"Labanan mo ko dito, Sync." Natigilan si Zerrie. Sa isip-isip niya ay mukhang hindi siya titigilan ni Jasmin. Mukha namang tama ang kanyang iniisip. Hindi titigil ang dalaga hangga't walang namamatay sa kanilang dalawa. "Kung iyan ang gusto mo. Ibibigay ko sa iyo." Sambit ni Zerrie. Agad siyang tumayo. Kinuha niya sa gilid ng kanyang baywang ang baril. Napatitig si Jasmin sa kanya. Inaantay niya ang susunod na gagawin ng dalaga. Nagulat si Jasmin ng makitang itinapon ni Zerrie ang baril sa kanyang gilid. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Jasmin. Naghanda na siya habang si Zerrie naman ay nag-uunat. Mas mabuti na rin siguro na gawin nila ito. Nang sa ganon ay matapos na rin ang hidwaan sa pagitan nila. Hangga't walang natatalo sa kanila, hindi titigil ang usaping ito. Ramdam naman ni Ze

