umalis na. Lumabas na rin kami sa kwartong ito at naglakad patungo sa kwarto ko. Tahimik na nakasunod sakin si kuya. Medyo nairita ako sa katahimikan niya kaya huminto ako at humarap sa kanya.   “Hoy kuya! Saan ka ba galing? I mean kayo. Saan kayo galing? I tried to contact you so many times. Hindi naman kita ma-reach.” sambit ko. Napakamot nalang ng batok si kuya at napangisi. Alam ko naman na talaga na hindi sasabihin sakin ni kuya. Malamang na sinabihan siya ni Jasmin.   “Anyways, kelan ka pa nandito?” pag-iiba ni kuya ng tanong. Huminga ako ng malalim at muling itinuloy ang paglalakad.   “Matagal na. Mga isang buwan siguro o mahigit.” Sagot ko. Natahimik naman si kuya sa likuran ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapailing dahil sa kanya. Ano bang problema nito? Kanina pa siya. Maski si Syncro din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD