Lumakad kami sa isang mahabang hallway at talaga naman na mapapanganga ka nalang sa bawat dinadaanan mo, bawat painting na nakasabit sa wall ay talaga namang napaka elegante at mahuhulaan mo na agad na hindi basta-basta lang ang halaga nito. Same ng mini house nya sa campus na maraming painting. Pilit kong tinatandaan anh dinadaanan namin pero mukhang maliligaw na ako kapag ako nalang mag-isa ang babalik. Tahimik akong nagpalinga-linga sa gilid hanggang sa nakarating kami sa dulo at lalo akong namangha nang makarating kami sa kitchen. Isang napakabang mesa na sa tingin ko ay gawa sa ginto, kung hindi ako nagkakamali. Punong-puno ito ng iba't ibang klase ng prutas at pagkain. Sa tingin palang ay talagang matatakam kana. Napatingala ako sa kanya ng bigla syang pumalakpak. Akala ko naman

