I saw something in your eyes

1233 Words
Tirik na ang araw nang nagising ako! Sobrang lamig halos magtayuan ang mga balahibo ko. Mabilis ako'ng tumayo at naglakad palabas nang kwarto, Hindi pa man lamang ako nakakapag hilamos at sipilyo, nais ko'ng malaman kung naka balik na ba ang binata mula sa Mansion! Nasa tapat na ako nang kwarto nito, Mahinang katok ang ginawa ko Hanggang sa laksan ko ay walang sumasagot, Dahan dahan ko'ng pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. “R-Red?” Mahina ko'ng sambit. Ngunit walang sumasagot, Papasok na sana ako sa loob nang biglang tumunog ang cellphone na binigay saakin nang binata, Patakbo ako'ng bumalik sa katabi'ng kwarto na inuukupa ko.... Red! Simpleng Red ang nakasulat sa screen nang Cellphone ko. Agad ko'ng sinagot ang tawag. “Hello! Red?” Bungad ko nang Oras na pindutin ko ang answer button. “Pasensya na! Mukhang hindi ako makakauwi ngayon sa condo! I have so many things to do, I can't skip one more second sa office!” Mahabang paliwanag nito. “W-Walang problema, Nag agahan ka naba?” Pag aalala ko rito. “Yes, Ikaw na ang bahala sa Condo! If you want to go anywhere just say so, Use my card!” “Salamat Red! Maraming Salamat talaga! Napaka laki na nang utang ko sa iyo!” “Utang? Huwag mo'ng sabihin na utang ito baka hindi mo kayanin kapag naningil na ako!” I heard him chuckle. “Kahit anong gusto mo handa ko'ng gawin para makabayad lang ako sa iyo!” “Saka na natin pag usapan yang utang na sinasabi mo! Lock the door every time ok!” Paalala nito. “Red! Sandali, H-Hindi ka ba talaga uuwi Ngayon?” Malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito, na dinig na dinig ko mula sa kabilang linya. “Susubukan ko! Sige na I have to go! I need to sign some proposals, bye!” Ang binata na Ang nag baba nang tawag. Napatulala ako habang nakatitig sa cellphone na hawak hawak ko! Dahan dahan ako'ng naupo sa kama, Napatingin sa mga nakasabit na litrato! Parang nakita ko na kung saan ang babae'ng Kasama nang binata sa litrato! Hindi ko lang matandaan kung saan! sambit ko sa sarili ko. Napa iling iling nalang ako! Ewan mukhang namamalikmata lang ako. Tumayo na ako upang mag tungo sa bathroom, naghilamos at nag sipilyo lang ako, Saka mabilis na lumabas nang kwarto! Pagkatapos ay dumeretso ako sa kusina at inilbas ang mga tira ko'ng pagkain, isa isa ko itong ininit sa microwave at naghintay lang nang ilang minuto, Wala sa mood akong kumakain, habang nakatulala sa kawalan, Mas mabuti nang mag isa kesa nasa ampunan ako na marami ngang kasama puro pananakit naman ang palagi kong tinatamasa! sa tagal kong nakaupo sa dining area ay hindi ko namalayan na nakauwi na pala ang binata, si Red ay nakakunot ang noo habang nakatitig saakin, Nang dahan dahan itong naglakad ay saka ko lamang ito napansin, Napatayo ako bigla sa kinauupuan at mabilis na bumaling sa binata. “Narito ka na pala! A-Akala ko ay hindi ka makakauwi, Kumain ka naba?" Tanong ko rito. Tumango tango ang binata. “May hindi lang biglaang nangyari kaya maaga akong nakauwi, Parating kasi si Daddy sa isang buwan galing Europe! Kailangan kong bilinan ang mga katulong na maghanda! Maupo ka muna saglit!" Sabi nito. Agad akong umupo at umupo rin naman ang binata sa kaharap kong upuan... Iniabot nito saakin ang apat na paper bag na katamtaman lang ang laki. “A-Ano ito? Saakin na ba ang lahat nang ito?" Kinuha ko ang mga paper bag at binnuklat ang mga laman, nag gagandahang mga Bags. “Alam ko kasing wala kang magagamit na bag! Kaya ayan ibinili kita!" Bahagya nitong niluwagan ang pagkak suot nang itim na necktie. “Ang gaganda! Salamat talaga Red, N-Ngayon lang ako nakahawak nang ganito aka gandang bag sa buong buhay ko!" “Then, Get used to it Francine, You deserved it!" Nagtaka man ako sa mga sinabi nito ay nagkibit balikat na lamang ako, Sino ba naman ako para tumaggi at mag inarte diba? Isa lang naman ako'ng walang kwenta rito... Alam Ko'ng naawa lang saakin ang binata. Bulong ko sa sarili ko!!! “Salamat!" Tugon ko habang hinahaplos ang apat na magagandang bag. “Kamusta ka dito? Hindi ka ba nahirapan mag adjust sa mga kagamitan ko?" Tanong nito. “Hindi naman Red apaka ganda dito, Sobra! G-Gusto mo bang ipagtimpla kita nang kape?" Tumango lang ang binata. Mabilis akong tumayo upang ipagtimpla ito nang kape! Habol tingin lang saakin ang binata, Medyo naiilang ako sa mga tingin nito, dahil hindi ko mawari kung ano ba ang iniisip nito. Kinuha ko lang ang maliit na tasa at mabilis na pinindot ang coffee maker, Itinapat ko lang ang tasa sa coffee machine. Nang matapos ay agad kong inabot sa binata ang isang tasa nang kape! “Thank you!" Nakangiting turan nang binata. “You're welcome!" Nahihiya kong tugon. Matamis akong nginitian nang binata na halos ika tunaw nang puso ko, Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko habang nakatingin ako rito.... “May problema ba?" Biglang tanong nang binata nang mapansin nitong mabilis akong napatayo! “A-Ah ano, B-Busog na ako, Ililigpit ko lang muna ang kinainan ko!" Agad kong nilinis ang lamesa at dinala sa kitchen upang maghugas nang pinggan. Ano ba ito? Sabay hawak ko sa dibdib ko. Hindi ko makontrol ang puso ko sa tuwing ngumingiti ito, Nahihiya ako at hindi ako mapakali! Bulong ko sa sarili ko, Sinimulan ko na ang pag huhugas nang kinainan, Sinasadya kong bagalan ang kilos dahil nahihiya akong makaharap ang napaka gwapong lalaki na ito! Para akong nauupos na kandila sa tuwing tumitingin ito sa aakin! “May problema ba F-Francine? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang tinig nang binata na hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala. “Wala naman, Ayaw ko lang kasing magkaroon nang kalat sa dining mo! Sobrang nakakahiya na sa iyo!" Pagsisinungaling ko. Ngunit sa totoo ay hindi ko kayang tagalan ang mga titig nito para akong hindi maka kilos nang maayos. “Akala o may nagawa ako'ng hindi mo nagustuhan!" Sabi nito. Mabilis akong napa iling iling upang iparating dito na wala itong ginawang masama saakin. “Kung ganoon, Sana ay maging kumportable ka saakin, dahil ganoon ako sa iyo! I don't want you to feel like were different cause we are not!" Ito nanaman ang binata sa nakakatunaw nitong ngiti. “Pasensya na, Sa totoo lang medyo nahihiya lang ako sa iyo!" Nakayuko kong turan. “Simula ngayon ay gusto ko'ng maging kumportable ka sakin, Nandito ako bilang isang kaibigan!" BIgla ay tumalikod na ang binata at mabilis na nilisan ang kusina. Agad umecho sa utak ko ang sinabi nito. kaibigan!!! Kaibigan lang naman talaga diba? May pang hihinayang kong bulong sa sarli. ••••••• RED'S POV Sa totoo lang, Ako ang lubusang naiilang sa iyo, Fancine! Hindi ko na rin alam kung bakit ako nag kakaganito! Palagi akong nawawla sa sarili dahil dito.. Sabi ko na eh dapat hindi na ko bumalik rito! Ngunit sa tuwing naririnig ko ang boses nito ay parang naaakit ako! I deeply sighed!!! Bulong ko habang pabagsak na nahiga sa napaka lambot at napaka laki ko'ng kama. END OF POV •••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD