The Billionaires Past

1268 Words
RED’S POV Hindi ako ang tipo ng taong basta-basta tumutulong sa iba. Ewan ko ba, pero nang una kong makita ang inosenteng babaeng ito, agad akong nag-alala. Bakit? Bakit nakikita ko sa kanya si Yvonne? Sa tuwing tumitingin siya sa akin, ang dating kasintahan ko ang naaalala ko. Napaka-vulnerable niya—parang babasaging plorera na kailangan kong ingatan. Napabuntong-hininga ako habang mahigpit na hawak ang manibela, nagmamaneho pabalik ng mansion. Gusto ko siyang ilayo roon. Masyadong malapit ang lugar sa ampunang tinakasan niya. Pero habang binabagtas ko ang daan, isang bagay ang hindi ko mapakawalan sa isipan ko— Parehong-pareho sila ni Yvonne! Hindi lang sa mga mata. Maging ang paraan ng pagsasalita niya, ang tono ng boses, ang paraan ng pagtingin—eksaktong-eksakto! --- Five Years Ago Excited akong pumunta sa mansion kung saan nakatira si Yvonne. Bitbit ang isang life-size bouquet ng mga rosas, dire-diretso akong pumasok. Kilala na ako ng mga guwardiya at mga kasambahay dahil sa madalas kong pagbisita. Tahimik akong umakyat sa ikalawang palapag, patungo sa kwarto ng girlfriend ko. Hindi naka-lock ang pinto, kaya’t dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at buong siglang bumungad sa kanya. “Surprise!!!—” Ngunit halos hindi ako makapagsalita sa aking nakita. Si Yvonne… ang babaeng pinakamamahal ko… nasa kama, walang saplot—kasama ang pinsan kong si Andrew! Mabilis na napabalikwas ng bangon si Yvonne, gulat na gulat. “Babe!” sigaw niya, pero ni hindi ko siya pinakinggan. Sa matinding galit, itinapon ko ang hawak kong bouquet at walang pag-aalinlangang sinugod si Andrew. Malalakas na suntok ang pinakawalan ko, walang pakialam kahit duguan na ang mukha niya. Hindi siya lumalaban, pero wala akong pakialam. Hubo’t hubad na tumayo si Yvonne para awatin ako, pero nang tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa, mas lalo akong nainis. “s**t, Yvonne! Wala ka na bang hiya sa sarili mo?” bulyaw ko sa kanya. Pero nanatili siyang nakatayo, tila walang pagsisisi. “Ayoko! Tingnan mo ako! Ito talaga ako!” sigaw niya. “Hindi ako ang iniisip mong mahinhin at inosente! Wala na akong maipagmamalaki!” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko na nakikita sa kanya ang babaeng minahal ko nang limang taon. “Tangina, kung nalaman ko lang na ganyan ka, hindi ko sana sinayang ang limang taon ko sa’yo!” sigaw ko, sabay turo sa mukha niya. Napapikit siya sa sakit ng mga salita ko. “I’m sorry, babe—” Lalapit pa sana siya, pero agad ko siyang pinigilan. “Stay where you are! Nandidiri ako sa’yo!” galit kong sigaw. “Limang taon kitang iningatan! Tapos ganito lang?! Gago ka pala, eh!” “Pare, tama na!” biglang sabat ni Andrew, pero hindi ko siya pinakinggan. “Shut your f*****g mouth or else I will kill you!” Singkit na ang aking mga mata sa matinding galit. “Red! Please! I'm sorry! This is all my fault!” Sigaw ni Yvonne, at unti-unti nang pumapatak ang mga luha. Pero hindi na ako naapektuhan. “Alam mo ba? Dati, ang mga luha mo ang kahinaan ko. Pero ngayon? Wala na silang halaga sa akin.” At sa huling pagkakataon, tinalikuran ko siya at marahas na isinara ang pinto. Pigil ang luha kong binagtas ang daan palabas ng mansion. Sa aking pagbaba, nasalubong ko ang isang kasambahay na malapit sa akin. Nakayuko siya, halatang alam na ang nangyari. Pero hindi ko siya pinansin. Padabog akong sumakay sa kotse at pinaarangkada ito nang hindi lumilingon. -- END OF FLASHBACK Napailing ako. Ayaw ko nang balikan ang masakit na nakaraan, pero hindi ko mapigilang maalala ang lahat nang dahil kay Francine. Bakit sobrang magkahawig sila ni Yvonne? Sa loob ng limang taon, wala akong balita kay Yvonne. Ang alam ko lang, umalis siya patungong Paris para tuparin ang pangarap niyang maging modelo. Sa bawat magasin na siya ang cover, binibili ko pa rin—para akong tangang umaasa. Bakit, Yvonne? Kahit sobrang sakit ng iniwan mong sugat sa akin, ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko. Ayon sa isang interview na napanood ko, pabalik na siya ng Pilipinas. Hindi ko alam, pero may bahagi ng puso kong natuwa sa balita. Ngunit alam kong kalaban ko ang sarili kong utak. Bakit mahal pa rin kita? Parang mababaliw ako sa kakaisip sa kanya! Pero hindi na puwede. Alam ko sa sarili ko-once a cheater, always a cheater! Hindi ko hahayaang mahulog ulit ang puso ko sa kanya. “Tangina!" mura ko habang nasa loob ng sasakyan. Iniwan ko si Francine sa condo unit. Sa tuwing tumitingin siya sa akin, bumabalik ang lahat ng sakit na dulot ni Yvonne. Alam kong wala siyang kasalanan, pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Totoo, naaawa ako kay Francine-lalo na nang makita ko ang malalaking pasa sa kanyang tiyan at likod. Napakuyom ako ng kamao. Gusto kong hanapin kung sino ang may gawa nito sa kanya. Gusto kong ipaghiganti siya. Pero paano? Mas nananaig sa akin ang sakit. Dahil pakiramdam ko, bumalik sa buhay ko si Yvonne. Wala na akong balak bumalik sa condo. Nagsinungaling ako sa kanya-sinabi kong babalik ako kinabukasan, pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung babalik pa ba talaga ako. Kasama siya. Kasama ang babaeng nagpapaalala sa akin ng lahat ng sakit-at lahat ng emosyon na ayaw ko nang maramdaman kailanman. ------ Pagdating ko sa mansion, hindi pa rin mapanatag ang isip ko. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa bar sa sala. Kumuha ako ng isang bote ng whiskey at agad itong tinungga, umaasang malulunod ng alak ang lahat ng gumugulo sa utak ko. Pero kahit gaano karaming baso ang naubos ko, hindi nagbago ang katotohanan—hindi ko maalis sa isip ko si Francine… o si Yvonne. Napapikit ako, pilit na itinataboy ang alaala ni Yvonne, pero bumabalik ito nang walang paalam. Nakikita ko ang itsura niya nang umiyak siya noong huling beses kaming nagkita. Ang paraan ng pagmamakaawa niya, ang pagluha niya na dati’y kayang tunawin ang puso ko. Pero wala na. Dapat wala na. Nang buksan ko ang aking mga mata, ang imahe ni Francine ang sumingit sa isipan ko. Ang manipis niyang katawan, ang takot sa kanyang mga mata, ang mga pasa sa kanyang balat. “Tangina…” Napakuyom ako ng kamao. Gusto kong malaman kung sino ang hayop na may gawa noon sa kanya. Kahit hindi ko man gustong aminin, ayaw kong may nananakit sa kanya. Damn it! Bakit ba pakiramdam ko, responsibilidad ko siyang protektahan? Napatayo ako at tinungo ang bintana, pinagmamasdan ang dilim ng gabi. Hindi ko alam kung anong meron kay Francine at bakit parang hinahatak ako ng presensya niya pabalik sa nakaraan. Ilang minuto pa akong nanatiling tahimik bago ako bumunot ng sigarilyo at sinindihan ito. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong linawin ang isip ko. Pero sa bawat ulos ng usok sa hangin, isang bagay ang hindi ko maitatanggi. Kung may makakatulong sa akin para tuluyang makalimutan si Yvonne… Si Francine iyon. At hindi ko alam kung masama ba akong tao dahil gusto kong gamitin siya para burahin ang multo ng nakaraan ko. Pero sa ngayon, isa lang ang sigurado ako—hindi ko siya hahayaang mapahamak muli. Kahit na ang mismong presensya niya ang bumubuhay sa lahat ng sugat na matagal ko nang gustong kalimutan. END OF RED'S POV •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD