Story By Maira.Mo
author-avatar

Maira.Mo

bc
My Replacement Wife
Updated at Feb 1, 2024, 17:42
Sa araw ng pag-iisang dibdib nina Adrien Mckenzie at Elena Sinclair nagsimula ang lahat. Nag-iba ang takbo ng mga pangyayari nang biglang hindi dumating ang kasintahan. Hindi siya sinipot ni Elena matapos nitong maghintay nang ilang oras. Dahil sa kahihiyan ay napilitang magpakasal si Adrien sa nakakabwisit niyang advertising department head na si Valeria. Ngunit dahil nahulaan ni Valeria na hihiwalayan din siya ni Adrien sa susunod na araw ay nagbigay siya ng kondisyon– na magpapakasal lamang siya kung magtatagal ang kanilang kasal ng isang taon. Sinamantala niya ang pagkakataon iyon dahil matagal na siyang may pagtingin sa kanyang boss. Nais niya ring patunayan na siya ang babaeng naka-one night stand nito at matagal na nitong hinahanap. Ilang beses niya nang tinangkang magpakilala kay Adrien, kung hindi lamang sa panlilinlang na ginawa ni Elena, ang babaeng itinuring niyang kaibigan. Susubukan niyang paiibigin ang lalaking walang pakialam sa kanya. Susubukan niyang ipapaalala kay Adrien ang mga sandaling mainit na pagkakataon na kanilang pinagsaluhan… at sa wakas ay natuklasan nito na siya pala ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
like