First day of school. Muntik na akong malate dahil napuyat ako. As in napuyat dahil sa tuwing pipikit ako ay sya ang nakikita ko. Pagdating ko sa classroom namin ay they introducing their self na. Nakatungo akong pumasok at umupo sa bakanteng upuan na sa tingin ko ay ako nalang ang hinihintay na maupuan sya. Nakakahiya dahil sa unang araw palang ay na-late na kaagad ako. Nang makaupo ako ay hinanap ko si Reggie at napasapo ako sa noo ko ng maalala kong hindi nga pala kami magkaklase sa isang subject namin. Tahimik nalang akong nakikinig sa mga kaklase ko na sinasabi ang bawat pangalan nila. Ang iba ay kilala ko na at ang iba ay bago ang mukha sa paningin ko na sa tingin ko ay mga nagswitch lang ng kanilang kurso. Hindi parin ako makapaniwala nung nakaraang nagpakita sya sa akin. Ang sabi

