Meeting my Brother's Friend
Sienna's POV
"Oh ito na 'yung mga pinapabili mo." naiinis na sambit ko sabay lagay ng mga plastic bag sa lamesa.
"Ayun, maasahan ka talaga, panget." sagot naman niya sa akin atsaka isa-isang tinignan ang mga binili ko.
"Bakit ba kasi nandito ka pa? Dapat 'yung bulacan branch na lang natin ang inatupag mo. Bakit yung dito pa sa Manila ang gusto mo ihandle kasi." reklamo ko sa kanya, "Nakakapagod ka pa naman kasama." naiinis na dagdag ko pa.
"Hoy, bakit ka ba nangengealam? Lahat ng mga kaibigan ko nasa Manila. Papahirapan mo pa ako magpaluwas luwas kapag gusto ko gumala. At least kung dito ang ihandle ko, malapit lang din ako sa kanila at madali nila ako mapupuntahan. Kaya 'wag ka na mangealam diyan, bata." sagot niya naman sa akin.
"'Wag mo nga ako tawaging bata, hindi na ako bata. For your info, 19 na ako." pagprotesta ko sa kanya.
"Oh? Ano naman? Bata ka pa rin, wala ka pa ngang college." sagot niya naman sa akin sabay tawa.
Umirap na lang ako atsaka pumunta sa may sala para manood ng TV.
Nakakainis, akala ko pa naman magiging masaya ako sa pasukan na ito kasi finally pinayagan na ako ni mommy na magstay sa condo namin na mag-isa. Noong Grade 11 kasi ako, uwian ako palagi dahil ayaw nga ni mommy na mag-isa lang ako. Kaya from Manila going to Bulacan and vice versa ang binubuno ko everyday kapag may pasok.
Yes, sa Manila kasi ako nagsenior high since dito na rin kasi ako magcocollege sa same university atsaka para maready ko na ang sarili ko when I go to college nga. So, going back, wala palang kwenta ang pagkaexcited ko sa paglilipat dahil balak pala talaga nitong panget kong kuya na sumama sa akin para dito rin magstay.
Tapos ito pa, ininvite pa ang mga kaibigan niya noong college para magkaroon ng mini get together. At dito sa condo namin gaganapin, kaya nga niya ako inutusan na mamili ng kung ano-ano.
For sure mamaya, sa loob lang ako ng kwarto ko magstay kaya dapat talaga magstart na ako maglagay ng mga pagkain ko sa loob ng kwarto kasi hindi na ako makakalabas pa mamaya. Hindi naman kasi ako close sa mga friends niya kahit noong highschool siya, kahit na palagi nagpupunta mga 'yun sa bahay. Pero ngayon, mga college friends ang pupunta at never ko pa nameet sa buong buhay ko kaya mas lalo akong hindi makikihalubilo sa kanila noh. Kung sa mga kilala ko nga hindi ko pinapakisamahan, what more sa mga hindi ko pa nakikilala.
Medyo malayo ang agwat namin ni kuya kaya hindi rin kami masyado magkasundo. If I'm not mistaken, 24 years old na siya at ako naman ay 19 years old pa lang. Graduate na siya ng BS Pharmacy and currently handling our Manila Branch ng botika, while ako naman nasa Grade 12 palang this school year.
Napatingin naman ako sa may pinto ng may magdoorbell. Baka 'yan na ang inorder ko na pizza.
"Nagpadeliver ka ba?" tanong ni Kuya sa akin.
"Oo, at para sa akin lang. Kaya 'wag ka hihingi ah." sagot ko naman sa kanya atsaka naglakad patungo sa may pintuan.
Pagbukas ko palang ng pinto ay nagulat ako at parang huminto ang mundo ko ng makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.
"Hoy tumabi ka nga." nagising ako sa realidad ng magsalita si kuya Shaun, "Aga mo, pre." pagwelcome niya sa lalaking kakarating.
"Maaga natapos ang klase eh." sagot naman niya sabay pasok sa loob.
"'Wag mo 'yan pansinin, kapatid ko lang 'yan." pagpapakilala niya sa akin. Hindi ko alam kung pagpapakilala nga ba ang tawag dun.
"Pwede ba?" naiinis na sambit ko.
Pero hindi niya naman ako pinansin at diretso lang siya na nag-aayos ng mga snacks na pinabili niya sa akin.
Naupo naman siya sa may sala at ako naman ay naiwan sa may pintuan habang nakatitig sa kanya.
"Huy, ano'ng ginagawa mo?" tanong ni kuya sa akin, "Isarado mo na 'yan."
"Ah, uhh, oo nga pala." sagot ko naman sabay sarado sa pinto.
Lumapit naman ako sa kuya ko, "Kaklase mo noong college?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, kasama ko sa org." sagot niya sa akin, "Bakit?"
"Wala naman." sagot ko sa kanya, "Nasaan ibang kaibigan mo?"
"Siya lang pinapunta ko." sagot niya naman sa akin, "Atsaka bakit ka ba tanong ng tanong?"
Akala ko marami siyang kaibigan na pinapunta hindi pala.
Sumulyap naman ako sa kanya ng palihim sa may sala.
"Pumasok ka na sa kwarto mo, akala ko ba ayaw mo rito sa sala?" tanong niya sa akin.
"Pake mo ba?" naiinis na sagot ko sa kanya.
Babatukan na sana niya ako kaya lang mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto ko.
Napaupo ako sa kama ko at hinawakan ang dibdib ko, pinapakiramdaman ko ang t***k ng puso ko. Sobrang bilis. Baka dahil sa pagtakbo papunta rito sa kwarto.
***
Naalimpungatan ako ng yugyugin ako ni Aila, isa sa mga kaibigan ko, nakatulog kasi ako sa pag-aantay sa prof namin para sa research subject.
"Good Afternoon, class." dinig kong sambit ng professor namin.
Sumagot na rin naman ang mga kaklase namin sa kanya ka pinaupo na niya kami.
Panghuling subject na nga pala namin ito, kaya naman excited na ako matapos ang 1 hr and 30 mins namin.
Unang araw palang ng klase pero sobra na akong tinatamad. Hay nakuu.
Inayos ko na ang sarili ko at tumingin sa harap para makita kung ano ba ang ipapagawa nitong prof na ito sa amin.
Para naman akong nanlamig ng makita ko kung sino ang professor na nasa harap ko ngayon.
Si Drake? Ang kaibigan ni kuya ang prof ko?
Napatingin naman siya sa gawi ko at ngumiti siya ng bahagya. Naramdaman ko naman ang paglakas ng t***k ng puso ko bigla.
"I'm your new professor for today, I'm Tristan Drake Lopez, you can call me Mr. Lopez or Sir Drake." he said introducing himself, "I will be teaching you all about research." he added.
Pero para akong nabingi, nagslow-mo nanaman ang lahat sa paligid ko. At siya lang ang bukod-tanging tao na nakikita ko sa classroom na ito.
Sa totoo lang, gwapo siya at mukhang mabait. Pero tahimik siya eh, hindi rin naman niya ako gaanong kinausap the last time na nagpunta siya sa condo. Although we had a few talks naman kapag may mga itinatanong siya sa akin or may hinahanap.
"Gwapo ng prof natin." bulong ni Aila sa akin habang nagsusulat sa board si Sir Drake, "Gaganahan na tayo pumasok."
Hindi naman ako sumagot, kasi tama naman siya gwapo talaga at nakakagana pumasok dahil siya na ang prof namin.
Kung kanina, uwing-uwi na ako, ngayon gusto ko pa sana mag-extend ang oras. Napakabilis natapos ang 1 and half hour na klase.
"See you on Wednesday." pagpaapalam niya naman saamin before he walked out of the room.
Monday and Wednesday lang ang schedule niya sa amin, kaya naman super bitin din talaga if ever. Nakakatamad tuloy bukas kasi walang research.
"Oh siya, mauna na ako at nandiyan na sundo ko." pagpapaalam naman ni Aila sa amin ni Bea, isa pang kaibigan namin.
"Ako rin, Sienna, mauuna na ako." pagpapaalam din ni Bea sa akin, "May dadaanan pa ako."
"Sige, ingat ka." sagot ko naman atsaka nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ko.
Paglabas ko ng campus ay nakita ko na naglalakad si Sir Drake sa same side kung saan ako papunta para umuwi.
Hinabol ko naman siya ng lakad at sumabay sa kanya.
"Hi Sir." pagbati ko sa kanya atsaka ngumiti.
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti pabalik.
"Nakakatuwa noh, estudyante pala kita." panimula naman niya.
"Kaya nga po eh." sagot ko habang patuloy na nakangiti sa kanya. Hindi na ata mawawala sa labi ko ang mga ngiti na ito dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko habang kausap ko siya.
"Oo nga pala, papunta ako sa inyo ngayon. Inaya ako ni Shaun na kumain sa labas eh. Sama ka?" tanong niya naman sa akin.
"Huh?" kinilig ako kaya hindi ko alam ang isasagot ko, "Sama ako."
Pagdating namin sa unit ay naabutan namin si kuya na nakaupo sa may sofa sa sala.
"Oh, bakit magkasabay kayo ni Drake?" tanong ni kuya sa akin. Pero siya ang sumagot, imbes na ako.
"Huling subject ko sila for today." sagot naman ni Drake sa kanya.
"Huling subject? Nagtuturo ka rin sa senior high? At estudyante mo 'to?" tanong ni kuya sa kanya.
"Oo, binigyan ako ng load for senior high, research lang naman. Pero mostly sa BS Bio ako talaga nagtuturo." pag-eexplain naman niya.
"Ah. Oh siya, pahirapan mo 'yang panget na 'yan." natatawang sambit pa nito ni kuya kay Drake. Napakaepal talaga kahit kailan, nakakainis. Tumingin naman siya sa akin, "Umorder ka na lang ng pagkain mo, at kakain kami sa labas ni Drake kasama iba naming mga kaibigan."
"Sasama ako." sagot ko sa kanya.
"Bakit ka sasama? Atsaka kailan ka pa sumama sa akin kapag may mga kasama akong kaibigan?" nagtatakang tanong niya.
Inapakan ko naman ang paa niya kaya siya napasigaw.
"Basta sasama ako, dami mo sinasabi." sagot ko naman sa kanya sabay labas sa unit namin.
Maya maya ay lumabas na rin siya kasama si Drake. Tumakbo naman siya palapit sa akin atsaka ako binatukan.
"Hoy! Ang sakit. Isusumbong kita kay mommy." sigaw ko sa kanya.
Pero dumila lang siya atsaka nauna pumunta sa may elevator.
Naiwan kami na naglalakad sa hallway ni Sir Drake.
"Lagi kang inaasar ng kuya mo?" tanong niya sa akin.
"Oo, palagi. Malakas kasi mang-asar." sagot ko naman sa kanya, "Nakakainis, walang kaaffection-an sa katawan." dagdag ko pa.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya naman napatingin ako sa kanya. Naramdaman ko na naman ang puso ko na kumakabog ng sobrang lakas. Ang lakas ng dating niya sa akin. Ano ba itong nararamdaman ko? Ito na ba yung sinasabi nila na feeling naiinlove?
"Bagal niyo maglakad dalawa, nandito na elevator." pagsira ni kuya sa moment naming dalawa ni Sir Drake. Kahit kailan talaga wrong timing palagi itong Shaun the Sheep na ito.
Pagdating namin sa restaurant ay nahiya ako bigla dahil medyo marami pala sila. Nasa 5 pala sila na magkikita-kita.
"Sino 'yang kasama mo?" dinig kong tanong ng isa niyang kaibigan kay kuya.
"Kapatid ko, si Sienna." sagot naman ni kuya.
"Ganda ng kapatid mo ah." dinig ko pang komento ng isa niyang kaibigan.
"Oh oh oh, bawal manligaw sa kapatid ko. Mga kupal kayo." pagbabawal niya sa mga kaibigan niya, "Manligaw na lahat, 'wag lang mga kaibigan ko. Atsaka bata pa 'yan, mahiya nga kayo."
"Napakaprotective naman na kuya." natatawang sambit naman ng isa pa sa kanila. Pero hindi na sumagot si kuya, natawa na lang siya.
Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa gilid ni Sir Drake dahil bigla niya itong tinapik habang nakatingin sa akin.
"Umupo ka na." sambit niya naman sabay ngiti.
Dahan-dahan naman akong umupo sa tabi niya habang ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ayang kaharap ng kuya mo, si Ashton 'yan." pagpapakilala ni Sir Drake sa kanya sa akin. Pero hindi naman malakas ang pagkakasabi niya, tama lang na marinig naming dalawa.
Tinuloy niya naman ipakilala ang iba pa nilang kasama which is si kuya Clyde at kuya Anton.
Tahimik lang din naman ako na kumakain habang sila ay nagtatawanan at nagkekwentuhan. Nababaliw na ata talaga ako kasi sumama ako ngayon kahit na alam ko naman na hindi ako mag-eenjoy. Never naman kasi talaga ako sumama sa kahit anong lakad ni kuya Shaun before kahit pa kilala ko ang mga kasama niya.
Pero ano ba talaga ang rason at gusto ko sumama ng inaya ako ni Sir Drake? Dahil ba gusto ko siya? Gusto ko si Sir Drake? Ang prof ko at ang kaibigan ng kuya ko? Teka lang, erase nga! Baka naman natutuwa lang ako kasi mabait siya? O kaya naman, baka nagagwapuhan lang ako? Tama, ang rason talaga diyan ay nagagwapuhan lang ako sa kanya kasi nga ang panget ng kuya ko nanibago lang talaga ako na meron na akong kuya na gwapo plus professor ko pa.
"Hoy babae ka, ano 'yang kinakain mo?" tanong ni kuya sa akin nang isubo ko ang hipon sa bibig ko.
"Hipon?" pilosopong sagot ko sa kanya.
"Oo, alam kong hipon. 'Wag ka mamilosopo." sagot niya sa akin, "Bakit ka kumain ng hipon? Alam mo naman na allergic ka?" naiinis na tanong niya sa akin.
"May dala naman akong antihistamine." sagot ko naman sa kanya, sabay hanap ng gamot sa bag ko. Pero nagtaka ako dahil hindi ko pala nadala yung gamot. Nakalimutan ko na nagpalit nga pala ako ng bag.
"Oh, nasaan na?" tanong niya sa akin.
"Okay lang 'yan. Hindi naman severe ang allergy ko. Kung magkapantal, go lang." sagot ko naman sa kanya.
Kukuha na sana ako ng isa pang piraso pero hinila ni Sir Drake ang pagkain mula sa akin.
"Makinig ka sa kuya mo, baka magkaroon ka ng severe allergy reaction. Tama na ang isang piraso." pagpigil niya sa akin.
At sa hindi ko malaman na dahilan ay nagpapigil ako sa kanya. Para bang may something sa kanya na hindi ko kaya tanggihan.
Nagulat naman ako ng maglagay siya ng manok sa plato ko.
"Ito na lang ang kainin mo." sabi niya naman sa akin ng mapatingin ako sa kanya, "Hindi ma naman siguro allergic sa manok?"
"Hindi po." sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti naman siya at tumango sa akin bago tuluyang bumalik sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.
Napatitig ako sa kanya at ito na naman ang puso ko, nagwawala na naman siya habang mas tumatagal ko siyang tinititigan.
Napatingin naman siya sa akin kaya agad ako umiwas ng tingin at kumagat sa manok na binigay niya sa akin.
Ano ba itong nararamdaman ko?