Chapter 4: Pangalawang Pahina

1241 Words
I DON'T know where am I right now. May pagkadilim, maraming kumikinang, mga malalaking planeta at isang liwanag na tunay na nakasisilaw. Laki ko na lamang ikinagulat nang bigla itong magbitaw ng nakakikilabot na mga salita. Am I dreaming?! "Binibini, ikaw ang babaeng itinakda upang malibot ang buong kalawakan. Maligayang pagdating! Maaari mo nang galugarin ang kalawakan kasama ang iyong katuwang." Tanging liwanag lamang ang nasa harapan. Ngunit paano at bakit siya nakapagsasalita? Napakaganda ng nasa paligid ko, ngunit akin lamang ipinagtataka kung bakit ako nakakahinga, bagama't wala namang oksiheno sa kalawakan? "D-Devon?" tanong ko dahil nagtataka rin ako kung bakit naririto rin siya. Nakangiti siya tungo sa 'kin habang nakapamulsa pa. 'Di ko alam kung ba't pakiramdam ko'y yumuyugyog ako ngayon. Parang may nakahawak sa 'kin na pilit akong tinutulak. Tumingin ako kay Devon at nakita ko siya na wala namang ginagawa. Ilang sandali lang ay may narinig akong boses. Isang pamilyar na boses. "Andree! Gumising ka na diyan. Tanghali na!" Kinusot kusot ko 'yung mga mata ko, at bumungad ang mukhang kagigising din na si Caxxy. Napalingon ako kaliwa't kanan. Baka nananaginip muli ako. "Totoo na ba 'to?" tanong ko. "s**t?! What the hell are you talking about, huh? Ayan ka na naman sa pagkawirdo mo. Halika na nga! Just wake up instead," inis na aniya at hinila 'ko. Parehas pa rin kami ngayong naka-pajama at sleeveless. Sa kaniya'y kulay asul at akin naman ay kulay abo. Matapos niya akong hilahin, sinabihan ko siya na pupunta muna 'ko saglit sa comfort room. Tumapat ako sa salamin. Mga ilang segundo ko ring tinitigan ang sarili ko. "Isang masamang panaginip. Hindi totoo 'yon Andree..." ani ko saka ipinagpatuloy ang paghihilamos at pagsipilyo. Pagkabalik ko sa kwarto, kita kong si Caxxy naman ngayon ang nakahilatay. Gaya ng ginawa niya sa akin kanina, niyugyog ko rin siya hanggang mapagtantong kailangan na naming dalawa gumising . "Cax, may iki-kwento ako sa 'yo. I'm sure mawi-wirduhan ka dito. Mahilig ka naman sa mga weird things, right?" "Ok sure, anong nangyari?" sabik niyang tanong. "I-it's about my dream this night. Hindi lang kasi talaga 'ko mapapakali kapag 'di ko 'to nai-kwento." "So, what is it then? Hurry up, girl!" "Totoong nasa kalawakan na raw ako," ani ko at humagikhik ng kaunti. Mga ilang segundo siyang nakatalumbaba na nakatingin sa 'kin at biglang tumawa rin na kala mo'y may sakit sa pag iisip. "Oo nga, sabi ko nga, 'di ka maniniwala." sambit ko. Umiwas ako ng tingin. "Ito naman biro lang eh. Aysus, panaginip lang 'yan Andree. Kabaligtaran 'yan sa totoong buhay 'no. At saka 'yang sinabi mo? Malayong maging totoo, tsk," aniya. Yes, but I admit na may mga panaginip din ako na nagkatotoo. Tulad na lang nung nangyaring car accident sa mga magulang ko. Noong mga panahong 'yon, halos gumuho na 'yung buhay ko. Hindi ko alam ang unang kong gagawin. All I knew was to cry and let go of all the pain I was feeling that time. "Dree, dagdag mo sa travel list natin 'yung Honesty Store. Sikat din siya dito sa Batanes!" sambit niya. Nanatili pa ring blanko ang mukha ko. Tinapik niya 'ko sa balikat. "Huy! Lutang ka na naman. Sabihin mo baka na offend kita sa sinabi ko ah. Okay. I apologize for it," aniya at ngumuso. "Huh? Nope... that's a brilliant idea," mabilisan kong pinahid ang kamay ko sa papatulong luha. "Honesty Store? Okay, we will go there later." Kailangan naming sulitin ang mga natitirang sandali. "Cax, is it okay kung i-extend ko pa 'yung pananatili natin dito? Don't you feel afraid. Ipapaalam kita kay mamay mo." sabi ko at tinignan siya nang may halong pagmamakaawa. Kumunot noo siya at bahagyang itinagilid ang ulo, "Hmm... sure!" sigla niyang tugon. Dahil sa approval niya, ipapa-extend ko pa ng another one-week ang pag-stay namin dito sa hotel. Although, pagmamay ari 'to ni Devon, 'di ko naman hahayaang maging hadlang siya sa pananatili namin dito. Ayoko siyang biguin, kaya kahit kakasabi niya pa lang sa 'kin kanina, gusto ko na agad na mapuntahan namin iyon. Hindi ko alam  pero may kakaiba talaga 'kong nararamdaman tungo kay Caxxy. Something is wrong but, I can't explain it definitely. In the midst of our preparation, I saw someone calling on my phone. *Unknown number. "Answer it! Perhaps it's important," ani Cax. For no hindrance, I just answered it even though I was feeling irritated.   "Hello, I'm Attorney Andree. Who's this by the way?" ani ko. "Out of curiosity, I opened the second page. It tells us that we don't have to feel worried about everything. You can also turn your book into it para makasigurado ka. That's all. I just wanted to inform you about what I did." he said then he hangs up the telephone. His voice sounds familiar. Siguro 'di naman katakataka ni si Devon 'yon. So he truly opens the second page? "Sino raw 'yon?" Cax asked. "A-ah, wala! Wrong number daw eh," tanggi ko at pilit ngumiti. Ibinulsa ko ang aking telepeno at hinawakang muli ang aking isusuot na damit. Like what I've said before, 'di mo pwedeng malaman ang tungkol dito. Saka paniguradong 'di ka rin naman maniniwala Cax. It's better if it will remain a secret, sorry. "Uh, wait Cax d'yan ka lang, pagpatuloy mo lang 'yung pag aayos. Punta lang ako saglit sa sala." ani ko at tumango na lamang siya. I need to also know what's the mystery of this book. Kailangan ding makita ng mga mata ko ang sinabi nung lalaking iyon. Nakita ko ang libro sa ibabaw ng lamesa. Nag-iisa lamang ito ngunit, pagkatanda ko'y hindi ko 'to rito nilagay. Ba't ba kung saan-saan ko na lang 'to nakikita?  Agaran ko itong kinuha at madaliang binuksan ang pangalawang pahina. He's right. Iyun nga ang nakalagay. DON'T WORRY ABOUT EVERYTHING. Malalaki ang mga letra nito at mukhang sulat kamay. Masyado na kong na o-osyoso. Matapos kong mabasa 'yon, binalik ko ulit ang libro kung sa'n ko ito kinuha. We need to prepare now para sa pagpunta namin sa Honesty Store. Kaya makabubuti na rin kung ipagpapaliban ko muna ang malalim na pag iisip d'yan tungkol sa libro. Bag pack lamang ang dala namin ngayon. Naroon na ang mga gamit sa pag v-vlog, at iba pa naming kailangan. We're here for vlogging purposes and not for stupid s**t. Matapos ng ilang oras na b'yahe, nakarating na kami sa isa sa famous spot ng Batanes. Ang Honesty Store. Isa lamang itong maliit na kubo. Sa loob nito'y may sari-saring tinda. Wala ritong nagbabantay, sapagkat tiwala at pagiging tapat lamang ang umuugnay dito. "Simple, yet wonderful," tanging sabi ni Cax pagdating namin doon. Agaran kong kinuha ang camera para makapag intro kahit saglit lamang. "Magandang araw mga kababayan!" dinagdag ko rin ang ilan naming pagpasok at pag uusap ni Cax. Tunay ngang nakamamangha ang mga natural na likha ng mga Pilipino. This is one of the reasons why we need to be proud of our own country. Nanatili kami roon ng mga kalahating oras. Bumili kami ng iilang pagkain at mga souvenirs. May iilan din kaming nakasabayang turista na tulad namin. It's really amusing. Nakatalumbaba ako habang nag uusap kami ni Cax. Bigla rin akong napaisip, paano kaya kung sa kalawakan naman ako makapaglakbay? "You know Andree, ang saya pala mag travel 'no? Kung may sapat na oras lang akong mabuhay, baka maging interes ko rin ang vloggings." aniya at kumagat muli ng tinapay. Napakunot ako, 'di ko na naman maintindihan 'tong mga kasalukuyan niyang sinasabi. Sa madaling salita, naguguluhan at nawiwirduhan na 'ko. "Cax," malumanay kong sambit. "... I know that you're just tired. Here's the best coffee they offer to every tourist here. Taste it. Actually, this is one of the best coffee I've tasted."  Nginitian niya lamang ako at kitang kita ko muli ngayon ang natural na pamumula ng kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD