Pagdating ko sa kwarto ko ay nagpalit agad ako ng damit. I wear a yellow off shoulder kaya mas lalong tumingkad ang kulay ng maputi kong balat. Ang buhok ko ay naka-ponytail na kaya lalong lumitaw ang aking makinis at maputing leeg. Nagtoothbrush ako at nagretouch ng konti bago napagpasyahang bumalik na sa eskwelahan. Papasok na ako sa may gate nang may magsalita sa gilid ko sabay hawak sa braso ko. "Come with me," aniya. Sinundan ko ng tingin ang braso nya paitaas hanggang sa mukha nya. I knew it! Si Daemon nga sya at hindi ako nagkakamali. "Where are we going?" mataray na tanong ko sa kanya. Kailan ka pa naging mataray, Taliyah? Well ngayon lang! "Wala nang maraming sat-sat!," hinila na nya ako ng tuluyan. Nagpoprotesta pa ako pero talagang malakas sya. Ano pa nga bang magagawa ko

