May hawak na maleta sa isang kamay at passport sa isa pang kamay siya. Tiningnan niya pareho ang mga direksyon, takot na baka hindi umabot si Adrien. May kalahating oras na lang sila para sa boarding at kailangan pa nilang dumaan sa security.
Tiningnan niya ang oras at lihim na nagdasal.
Kahapon, pagkatapos magbigay ng mga nakakatawang dahilan sa mga bisita, lumabas siya para mamili habang kausap ang kanyang ina at inihayag ang balita na siya’y ikinasal na sa kanyang boss! Ang kanyang ina, na alam na ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon, ay hindi nag-atubiling batiin siya, kahit hindi alam ang buong kwento, sapagkat si Valeria ay inilahad lamang ang mga magandang bahagi ng pangyayari.
Naghanda siya ng mga bagong damit-panloob para sa kanilang honeymoon, binili ang mga damit para sa beach at mga eleganteng damit para sa mga gabi roon. Ngunit ang mga bagay na ito na akma para kay Valeria, ay maaring pamunas sa kusina para kay Adrien at ang kanyang marangyang pamumuhay. Hindi pa ito alam ni Valeria, ngunit malalaman niya sa lalong madaling panahon.
Isang Mercedes Benz ang huminto sa harap niya, at ang kanyang boss ay bumaba mula sa likod. Agad ding bumaba ang driver at kinuha ang maliit na maletang kay Adrien mula sa luggage rack, ibinigay iyon kay Valeria na parang wala lang. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Adrien ang tingin sa kanya at pumasok na siya sa paliparan, dumaan sa security at nagpatuloy sa kabila kung saan naroroon ang boarding gate para sa kanyang flight. Itinago ni Valeria ang passport, kinuha ang dalawang maleta at tinakbo ang kanyang boss na ngayo’y asawa na. Mahirap para sa kanya na habulin ito at halos mawala siya sa dami ng mga tao doon.
“Mister! Mr. Mckenzie! Sa kabila iyon! Huwag po kayo! Mali-late tayo sa flight!”
Pero hindi siya nakinig sa anumang sinabi niya at patuloy itong naglakad.
Tumigil si Valeria, binitiwan ang mga bag at may mga luha sa kanyang mga mata, sumuko na siya. Dahil kitang-kita niya na hindi na nila aabot sa boarding gate. Tumngin siya pabalik, nasa kabilang dulo ng paliparan sila at lalong lumalayo si Adrien sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang mga mata, kinuha ang mga maleta at mabilis na tumakbo, nagawa niyang makalagpas sa kanya.
“Ano ba! Bakit pawisan ka? Nakakasuka,” anito sa kanya.
Tiningnan ni Valeria ang kanyang sarili saka kinuha sa kanyang bulsa ang panyo na wala naman, kundi mga tissue lamang, pinunasan ang kanyang mukha, iniwan ang mga piraso ng papel sa kanyang noo at pisngi. Nilagpasan ito ni Adrien ng tingin. “Aalis tayo sa isang pribadong jet, paano naman ako makakasama sa iyo sa eroplano? Tingnan mo nga ang sarili mo, Valeria.”
Habang kinakabahan, binuhat niya ang mga bag at sumunod sa kanyang asawa.
In-assit sila papunta sa isang gate. Bumaba sila sa ilang hagdan at mula roon ay dinala sila sa isang maliit na bus papunta sa jet na wala nang iba pang pasahero. Dalawang magalang na stewardess ang bumungad sa kanila at kumuha ng mga maleta. Umupo si Valeria sa tabi ng kanyang asawa, ngunit sinabihan siyang umupo sa likod, kaya’t ginawa niya iyon.
Matapos ang ilang minuto, habang nag-aayos para sa takeoff, pumasok siya sa banyo. Napansin niya ang lahat ng piraso ng papel sa kanyang mukha. Naghilamos siya bago lumabas at bumalik sa upuan.
Ang tanging bagay na nagpalakas-loob kay Valeria ay ang katotohanang magkakaroon siya ng honeymoon sa Bora Bora kasama si Adrien Mckenzie, ang kanyang asawa.
Hindi niya inakala na tatagal nang ganoon ang kanilang flight. Natulog siya, kumain, sumuka, at natulog ulit, lahat sa likod ni Adrien. Nanood siya ng dalawang pelikula at tiningnan ang mga litrato na ini-download niya mula sa intenet, nag-imagine ng maraming bagay doon, marahil mga pagnanasa at interaksyon sa kanyang asawa.
Gabi na nang makababa sila ng jet, halos alas-siyete na.
Ibinigat sa kanya ang mga maleta at may kotse na nag-aabang. Umupo si Adrien sa harap, iniwan sa kanya ang bakanteng upuan sa likod.
Dumating sila sa isang villa na para lang sa kanila at sa mga tauhan na maglilingkod sa kanila hanggang sa buong pananatili nila doon.
Ipinakita sa kanila ang kamangha-manghang bahay at ang marangyang double room. Parang isang paraiso sa kanya iyon. Puting pader at kurtina. Ang malamig na hangin na dumadampi sa kanila at ang elegante nitong dekorasyon. Saan man sa bahay ay maririnig ang alon ng dagat.
Iniwan niya ang mga maleta sa kwarto at kinuha ang mga flip flops na nasa banyo. Libre ito para sa kanila. Tumakbo siya palabas at nagtungo malapit sa dalampasigan. Nanatili siyang nakayapak at binasa ang kanyang mga paa. Tumakbo mula sa isang tabi at dinadama ang pinong buhangin sa kanyang mga daliri. Nilingon niya ang villa. Nakita niya si Adrien na pinagmamasdan ang magandang tanawin ng mala-paraisong lugar na iyon.
Bumalik siya sa loob ng bahay.
Lumapit sa kanya ang isang babae para sabihing handa na ang hapunan at sinabi nitong aalis sila at babalik na lamang kinabukasan ng mga alas-otso ng umaga.
Hinanap ni Valeria si Adrien. Natagpuan niya ito sa isang courtyard na nakaupo sa isang upuan, nakatitig sa mabituing kalangitan.
“Handa na ang hapunan.”
“Hindi ako nagugutom, kumain ka nang wala ako.”
Hindi nagpumilit si Valeria at pumunta sa dining room. Nakita niya ang maraming pagkain sa mesa. Kumain siya nang kaunti, dahil kumakalam pa rin ang tiyan niya dahil sa haba ng kanilang ibiniyahe.
Pagpasok niya sa kwartong pagsasaluhan nila ni Adrien ay nandoon na ito, palabas ng banyo, nakatapis ng tuwalya. Dumidikit ang basang buhok sa noo at bahagyang namumula ang mukha sa mainit na tubig na naligo. Mabilis na tumalikod si Valeria dahil sa nakita niya. Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay.
“Sorry, hindi ko alam na gumagamit ka pala ng banyo.”
“Balak mo bang takpan ang mukha mo tuwing maghuhubad ako? Maligo ka na, ngayon ang unang gabi natin bilang mag-asawa. Ano sa tingin mo ang gagawin natin sa buong taon na ito? Balak kong gamitin ang karapatan ko bilang asawa mo.”
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay at tumalikod, namangha sa kahubaran ni Adrien. Halos takbuhin niya ang banyo ngunit muling lumabas upang hanapin ang espesyal na damit-panloob na binili niya para sa gabing iyon.
Gumapang sa pagkatao niya ang excitement. Ang isiping gagawin ulit nila iyon ni Adrien sa loob ng ilang taon ay hindi siya makapaniwala. Walang ibang lalaki ang nakahawak sa kanya maliban kay Adrien.
Na-wax niya ang kanyang buong katawan noong nakaraang araw, ibinalot niya ang lahat ng kanyang kayumangging buhok sa ibabaw ng kanyang ulo at pumasok sa shower, nagsipilyo ng kanyang ngipin pagkatapos matuyo nang mabuti at nagpatuloy sa pagsusuot ng kanyang sexy na lingerie.
Hinawakan niya ang mabilog niyang dibdib sa loob ng suot niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa tapat ng salamin. Kinuha niya ang underwear at pinadulas sa kanyang mga binti. Pakiramdam niya ay ang sexy niya ngayon. Inilugay niya ang buhok at ikinalat sa balikat niya. Tinapik niya ang kanyang pisngi at binuksan ang pinto ng banyo, dahan-dahang lumabas pagkatapos sumilip.
Pinagmamasdan ni Adrien ang babaeng lumalabas na naka-underwear, ang mahaba nitong buhok ay nakalugay sa balikat, ang mahiyaing tingin at ang mabini nitong paglalakad. Ilang segundo ay tumingin ito sa kanya na nabihag, pinagmamasdan niya ang pag-akyat nito sa kama at pinatay ang ilaw. Lumingon ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga s**o, kailangan niya ang dalawang kamay nito para matakpan ito nang mabuti, malambot ito, maselan at… pinaramdam nila sa kanya ang mabilis na pagpukaw . Inalis niya ang mga saplot sa katawan niya at maingat na tinanggal ang tela, nanginginig ang balat ni Valeria sa bawat haplos ni Adrien. Kagat-kagat niya ang labi sa pagtatangkang pigilan ang sarili. Naramdaman niyang gumalaw ang mga kamay nito pababa sa kanyang tiyan at nagpakawala siya ng isang buntonghininga na labis na nagpalakas ng loob kay Adrien, na nagawang tanggalin ang kanyang panty. Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga hita at saka ipinatong ang sarili kay Valeria, hinaplos ang mukha nito at bumaba sa kanya para halikan siya.
Ang unang halik na ibinigay niya sa asawa.
Nakatagpo siya ng mga maiinit na labi na nagbigay sa kanya ng isang kaaya-ayang pagtanggap, . Marubdob niyang hinalikan ang mga labi nito. Nagpaikot-ikot sila sa kama, magkayakap. Naging isa ang kanilang mga katawan at lalong uminit ang kuwarto. Hindi akalain ni Adrien na ang gabi ng kasal nila ni Valeria ay aabot sila sa gano’n. Hindi niya akalain na ang paghalik lang dito ay napakasarap sa pakiramdam at medyo pamilyar ang haplos.
Nasa ilalim niya ito, kinakabahan. Dinadama kung paano siya maingat na pinasok ni Adrien. Natatakot siyang kumapit sa mga braso nito kaya naghahanap ng suporta sa mga gilid ng kama. Mas lalo siyang kinakabahan sa paghinga nito. Muling naglakbay ang mga kamay ni Adrien sa katawang niya, hinahalik-halikan para mawala ang kanyang kaba. Batid ng binate na hindi aktibo ang s****l life nito kaya kailangan niyang magdahan-dahan.
Nang makapasok siya sa loob ay naramdaman niya kung paano siya sinalubong, pinisil-pisil at pinainit ng kanyang loob ang buong katawan, hindi siya makapaniwala na si Valeria ito.
Nagsimula siyang kumilos nang dahan-dahan, sa banayad na bilis, sinasabayan siya ng mga halinghing ni Valeria sa bawat galaw niya, hindi rin nagtagal at nilabasan ang dalaga. At iyon ay labis na ikinatuwa ni Adrien na sobrang rupok niya sa kanyang mga ipinapadama. Magiliw ito sa kanya, na-appreciate niya kung paano siya tinanggap ng kanyang tiyan at nanginginig, ikinulong ang kanyang ari habang siya ay sumuko sa sarap. Nakapagtataka kung gaano kasarap ang pakiramdam na nasa loob niya at ang pamilyar na sensasyong inilabas niya sa katawan ni Adrien.
Parang walang katapusan ang kaligayahan niya sa loob ni Valeria.
Ang kanyang mga kamay ay kumapit sa likod ni Adrien, ang kanyang ulo ay nagiging ligaw sa sobrang kasiyahan, ang kanyang mga halinghing ay lumalakas. Ang kama ay lumalagitnit habang si Adrien ay pinabilis ang kanyang paggalaw, na nagdala sa kanya sa pangalawang orgasm. Napailing siya, naramdaman niya ang bigat ng katawan ni Adrien sa kanya. Naalala niya ang unang gabing pinagsaluhan nila noon. Ibinigay niya rito ang kanyang p********e na hindi niya alam kung sino siya, halos magkahawig ang lahat, ngunit walang ideya si Adrien na siya pala ang misteryosong babaeng iyon, na inakala niyang si Elena.
Naramdaman niyang dumausdos ang mga kamay nito pataas sa kanyang puwitan at itinulak siya palapit sa kanya, ang pagkilos na iyon ang nagpabaliw kay Adrien, na ibinuhos ang sarili sa loob niya. Basang-basa ang pagkababe niya. Bumagsak siya sa gilid ng kama, sa tabi niya, pakiramdam niya ay kailangan pa niya ng hangin, iniwan niya ang mga kamay sa dibdib niya at napatingin sa babaeng katabi niya, ang asawa niya.
Tumayo si Valeria at pumunta sa banyo, pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, ang mukha ay mas masaya kaysa dati at napakalaking kasiyahan na makapiling muli si Adrien, ang asawa niya ngayon at ang lalaking mahal niya.
Mabilis siyang naligo at bumalik sa kama, nakahiga nang hubo't hubad.
Hinintay siya ni Adrien saka niyakap, habang natutulog silang dalawa.
Kinabukasan, madaling araw, ginising siya ng ilang mainit na kamay, pinaghiwalay ang kanyang mga binti at hinahalikan siya pabalik, naramdaman niya ang paninigas ni Adrien na dumikit sa kanya, inikot nito ang katawan, iniwan siyang nakaharap sa kanya, hinalikan ang kanyang leeg, hinawakan ang kanyang mga s**o at Dinala niya ang mga iyon sa kanyang bibig, nabaliw kay Valeria.
Pangalawang beses na silang naging intimate sa Bora Bora.
Ang asawang niya’y ay naghahanap ng higit pa sa ibinigay niya sa kanya noong nakaraang gabi.
Pagdating ng mga tauhan ay lumabas na sila para mag-almusal at pagkatapos ay pumunta sa dalampasigan, naligo at naglakad-lakad sa mahabang puting buhangin.
Ang isang linggo ng kanilang honeymoon ay hindi kapani-paniwala para kay Valeria na natupad ang kanyang pangarap, at para kay Adrien, na inakala na ang lahat ay magiging mas masahol pa ngunit sa huli ay hinahayaan niya lamang ang kanyang sarili na madala sa sandaling iyon at i-enjoy ang magandang lugar na iyon. Kasama siya, ang kanyang kapalit na asawa.
Magkasama silang gumawa ng iba't ibang aktibidad, nag-enjoy sila sa mga gabi doon. Nagtatalik sa labas sa dalampasigan, sa tubig, sa buong bahay, na parang dalawang magkasintahan sa kanilang honeymoon.
Ngunit ang pagiging nasa paraisong iyon ay hindi panghabang-buhay at natapos ang honeymoon.
Napansin agad ni Valeria kung paano, sa kalagitnaan ng biyahe pabalik, si Adrien ay bumalik sa dating lalaki na hindi siya mahal, kagaya ng unang beses silang tumapak sa lugar na iyon.
Kumapit siya sa mga alaalang iyon ng mga nagdaang araw upang hindi mapatalsik, hanggang sa makarating sila sa siudad, bawat isa ay may kanya-kanyang landas, na para bang hindi nangyari ang lahat ng nangyari.
Natapos ang honeymoon at para bang bigla siyang sinampal ng katotohanan.