bc

My Replacement Wife

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
11.9K
FOLLOW
49.7K
READ
HE
escape while being pregnant
drama
city
like
intro-logo
Blurb

Sa araw ng pag-iisang dibdib nina Adrien Mckenzie at Elena Sinclair nagsimula ang lahat. Nag-iba ang takbo ng mga pangyayari nang biglang hindi dumating ang kasintahan. Hindi siya sinipot ni Elena matapos nitong maghintay nang ilang oras. Dahil sa kahihiyan ay napilitang magpakasal si Adrien sa nakakabwisit niyang advertising department head na si Valeria.

Ngunit dahil nahulaan ni Valeria na hihiwalayan din siya ni Adrien sa susunod na araw ay nagbigay siya ng kondisyon– na magpapakasal lamang siya kung magtatagal ang kanilang kasal ng isang taon. Sinamantala niya ang pagkakataon iyon dahil matagal na siyang may pagtingin sa kanyang boss. Nais niya ring patunayan na siya ang babaeng naka-one night stand nito at matagal na nitong hinahanap. Ilang beses niya nang tinangkang magpakilala kay Adrien, kung hindi lamang sa panlilinlang na ginawa ni Elena, ang babaeng itinuring niyang kaibigan. Susubukan niyang paiibigin ang lalaking walang pakialam sa kanya. Susubukan niyang ipapaalala kay Adrien ang mga sandaling mainit na pagkakataon na kanilang pinagsaluhan… at sa wakas ay natuklasan nito na siya pala ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Dalawang oras na siyang nakatayo sa harap ng altar, naghihintay sa kasintahan niyang hindi dumating. Si Adrien McKenzie ay may-ari ng napakalaking ari-arian sa timog na bahagi ng bansa. Sa edad na 30 ay nakagawa na siya ng sariling pangalan sa larangan ng negosyo at kaya niyang makuha ang anumang gustuhin niya sa isang pitik lang ng mga daliri. Malaki ang naitutulong ng kanyang kompanya sa ekonomiya ng bansa. Bukod doon ay nakatulong sa kanyang kapangyarihan at impluwensya ang pag-expand ng kanyang iba’t ibang negosyo sa labas ng bansa. Madali lang sa kanyang palaguin ang negosyo sapagkat matalino siya at maabilidad. Sa likod niya ay dinig niya ang patuloy na pagbubulungan  ng mga bisita dahil sa hindi pagsipot ng kanyang bride. Elena Sinclair. Tatlong taon na silang magkasintahan. Mula nang makilala nila ang isa’t isa sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang beses lamang niyang nakita si Elena ngunit agad nitong nabihag ang puso niya. Kaya naman matapos ng unang beses nilang pagkikita ay ipinahanap agad ni Adrien ang babae sa kung saan-saan dahil hindi na ito mawaglit sa isip niya. Nakuha nito nang buo ang kanyang atensyon. Natagpuan niya ang tirahan ng pamilya Sinclair. Doon niya rin unang nakita si Valeria at doon niya napagtantong ang babaeng matagal niya nang ipinapahanap at hindi mawaglit sa isip niya ay walang iba kundi si Elena Sinclair. Ngunit... ang katotohanang iniwan siya nito sa mismong araw ng kanilang kasal ay isang bagay na hindi niya kailanman inaasahan. Si Valeria Richardson, na naghanap ng kanyang kasintahan at hindi ito makita kahit saan ay bumalik sa simbahan at muling lumapit kay Adrien. Isang taon na siyang nakatira sa bahay ng pamilyang Sinclair, sapagkat malapit na magkaibigan ang mga Richardson at mga Sinclair. Dahil nag-aaral si Valeria sa lungsod na iyon, napagpasyahan nilang tanggapin siya, bagaman hindi maganda ang relasyon niya kay Elena. Inapi at ipinahamak siya nito at lalo pang lumala ang lahat nang may dumating na lalaking si Adrien Mckenzie na kumatok sa pinto ng mga Sinclair, hinahanap ang misteryosong babaeng minsan niya lamang nasilayasan. Hindi napigilan ni Elena na agawin ang pagkakataon nang makita niya ang kagwapuhan ng lalaki. Hindi na nagawang magpakilala ni Valeria kay Adrien na siya ang hinahanap niya sapagkat nauna nang nagpakilala si Elena. Hindi kasi nakita noon ni Adrien ang kanyang mukha sa unang beses nilang pagkikita. Isang taon na ang nakalilipas mula noong makapagtapos siya ng pag-aaral at mula noon ay nagtrabaho siya sa kompanya ni Adrien Mckenzie, ang lalaking iniibig niya nang palihim at nawala sa kanya dahil sa masamang plano ni Elena. Lumipas na ang matagal na panahon ngunit wala man lang siyang nagawa para sa lalaking minamahal niya ngunit hindi siya kilala. “Sir, ano ang gusto mong gawin ko? Puwede nating sabihin sa mga bisita na ipagpapaliban na lang muna ang kasal at mag-a-announce na lang tayo kung kailan ito matutuloy,” aniya kay Adrien. “At pagtatawanan nila ako dahil iniwan ako ng bride ko sa araw ng kasal ko? Walang sinuman ang mag-iiwan sa akin sa ere, Valeria.” Labis ang kanyang galit kaya nagiging iritado ang kanyang boses. Tila hindi niya nagustuhan ang boses ni Valeria. Ang totoo’y ayaw niya sa kanyang publicity manager, ngunit tanging siya lang ang nakakagawa nang maayos na trabaho. Isang taon na ang nakalipas magmula nang dumating ito sa kanyang opisina para mag-apply ng trabaho. Maganda ang rekomendasyon nito at higit sa lahat ay kilala niya na ito dahil nanirahan ito noon sa pamilya ng kanyang kasintahan. Magandang babae si Valeria. Hubog ang kanyang katawan, maliit na mukha, mga asul na mga mata, at kakaibang kagandang nakatago sa kanyang pananamit. Hindi niya maiintindihan ang sarili kung bakit naiinis siya sa babae gayong wala naming ginagawang masama ito sa kanya. Hindi naman nito kasalanan na hindi dumating si Elena sa kanilang kasal. Ngunit para kay Valeria ay kabaligtaran. Iniibig niya ang kanyang boss, sa puntong hindi niya napansin na iritado sa kanya ang binata. Nasaktan siya nang malaman na iniwan siya sa altar. Tinitigan niya ang mata nito at hindi pa rin makapaniwalang hindi siya nito nakikilala, bagay na lalong nagbibigay ng sakit sa kanyang puso. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, Sir.” Lumingon si Adrien, tiningnan ang lahat ng mga bisita na pagod nang maghintay, puno ng pagkayamot sa babaeng nakatayo sa harap niya, at pagkatapos sa ama, na nangangalay sa pagtayo sa loob nang matagal, na tila naghihintay na magising ang anak niya sa katotohanan at kanselahin na lamang ang kasal. Pagod na silang lahat. Ngunit hindi hahayaan ni Adrien na lalabas ng simbahan nang dala-dala ang kahihiyan. Magpapakasal siya kahit ano’ng mangyari. Kahit hindi na ito si Elena, malinaw sa kanya iyon. Hindi siya magmumukhang katawa-tawa! Suot ni Valeria ang isang beige na damit na may hingi kaaya-ayang manggas na umabot sa kanyang mga braso, umaabot ito pababa ng kanyang mga tuhod, hawak niya ang bouquet ng mga bulaklak na ipapadala sa kanyang kasintahan kapag dumating ito, pero mukhang malinaw na hindi na ito darating, alam ng lahat ng naroroon iyon. “Pangit pa nga ang damit niya,” naisip ni Adrien nang makita ang kasuotan ni Valeria. Magiging malaking sakripisyo para sa kanya, pero gusto niyang patunayan na walang sinuman ang iiwan siya, hindi ang isang Adrien Mckenzie. “Magpapakasal ka sa akin, Valeria.” Gusto niyang saktan ang damdamin ni Elena sa ginawa nitong hindi pagsipot sa kanya. “Ano?!”sigaw ni Valeria. Pero napatakip ng bibig nang makita niyang nakapukaw siya ng atensiyon ng mga bisita. “Pasensya na, siguro ay mali lang ang narinig ko. Ano’ng sinabi niya?” “Tingnan mo ang mga taong ito, pumunta sila para makita akong ikasal at hindi ako lalabas sa pintong iyon nang hindi kasal. Tayo ang magpapakasal. Magkano ang kailangan mo?” Alam niyang hindi mayaman si Valeria, kaya ang pinakamadaling paraan ay ang mag-alok ng pera. “Tungkol sa pera ba ang pinag-uusapan natin?” tanong niya na may pagkabigla sa boses, habang tinitingnan ang bouquet ng bulaklak sa kanyang mga kamay, Isang panaginip na maikasal sa lalaking iniibig niya nang palihim, bagaman alam niyang iba ang iniibig nitong babae. Iyon ba’y isang pabor para sa kanyang boss o para sa kanya? Bagama’t isang malaking kasiraan para sa pamilyang Sinclair na lubos siyang inalagaan, kahit pa sabihing pagkatapos ng mga unang buwan ng kanyang pagtira ay hindi na siya trinato nang mabuti ni Elena. “Oo, pera. Magkano ang gusto mo?” determinadong tanong ni Adrien. Atubiling hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga, ngunit naghatid iyon ng kakaibang sensasyon kay Valeria, tila nagtayuan ang kanyang mga balahibo. Si Valeria, na may edad na 24, ay mahiyain at kulang sa kumpiyansa sa sarili, ngunit matalino siyang babae at napagtanto niyang bulag siya para mahalin ang sa kanyang boss kahit hindi siya nito naaalala na siya ang babaeng ipinapahanap niya noon. Kung tutuusin ay isang pambihirang pagkakataong iyon para sa kanya, ang maikasal sa lalaking minamahal niya. Kahit pa na bigla na lang siya nitong hihiwalayan kinabukasan ay ayos. Hindi na bale, dahil kahit papaano’y matutupad ang kanyang pangarap. Kahit saglit lang. Sa ganitong paraan ay maipadama niya sa binata kung sino talaga siya at ipabatid ipabatid sa kanya na siya ang babae na pinuntahan nito ilang taon na ang nakakaraan sa bahay ng mga Sinclair. “Gagamitin mo lang ba ako para hindi ka mapahiya sa harap ng mga taong ito at sa harap ni Elena?” tanong niya na tuluyang tumingala kay Adrien na nagulat sa kapangahasan niya. “Tutulungan kitang panatilihing walang bahid ang image mo, ngunit pagkatapos ay itatapon mo lang ako na parang basura sa basurahan. Hindi kita mapapangasawa sa pamamagitan lamang ng pakikinabang sa iyo, Mr. Mckenzie. Magpakasal tayo at panatilihin ang kasal na ito sa loob ng isang taon. Kung maipapangako mo na hindi mo ako hihiwalayan sa susunod na araw ay pumapayag akong pakasalan ka. Ang iyong salita ang pinakamahalagang bagay na mayroon ka at kung ibibigay mo ito sa akin, dapat mong sundin ang sinabi dito ngayon. .” “Nahihibang ka ba? Gusto mong samantalahin ang sitwasyon ko, hindi mo man lang ako naiisip o si Elena.” “Hindi naman ako ang nagmakaawa na pakasalan mo ako. Kung tutuuin ikaw ang mas makikinabang sa katotohanang gagawin ko ang lahat para sa iyo.” “Anumang bagay?” Saglit siyang nagulat sa huling sinabi ni Valeria, delikadong lumapit ito sa mukha nito, hinawakan ang pisngi nito at huminto sa tenga nito. “Kahit na ang makisiping sa isang lalaking may mahal nang ibang babae at gamitin ka lang niya para panatilihing maganda ang kanyang reputasyon? Ipapababa mo ba ang sarili mo niyan nang walang kapalit na pera, Valeria? Kahit na ipagkanulo mo ang pamilya na nag-aruga sa iyo, at magpakasal sa lalaking nakatadhana para sa kanilang anak? Handa ka bang maramdaman ang lahat ng pasakit at paghamak ng mga Sinclair? Hindi kita ipagtatanggol sa kanila, itaga mo ‘yan sa bato.” Napaluha ang mga mata ni Valeria, nadama ang matinding salitang binitawan ng kanyang boss. “Kaya kong gawin iyon para sa iyo,” sagot niya, puno ng kalungkutan at tila may bumabara sa kanyang lalamunan. Alam niya kung ano ang darating sa kanya kapag pumayag siyang magpakasal sa lalaking ito. “Ganun ka kahina.” Lisanin kaagad niya nang may pagkayamot. Hinawakan niya ang kanyang kamay at sila’y lumapit sa altar, sa harap ng ama. “Mabuti na. Simulan na natin ang kasal. Magpapakasal ako kay Valeria, father.”  “Ano ang pangalan mo? tanong ng pari. “Richardson, Valeria Richardson.” Naging maugong ang bulong-bulongan nang ipahayag ng pari na magsisimula na ang kasal. Labis na nagulat ang mga kamag-anak ni Elena na naroroon. Minura nila si Valeria nang hindi alam ang nangyayari, pero nanatiling walang reaksyon ang mga magulang ni Adrien, hinahayaan nilang gawin ng kanilang anak ang kanyang gusto. Hindi ito bago para sa kanila. Nakamit niya ang kanyang posisyon sa murang edad kahit na maraming panganib sa kanyang posisyon. Isang magaling na negosyante at laging nananalo. Para kay Adrien Mckenzie, walang lugar sa kanya ang pagkatalo. Nang ipahayag na puwedeng halikan ng groom ang bride ay masayang-masaya si Valeria sa ideya ng paghahalikan sa kanya. Pero si Adrien ay biglang tumalikod at nagmartsa palabas ng simbahan. Dinaanan niya ang mga bisita nang hindi man lamang sila binabalingan, taas-noo siyang nakatitig sa pintuan habang naglalakad. Sumunod si Valeria, sinundan siya kaagad pagkalipas ng ilang sandali. “Huwag mo akong sundan, babae,” sabi niya. Napansin sinundan pala siya nito. “Saan ka pupunta? Kailangan nating pumunta sa reception.” “Wala akong reception. Hindi ito kasal na may masayang wakas, kundi isang malungkot na kasal. Ihanda mo ang mga gamit mo. Bukas ng umaga, aalis tayo para sa honeymoon. Magpa-book ka ng flight sa sekretarya ko. Ikaw na ngayon ang papalit na asawa ko.” “Adrien.” “At tinatawag mo na ako ngayon sa pangalan ko?” Huminto siya. “Mr. Mckenzie pa rin ang tawag mo sa akin, hindi magbabago iyon. Pagsilbihan mo lahat ng mga bisita, kanselahin ang lahat. Tatapusin na natin ang kalokohang ito. Magkita na lang tayo sa airport.” “Ngunit... saan ka pupunta, Mr. Mckenzie?” “Upang makita ang babae na minamahal ko at makuha ang paliwanag niya sa nangyari. Iyon ang pupuntahan ko. Hindi ba’t napakalinaw iyon?” Itinuloy niya ang kanyang paglalakad, iniwan si Valeria sa gitna ng pintuan, kasama ang ilang mga bisita na nakatayo sa likuran, naghihintay ng paliwanag sa biglaang mga pangyayari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook