Kanina pa siya naghihintay si Adrien sa may pintuan ng kwarto kung saan sinusuri angkanyang asawa, dahil sa panghihina dulot ng mga suntok na ibinigay sa kanya ni Elena. Alam niyang maselan ang kalagayan nito lalo na at buntis ito. Walang tigil naman si Elena sa pagtawag sa numero niya. Maya-maya ay tumigil ang pag-ring ng kanyang telepono. Napagdesisyunan na lamang ni Adrien na hayaan na lang si Elena at ‘wag nang samahan ito dahil mas kailangan siya ni Valeria. Isang nurse ang nagbukas ng pinto nang napagtanto nitong nandoon si Adrien. “Sir, kayo po pala iyong lalaki kanina. May kaugnayan po ba kayo sa pasyente?” “I’m her husband,” atubiling sabi siya, habang nakatingin sa malayo. Tila kakaiba sa pakiramdmaan na aminin iyon o sabihin sa iba. “Oh, gusto n’yo po bang pumasok? Patapo

