CHAPTER THIRTY-EIGHT

2360 Words
Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng uhaw. Dahan-dahan akong bumangon habang hawak-hawak ang kumot na nakabalot sakin ngayon. I look at Lexin who was sleeping beside me. Hindi ko nanaman napigilang ngumiti. This is the second time that we do that thing. Medyo nakakaramdam parin ako ng hiya dahil hindi naman ako ganon kasanay.   Mabagal lang akong naglakad papuntang kusina. Tumatakbo parin sa utak ko ang mga takbo kanina. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nandito na ako ngayon. Kasama ko na siya ngayon. Ngunit hindi parin maiiwasan ang mga posibleng kaharapin naming problema.   Gustong-gusto kong itanong sa kanya ang tungkol kina Riabelle. Gusto kong itanong kung may nagpapakita ba sa kanya o nag-paparamdam manlang na kung sinong tao na umaaligid sa kanya. Natatakot parin kase ako lalo na sa mga sinabi ni Riabelle.   I trust Lexin. I really trust him. Pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang totoong katauhan ako. Masaya naaman kaming dalawa ngayon. Siguro ay aalagaan ko nalang muna ang ganitong relasyon para naman kapag dumating na ang araw na iyon, hindi siya magalit sakin.   Sana lang ay tama ang ginagawa ko.   May mga ginagawa kase tayo na akala natin tama pero mali pala talaga. Kase duon tayo sanay. Gumagawa tayo ng sarili nating konklusyon sa utak. Humahanap ng sagot na hindi naman talaga nag-eexist.   Alam ko naman na matalino ako. Ngunit sa mga ganitong bagay, para bang ang tanga ko. Sana lang ay hindi dumating sa puntong pagsisihan ko ang mga desisyong ito. Ayokong masaktan si Lexin. He was there when I lose everything. Ayokong dumating sa punto na ako ang maging dahilan bakit mawawala ang lahat sa kanya.   Kinuha ko ang isang pitsel sa ref at nilagyan ng tubig ang baso. Hindi ko nanaman napigilan ang paghinga ko ng malalim. Alam kong saglit lang ang ganitog kasiyahan. Aalis din ako upang asikasuhin ang mga dapat asikasuhin but this time I will make sure na mag-papaalam ako sa kanya.   Matapos kong uminom ay bumalik ako sa kwarto ni Lexin. Tulog na tulog parin siya. Napaka-amo ng mukha niya. Nakakagigil. Paniguradong mamimiss ko ito. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya upang mas lalo ko pang makita ang kakisigan niya. Ngunit napahinto rin ako ng tumunog ang cell phone niya. Nakapatong ito sa kabilang lamesa sa gilid niya. I look at him. Pero sobrang lalim ng tulog niya. Mukhang hindi niya naririnig ang tunog.   Bumangon ako at lumapit sa kabilang lamesa. Kinuha ko ang cell phone niya at walang anung-ano na sinagot ito. I was about to say hello ng unahan ako ng isang familiar na boses.   “Lex, nasaan ka? Busy ka ba?” Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni kuya. Nanatili pa rin akong tahimik at inaantay ang susunod niyang sabihin.   “Hoy Lex, bakit ba ayaw mo sumagot? Nasaan ka ba? Tss.” Si kuya nga. Gustong-gusto kong sumagot at tanungin kung nasaan siya ngunit hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili kong manahimik. I’m still waiting for something. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunong ng serena ng patrol cars. Napakunot ang noo ko. Nasaan ba si kuya ngayon?   “Kuy---” Naputol ang pagsasalita ko ng babaan ako ng tawag ni kuya. Bwisit na yon. Tsk! Nasaan ba sya? Kung kailan naman magsasalita na ako saka pa sya nagbaba. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Lexin. Malalim ang tulog niya na akala mo nananaginip ng maganda kaya ayaw gumising.   Ibinalik ko ulit ang cell phone sa table at naglakad pabalik sa kanina kong pwesto. Muli akong humiga at nagpumilit na pumikit. Ngunit para bang hindi na ako dinadalaw ng antok. Nakakainggit si Lexin. Ang himbing-himbing ng tulog.   Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa pag-uusap namin ni kuya kanina. Nasaan kaya siya? Bakit may mga pulis? Hindi ko manlang narinig si boses ni Jasmin. Kung nagkakausap sila ni Lexin malamang na alam ng lalaking ito kung nasaan sina kuya. Tama tama. Kailangan ko nalang tanungin si Lexin bukas. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng antok kaya ipinikit ko na ulit ang aking mata.   ISANG NAKAKASILAW na umaga ang bumungad sakin. Nakabukas ang bintana sa kwarto ni Lexin kaya nasilaw agad ako. I look at my side ngunit wala duon si Lexin. Malamang ay nasa labas iyon. Kaya naman bumangon na ako. Kinuha ko ang mga damit ko na nakatupi sa gilid ko at nagtungo sa CR. Walang tao duon. Siguro ay nasa kusina si Lexin.   Saglit akong nagbihin at mabilis ding lumabas. Muli kong tiningnan ang kama ni Lexin kung saan kami gumawa ng alaala. Hindi ko nanaman napigilang ngumiti. Naglakad ako palabas. Naririnig ko na ag mga tunog ng kasangkapan kaya paniguradong nagluluto si Lexin. I walk towards him to say ‘Good Morning’ ngunit napahinto ako ng marinig na may kausap siya sa telepono.   “Oo alam ko… teka nasaan ka ba?... sige sige… hey by the way, mag-iingat kayo. Akala ko naman kung anong nangyare sayo… okay sige…” pagkatapos non ay saka na nya binaba ang tawag. Lumapit ako sa kana ng may tanog.   “Sino yun Lexin?” Mukhang nagulat siya dahil hindi nya ata namalayan ang paglapit ko.   “Si Steve.” Maikli niyang tugon. Para bang nabuhayan ako ng marinig na si kuya iyon.   “Asan daw siya?” Muli kong tanong. Tumingin siya sakin at kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan.   “Hindi ko alam. Hindi sinabi.” Sambit niya at mabilis na iniwas ang tingin. Nakaramdam ako ng kung ano sa ginawa niya. Alam kong alam niya kung nasaan si kuya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin sakin.   “Okay.” sagot ko. Tumango-tango siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. I feel betrayed. Alam kong may itinatago siya. Bakit ba ayaw nyang sabihin sakin kung nasaan si kuya? Kasama niya si Jasmin kaya need kong malaman kung nasaan siya. Nag-aalala na ang ama niya.   Lumipas ang mga oras at katatapos lang naming kumain ng agahan. Walang umiimik sa amin. Nakakapanibago dahil ang tahimik niya. Kinakabahan ako. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko alam kung anong words ang gagamitin ko upang magsimula ng topic.   Upang mabawasan ang katahimikan sa loob ng condo niya, binuksan ko ang TV. Bumungad duon ang isang breaking news. Tungkol ito sa isang bangkay na natagpuan sa ilalim ng isang tulay. Nakalagay daw ito sa isang malaking maleta.   Pinagmasdan kong mabuti ang maletang iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Ito yung maleta nung lalaki kahapon. Ganitong ganito ang itsura nun. Tila bumalik sa isipan ko ang pagtatagpo namin kahapon. Sa pagkaka-alala ko ay hirap na hirap ito sa paghila ng maleta. Don’t tell me na bangkay ang laman non?   Napailing ako.   Sa panahon talaga ngayon ay napakadali nalang ang gumawa ng krimen. Lalo na kung nasa gobyerno ka. Mabilis lang sayo ang makatakas sa mga ganitong bagay. Kung hindi naman ay mababa lang ang maipapataw sa iyon. Kung mayaman ka, mabilis mo lang makukuha ang hustisya. Nakakalungkot.   Walang pinagkaiba sakin. Nagtatrabaho ako sa mga pulitiko upang pumatay ng kung sino mang naisin nila. Mabilis lang saking makalusot dahil sa mga kapangyarihan na meron sila. Wala naman akong nararamdamang kahit na ano duon. Hindi ko naman na iniisip kung ano ang mangyayare sakin. Higit pa sa kamatayan ang parusa sa kagaya ko.   Third person’s point of view   Hindi napapansin ni Zerrie ang kanina pang mga titig ni Lexin. Nakatutuok ang dalaga sa TV at tila malalim ang iniisip. Napansin ito ni Lexin at hindi nya maiwasang pagmasdan ang dalaga. Isang bagay lang ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Kakaiba na si Zerrie ngayon.   Napag-isipan na niya ito. Sa ilang araw o buwan niyang pagkawala, malakas ang kutob niya na may hindi magandang nangyayare kay Zerrie. Alam niyang sa pisikal ay ito ang kanyang nakababatang kaibigan ngunit ang dating kaibigan ay hindi na niya mahanap sa dalaga. Naninibago siya.   Napapailing nalang si Lexin habang iniisip ang mga bagay na parang imposibleng mangyare. Mahal na mahal niya si Zerrie kaya naman iniiwasan niyang pagdudahan ang dalaga.   Naglakad siya patungo sa kwarto upang makahinga ng maluwag. Paulit-ulit niyang iniisip na maging masaya sa pagbabalik ng dalaga. Iyon ang importante sa ngayon. Tumango-tango siya na para bang nahihibang. He can’t afford to lose her, again.   Matapos ng ilang minuto ay naglakad na siya muli palabas ng kwarto. Naautan niya si Zerrie na nanonood ng mga balita. Mabuti nalang at day-off niya ngayon. Magkakaroon sila ng oras para sa kanila lang dalawa.   Naglakad si Lexin papalapit kay Zerrie na tahimik na nanonood. Hindi niya alam kung sasabihin nya ba kay Zerrie ang naging usapan nila ng kuya niya. Ramdam iyang walang idea si Zerrie kung nasaan ang kuya. Hindi nya rin maintindihan kung bakit nagsisipag-walaan ang magpinsang ito.   “Zerrie…” panimula niya. Nakita niyang tumingin ang dalaga sa kanya. Nagdadalawang isip parin siya kung sasabihin nya ba dito o hindi.   “How are you?” napakunot ng noo si Zerrie dahil sa tanong na iyon ni Lexin. Hindi nya alam kung anong isasagot sa simpleng tanong na iyon. Para bang ang daming ibig sabihin ng simpleng tanong na iyon.   “I’m fine.” maikling tugon niya. Tumango-tango si Lexin at umupo sa tabi ni Zerrie. Kinapa nito ang mga dating sugat ng dalaga. Nakita na niya ito kagabi. Ngunit gusto niya ulit tingnan ito upang makasigurado.   “Kamusta na ag mga tahi mo?” Tanong ni Lexin.   “Magaling na.” Maikling tugon ni Zerri. Huminga ng malalim si Lexin na tila nagdadalawang isip parin. Napansin ito ni Zerrie kaya naman siya na ang naglakas ng loob na simulan ang kanilang mahaba-habnag pag-uusap.   “You can ask me a question.” Panimula niya. Ramdam niyang maraming tanong ang binata.   “Aalis ka ba ulit?” Tila natigilan si Zerrie sa unang tanong nito. Hindi niya ito inaasahan. Napakagat ng labi si Zerrie na nagdadalawang isip kung sasagutin ba ito o magsisinungaling ulit. Ngunit ayaw niyang masaktan pa si Lexin. Patong-patong na ang kasinungalingan niya dito.   “Yes.” Maikling tugon ni Zerrie. Tumango-tango si Lexin sa kanya.   “Okay. Saan ka naman pupunta?” Natigilan muli si Zerrie. Huminga muna siya ng malalim ago hinarap si Lexin.   “Sa malayo. May kailangan muna akong ayusin, tapusin. Medyo matatagalan iyon. Kaya mo bang maghintay?” Medyo may pagkasarkastik na wika niya. Hindi napigilan ni Lexin ang matawa.   “Oo naman. Syempre. Ikaw pa ba?” sagot nito sa dalaga. Sabay silang tumawa. Sa mga tawanan nila ay para bang mga huling sandali nila. Nagkwentuhan lang sila ng kung ano-ano. Sa ilang araw na pagkakakulong ni Zerrie sa kwarto niya ay ngayon nya lang naramdaman ang tunay na kalayaan.   ILANG ORAS silang nagkwentuhan ng mga bagay na kung ano-ano. Mga bagay na nangyare kay Lexin habang wala siya. Nagkwento rin si Zerrie ng mga nangyare sa kanya. Ang pinagkaiba lang nila ay hindi totoo ang mga kinukwento niya. Lahat ng sinasabi niya kay Lexin ay mga kathang isip lang. Just a tale.   “Tara, sa labas na tayo kumain.” Sambit ni Lexin. Tumango si Zerrie sa kanya. Ilang buwan na rin siyang hindi nakakakain sa labas.   “Okay.”   Ilang oras matapos ay nakarating na rin sila sa isang restaurant. Medyo konti lang ang tao dito. Dahil na rin siguro sa mga napapanahong balita. Until now, hindi parin nahahanap ang mga nasa likod ng mga pagkawala na iyon. Alam ni Zerrie na hindi naman talaga mahahanap o sadyang hindi hinahanap. May mga kwani ng pulisya na parte ng organisasyong iyon. Malamang naman na alam nila ang dahilan ng pagkawala. Madali lang din sa kanila na makakuha ng biktima dahil sa lawak ng kapangyarihan na meron sila.   Pumasok na silang dalawa sa loob. Pagkatapos ay umupo sila sa medyo hindi daanan ng tao. Sa isip-isip ni Zerrie ay medyo mamahalin ang mga pagkain dito. Kahit may pera siya at afford naman niya ito, medyo nahihiya parin siya kay Lexin.   “Sure ka ba dito?” Napakunot ng noo si Lexin.   “Oo naman. Huwag ka ng mahiya. Libre ko to.” Sambit ni Lexin. Tumango-tango siya. May dumating na rin agad na waiter. Pagkakuha sa kanila ng mga order nila ay nagpaalam siya kay Lexin upang magCR. Naglakad siya papunta sa CR. Pagpasok niya sa loob ay agad niyang ni-lock ang pinto.   “What do you want?” Bungad na tanong ni Zerrie. Inantay niyang lumabas sa isa sa mga cubicle ang isang familiar na tao. Hindi nga siya nagkamali.   “Napakagaling mo na.” Sambit ni Riabelle na kalalabas lang sa isa sa mga cubicle. nag-smirk lang si Zerrie sa kanya.   “Mabilis ko lang maramdaman kapag ikaw.” Walang emosyong sagot ni Zerrie. Napangiti si Riabelle. Talagang bilib siya sa galing makiramdam ni Zerrie. Kahit kailan ay hindi pumapalya.   “Kung sabagay, mararamdaman mo naman talaga lalo na kapag may galit ka.” Tugon ni Riabelle. Tinaasan siya ng kilay ni Zerrie. Totoong may galit siya sa dalaga lalo na sa mga pagtatraydor nito sa kanya pero hindi nya maintindihan kung bakit hindi niya magawang saktan pabalik si Riabelle. Siguro ay dahil sa mga pinagsamahan na nila sa maikling panahon.   “Ano bang kailangan mo?” tanong nya dito. Naglakad si Riabelle papunta sa harap ng salamin at naglagay ng lipstick sa kanyang labi. Saka ito tumingin kay Zerrie through the mirror.   “Wala naman. Kinakamusta ka lang. Matapos ang insidenteng iyon, iniisip ko kung ano na pinagkaka-abalahan mo. Masama ba iyon?” Tanong niya. Nanatiling nakatingin si Zerrie sa kanya habang inaantay ang mga susunod nitong sasabihin. Nang matapos naman si Riabelle sa paglalagay ng lipstick ay humarap ito sa kanya.   “So, may date pala kayo ng boyfriend mo?” Tila may pang-aasar sa bawat salitang iyon ni Riabelle. Hindi nagustuhan ni Zerrie ang tono nito kaya mabilis siyang lumapit dito at hinawakan ng mahigpit ang braso niya.   “Umaaligid ka ba kay Lexin? Anong gagawin mo?” Mariin ang bawat bigkas ni Zerrie. Iniisip niya na maaaring si Lexin ang pakay ni Riabelle. Medyo nainis siya ng makitang tumatawa si Riabelle.   “Masyado ka namang protective. Ikaw ba? Alam na nya kung sino ka?” May pang-aasar sa tanong ni Riabelle. Binitiwan niya ito at muling hinarap siya.   “Binabalaan kita Riabelle. Lexin has nothing to do with this. Layuan mo sya or else---”   “Or else what? Anong gagawin mo?” Mabilis na tugon ni Riabelle. Mas lumapit pa si Zerrie sa kanya.   “Pareho nating alam kung ano ang kaya kong gawin, Riabelle.” Kalmadong sagot ni Zerrie. Nagbago ang reaksyon sa mukha ni Riabelle. Ginantihan niya si Zerrie ng titig. Hindi na rin nagawa pang sumagot ni Riabelle ng may kumatok sa pinto. Humiwalay na si Zerrie sa kanya at naglakad sa pinto. Pagbukas niya ng pinto ay muli siyang tumingin kay Riabelle na ngayon ay nakatitig parin sa kanya. Nag-smirk lang si Zerrie bago tuluyang lumabas ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD