"Anak.." rinig kong tawag ni nanay sa akin. Umakyat muna kasi ako saglit dito sa kwarto ko para makapagpalit ako ng damit dahil pinagpawisan na ako kanina. Bumukas ang pinto at pumasok sya sa kwarto. "Patapos na po ako, nay." ngiti ko kay nanay na umupo sa gilid ng papag na may manipis na kutson. "Wag mo sanang mamasamain ang payo ko sa iyo pero sana ay wag kang sumama sa taong hindi mo pa lubusan na kilala at palagi kang mag iingat doon." madamdaming payo ni Nanay. "Sorry, Nanay.. pero mukha naman pong walang gagawin sakin na masama si Daemon. Natuwa nga po ako na dito nya ako dinala sa bahay natin. Nakasasakyan po sya kaya mabilis kaming nakarating dito." paliwanag ko kay Nanay. Alam kong nagaalala sya dahil nag iisang anak lang nila ako at mahal na mahal nila ako kaya di ko sya masis

