Matatalim ang bawat titig na ibinigay sa akin ni Jasmin. Unti-unti na ring nabura ang ngiti niya sa labi. Seryoso ang kanyang mukha at mukhang kahit anong oras ay kaya na niya akong patayin. Nanatili akong nakatayo habang nag-iisip ng paraan na makatakas sa kanya. "Huwag ka ng magtangka Sync. Kahit anong gawin mong pag-takas, mamamatay at mamamatay ka parin." Tugon ni Jasmin. Napatitig ako sa mata niya. Tinangka king basahin kung ano ba ang nararamdaman niya. Ngunit wala akong makita kung hindi galit na parang apoy na nagliliyab. Kitang-kita ko ito sa kanyang mata. "Ano bang gusto mo? Hindi ito ang oras para sa mga ganitong bagay." Sambit ko. Wala manlang pagbabago sa reaksyon sa kanyang mukha ang makikita. Hindi ko manlang maramdaman ang pagdadalawang isip niya. "Mali ka riyan. Ito an

