MAAGA AKONG nagising. It's just 4:45 in the morning. Binuksan ko nang kaunti ang kurtina at saksing-saksi ko muli ang kagandahan ng langit. Naalala ko tuloy nung highschool pa 'ko, lagi akong pumapasok ng maaga para makakuha ng litrato ng mga magagandang porma ng langit.
"Cax," sinusubukan ko siyang gisingin. Nakailang yugyog ako, but she's still asleep. Masasabi kong napakaganda talaga niyang pagmasdan kahit pagod. She looks like a meek angel.
Hinayaan ko na lang muna siya, tutal maaga pa naman. Even though I want to sleep again, I am not drowsy anymore. So I just thought of editing our vlog the other day, on Basco.
Mga isang oras din 'yung itinagal at 'di ko namalayan na mag aala-sais na rin pala.
Kinuha ko na lang muna 'yung camera ko saka nag-shoot ng vlog kahit kaunti lamang.
"Good morning! So, I'm here beside Cax, she's still asleep," Itinapat ko sa kanya ang camera at nahiga ulit ako. "We look like a sister, right?" idinikit ko ang mukha ko sa kanya at ngumuso ako.
Habang tulog pa siya, lumabas muna ako ng hotel para bumili sa 7/11 ng aming pagkain. Para 'pag gising na siya, deretso kain na lang kami.
Ilang minuto lang akong nanatili roon, bumalik din agad ako sa unit. Dala-dala ko ang isang plastic na puno ng snacks, ready to eat dishes, at drinks.
Ilang oras na akong naghihintay na bumangon siya, mukhang masyado siyang pagod dulot ng palalakbay namin. "Huy gaga! Alas-dos na kaya ng hapon. Aba'y kanina pa kita ginigising para ka d'yang patay," hinampas ko 'yung braso niya.
But, she's still reticent.
Meanwhile, her mamay's calls on my phone. Siguro'y mangangamusta lang.
"Hello po tita?" masigla kong bati at daging uminom ng tubig.
She sighed. "Is Cax okay? How is her condition now?"
"Uhm, yes po tita. Okay lang po kami rito.Sa katunayan natutulog pa rin po siya eh, 'di ko nga po maistorbo. Mukhang napagod po kagabi sa paglakbay namin," saad ko.
"Jusko po..." naginginig ang kanyang boses at rinig ko ring sinabayan din ito nang paghagulgol.
"Hmm, tita? What happened? Are you crying?" tanong ko, naglakad ako at pumaikot-ikot.
"I think he was really attacked by her illness. Ihanda mo ang sarili mo hija. Ito na ang araw na huling taning sa kanya." Mas narinig ko pa lalo ang pag-iyak niya. "Ipadala mo sa 'kin ang exact address ninyo d'yan. Pupunta kamiagad ni papay niya. Sorry hija't wala kang kaalam-alam sa kondisyon ng kaibigan mo." dagdag niya pa.
Hindi ko alam, 'di ko maintindihan. Ang alam ko lang ngayon ay ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko. I feel so much nervous. 'Di ko alam 'tong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong baguhin 'yung mga sinabi ni mamay niya, pero bumubuhay 'yung daloy ng dugo ko sa reyalidad.
Ayokong maniwala, kaya dali dali kong pinuntahan si Cax sa kanyang higaan. Nakatayo ako ngayon na parang pinipigilan ng mga paa ko na lumapit sa kanya. Naroon pa rin siya nakahiga na 'kala mo'y natutulog lamang nang mahimbing. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang mga magagandang habla ng kanyang mga buhok.
"Cax?! Totoo ba 'to? Baka nananaginip na naman ako ah. Please wake me up again, Cax! Tell me that it's all a lie. No, no, no!" 'di ko na napigilan ang sarili kong humagulgol sa harapan niya.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng kanyang katawan. Ang wala ng t***k na kanyang puso at hindi niya na rin paggalaw. Nanginginig ako, pakiramdam ko'y mauubusan na 'ko ng hininga.
Kaya pala nung mga isang araw, iba na 'yung mga pananalita niya, na tila'y namamaalam na.
Why does it happen to us?!
Napapapikit ako sandali. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya. Kakaiba ang lamig at hangin. Para bang may bumubulong o kumakausap sa akin ngayon. Lumingon ako at wala naman ditong tao. I'm alone here in the living room. Hanggang sa unti-unti na lang akong napapikit at napayakap sa kawalan.
I feel she's here beside me.
Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng pagtunog ng door belll. Sa tingin ko'y pamilya na ni Cax iyon.
I'm now staring at her cold and tough dead body.
Mabilisan akong pumunta sa pintuan baka naroroon na ang mga magulang ng kaibigan ko.
"Andree, 'asan ang anak ko?" patuloy pa rin siya sa pag iyak at 'di rin mapakali.
"Ah tita, a-asa kwarto po." niyakap niya ako at 'di ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak.
Hinayaan ko silang pumasok sa kwarto at nagpa iwan na lamang ako sa sala. Hindi ko kayang makita na nagluluksa ang sarili niyang mga magulang sa wala ng buhay nilang nag iisang anak.
"Maiwan muna kita hija. Hayaan mo sana kaming magpaliwanag mamaya." sambit ng papay niya at tinapik ako sa kanang balikat.
Matapos n'yon, umupo muna 'ko sa sofa. Nag- reminisce lahat ng memories namin ni Cax, kasama na roon 'yung mga komplikadong pinagsasabi niya rin sa akin.
Sa kalagitnaan ng paghihinagpis ko, 'di ko namalayang nasa tabi ko pala ang libro ng paglalakbay. Lumilikha ito ngayon ng ningning na parang nagpapahiwatig na siya'y buksan. Dati sa mga fairy stories lang ako nakakakita nito, and now, I see it with my two eyes.
Akmang kukunin ko na sana 'yung libro nang biglang dumating sa sala ang mga magulang ni Caxxy. Kitang kita sa mga mukha nila ang labis na pagkalungkot at paghihinagpis.
"Hija, halika't maupo muna tayo." aya ng papay ni Cax.
Sinunod ko ang nais nila. Bakas sa mga damdamin namin ngayon ang pagkabigla at kalungkutan tungo sa nangyari.
"Uhm, excuse me po? Gusto ko pong malaman ang tunay na kalagayan ni Caxxy. Ano po ba talagang nangyari? Kahit ako po kasi ay nagulat at nalungkot sa n-nangyari sa kanya." Tanong ko habang tuluyan pa ring naluluha.
"She doesn't want to tell you about her illness. She's struggling a lung cancer for almost 3 years. May mga unusual kasi siyang mga nararamdaman noon kaya ipina-check-up na namin siya sa espesyalista. Sinabi ng doktor na malala na ang sakit niya, at wala na itong lunas. Tinaningan din siya ng isang taon... at ngayon ang eksaktong araw na 'yon." she do face slap. "Kaya sinabihan namin siya na gawin na niya ang lahat ng layaw na gusto niya. At ang isa sa pinakamagandang nagawa ng anak ko ay ang makasama ka, ang matalik niyang kaibigan." dagdag niya pa.
Nagtuldok roon ang pagpapaliwanag ni tita. "We're giving our apologize for not telling you about this. Kahit kami rin ay nasaktan at lubos mahihirapan. Sorry hija, maraming salamat sa pagpapasaya sa anak ko. Tunay ngang isa kang mabuting kaibigan," ani ni tito.
Napahawak na lamang ako sa noo at huminga nangpagkalalim-lalim. "It's just fine po, I understand your concern. Deep condolences to her entire relatives tita and tito." kinuha ko ang parehas nilang kamay at hinawakan.
Matapos ng aming pag uusap, sabay-sabay kami na pumunta kung nasaan si Cax. Sinabayan ko na ring i-kwento sa kanila ang nangyari sa paglalakbay namin dito. Ipinakita ko rin sa kanila ang mga litrato.
I just can't accept the fact na 'yung iisang tunay na kaibigan ko ay tuluyan ng namaalam. And by that, I also feel that my one and only sister has left me too.
Kung alam ko lang na huling travel na pala natin 'yung sa honesty store, edi sana pinakyaw ko na lahat ng tinda roon at inuwi natin pagkabalik sa Manila.
Saka Cax, may four spots pa tayong 'di napupuntahan 'di ba? Ikaw pa nga 'tong nag-list ng mga iyon And I already extended our vacation here. Pa'no na ang mga 'yon? Mag-isa na lang ako rito? Mukhang 'di ko kakayanin Caxxy Leviste.
Last na rin pala 'yung vlog natin kanina Cax. You made me feel so down. But still, I'll promise to you na mabubuhay ako ng masaya kahit masakit na wala ka na. 'Wag kang mag-alala kaibigan ko. Alam kong masaya ka na kung nasa'n ka man ngayon. 'Wag kang mag alala, unti-unti rin namin 'tong matatanggap.
Salamat sa mga memories natin kaibigan. I'll keep every moment that we've made. You're such a precious treasure to me. Until we met again. Thank you for joining my life journey Cax.
Paalam.