Hindi ko alam ang gagawin ko pagkauwi ko sa dorm. Nandito na ako sa kwarto. Tumanggi na akong sumabay kumain kay Reggie at idinahilan ko nalang na magpapahinga muna ako na hindi naman nya tinutulan. Kinakabahan ako kahit alam ko naman na wala akong ginawang kasalanan. Kagat-kagat ang aking hintuturo. Lakad dito.. lakad doon. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko makalimutan ang titig nyang iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Is there something wrong na hinahalukay ang kalooban ko. Bakit ba ako nag-aalala na baka magalit sya? Bakit sobrang apektado ko sa isang tingin palang nya? Ano ba tong nararamdaman ko? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba na parang lalabas na ang puso sa sobrang lakas ng kabog. Inaasahan kong pupuntahan nya ako pero hindi nya a

