Taliyah's POV
MARAMI ang nagpa-enroll ngayong araw. Last day na din ng registration kaya madami ang humabol pa. Next week ay simula na ang pasukan kaya kailangan ko na naman mawalay sa aking mga magulang. Malayo ang bahay namin sa pinapasukan kong university kaya gaya ng dati ay kailangan ko ulit manirahan sa isang dormitoryo.
Maganda ang patakaran ng namamahala doon kaya hindi nag-aalala sa akin sina nanay at tatay dahil magkabukod ang silid ng lalake at babae pero nasa iisang malaking building lang kami.
Tinulungan ako ni nanay na maihanda ang lahat ng dadalhin ko papunta roon.
"Anak, sigurado ka bang wala ka ng nakalimutan?" paninigurado pa ni Inay
"Opo, nay. Okay na po ito. Uuwi naman po akong tuwing linggo, syempre po. Ayoko po kayong ma-miss ng sobra." Yumakap sya sa inay nya ng sobrang higpit. Kung hindi lang talaga sya mag aaral ay hindi nya pipiliin ang mapalayo sa mga magulang nya.
"Di bale, Anak. Dalawang taon nalang naman at makakatapos kana sa pag-aaral mo kaya konting tiis nalang muna." magaan na ngumiti ang kanyang Inay sa kanya.
"Opo, nay. Lalo ko pong gagalingan para sa inyo ni tatay." pagbibigay assurance pa nya.
"Sige na anak. Mag ayos kana at ako na ang bahala sa mga ito."
"Opo, Nay."
Naligo na sya at nagbihis. Simpleng puting t-shirt lang at pantalon na kupas ang isinuot nya. Saktong dating ni Reggie ay tapos narin sya at ready na sa pag-alis.
Nag-paalam na sya sa kanyang Inay. Ang Itay naman nya ay inihatid sila sa bulwagan gamit ang kalabaw at kangga dahil doon ay may mga sasakyan na maaaring maghatid sa kanila sa mismong bayan.
"Paalam po, Itay. Uuwi po ako tuwing sabado po, lalo na po kapag maluwag ang schedule namin sa eskwelahan."
"Wag ko kaming alalahanin ng nanay mo, anak. Ayos lang kami. Hayaan mo at para hindi ka mahirapan ay kami nalang ang dadalaw sa iyo doon sa lugar na tinutuluyan mo." Ani ng Itay nya.
Yumakap sya sa Itay nya at hila ang maleta lulan ang mga gamit ay inihatid na sya ng tanaw ng Itay nya papalayo. Sumakay sila sa jeep papuntang bayan.
Pagkarating nila sa dormitoryo ay inayos lang nya ang mga gamit nya at inilagay sa tamang lagayan bago lumabas na ulit para ayain si Reggie na bumili ng ilang gamit sa pamilihang bayan. Bachelor of Fine Arts ang kinuha nya. Mahilig syang mag drawing at kung ano-ano pa. Mahilig syang mag imagine ng mga bagay bagay. Noong nakaraang gabi nga ay sinubukan nyang idrawing ang mukha ng lalalakeng iyon sa panaginip nya gamit ang pencil lang at eksaktong eksakto ang pagkakadrawing nya dito. Kaso kalahating mukha nga lang.
"Mamimili ka na ba ng mga gagamitin mo sa pagd-drawing?" tanong sa kanya habang naglalakad sila.
"Oo, konti lang naman ang bibilhin ko dahil magagamit ko pa naman iyong iba doon. Dadagdagan ko lang yung pencil color ko dahil maiikli na ang mga iyon, nahihirapan na akong gamitin. Bibili rin ako ng bagong water color. Nanigas na kasi yung iba dahil sa nagdaang bakasyon." aniya kay Reggie.
"Okay, tara na para makabalik din tayo. Malapit narin mag gabi." anito at nagmadali na sila sa paglalakad. Ibang-iba ang buhay sa bayan, maliwanag dahil puno lagi ng ilaw ang buong paligid. Hindu gaya sa probinsya na pagsapit ng dilim at talaga kadiliman na ang babalot sa paligid dahil maagang matulog ang mga tao.
Pumunta sila sa dati nyang binibilhan. Suki na sya ng mga ito kaya naman palagi syang binibigyan ng discount. Ang sinabi nyang kakaunti at halos binili na nya ang lahat ng nagustuhan nya. Madami kasing bagong dating kaya binili nya ang mga bago sa paningin nya. Tinulungan syang magbitbit ni Reggie ng dala nya dahil sa box na nya iyon ipinalagay. Walking distance lang naman kaya hindi na sila nag abalang tumawag ng sasakyan pauwi.
"Akala ko ba konti lang ang bibilhin mo? E halos inubos mo na ang paninda nila ah!" pang aalaska sa kanya ni Reggie. Natawa naman sya dito. Totoo naman ang sinabi nito talaga lang na hindi nya napigilan ang sarili nya. Isa pa malaki rin naman ang natipid nya kahit marami syang napamili dahil sa discount at promo na inalok ng mga ito sa kanya.
"Sayang kasi yung discount at promo nila. " natatawang bulong nya malapit sa tenga ni Reggie. Napailing nalang si Reggie sa kanya.
Pagdating nila sa dorm ay ibinaba lang nila saglit ang dala nila at nagpasyang kumain muna sa karenderia sa ibaba. Maganda ang dorm nila dahil hindi na nila kailangan lumabas para maghanap ng makakainan.
Umorder si Reggie ng ulam nila pagkatapos ay umupo na sila sa bakanteng upuan na nasa dulo. May mga ilan narin ang kakatapos lang kumain kaya konti nalang silang naroroon sa karenderia. Dumating na ang inorder ni Reggie para sa kanilang dalawa. Mas pinili nya ang ginataang sitaw at kalabasa na may hipon na paboritong paborito nya. Kilala na sya ni Reggie lalo na sa mga paborito nyang kainin.
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa sari-sariling mga kwarto. Bahagya nya munang binuksan ang bintana para may pumasok na hangin sa kwarto nya. Dumungaw sya doon at pinagmasdan ang paligid. Nasa ikatlong palapag sya kaya kitang kita nya ang buong bayan sa ibaba. Maraming ilaw at kung anu-ano pa. May peryahan din syang natatanaw na minsan ay binalak nyang puntahan.
Hinalungkat nya ang maleta nyang hindi pa nya naaayos. Nailagay na nya ang ibang damit pero hindi nya inilahat sa kabinet. Hinanap nya ang picture frame nila na dinala pa nya dahil ayaw nyang mamiss ang mga ito pero nagtaka sya ng imbes na picture frame ang mahanap ay sobrang puti ang hawak-hawak nya.
"Ano ito?" takang tanong nya sa sarili. Nakalagay iyon sa secret pocket ng maleta nya. Parang sinadya na doon itago para hindi nya agad mapansin. Binuksan nya iyon at sa tingin nya ay idinikit lang ito gamit ang kanin.
"Pera? Kaninong pera naman ito?" nagtataka sya dahil wala naman syang ganoong kalaking pera dahil sakto lang naman ang hiningi nya sa kanyang mga magulang. Napansin nyang may maliit na papel na nakatupi doon kaya agad nyang kinuha at binasa.
"Anak, kapag nakita mo na ang perang ito ay matuwa ka sana. Regalo namin ito sa iyo ng Itay mo pambili mo ng cellphone mo. Hindi na kami nakabili kaya ikaw nalang ang bumili diyan sa bayan. Dadalaw kami dyan minsan ng itay mo kapag natapos na ang ginagawa nilang pag aani sa ating sakahan. Sana ay matuwa ka, Anak. Mahal na mahal ka namin ng Itay mo."
Naiyak na naman ako. Basta pagdating sa mga magulang ko ganito ako. Sobra-sobra ang pagmamahal nila sa akin na kahit hindi ko hinihiling ay kusa na nilang ibinibigay. Napakaswerte ko talaga sa kanila kaya talagang magsisikap ako sa pag-aaral para sa bahay nalang sila. Ang mga trabahador nalang ang pakikilusin ko pag dumating ang panahon na makapagtapos na ako at maging successful sa buhay.
Hindi ako dinadalaw ng antok kaya naman naisipan ko munang magpinta. Naisipan kong iguhit yung nakita ko sa panaginip ko doon sa ilalim ng malaking puno ng narra. A house that looks like a castle. Tapos napapaligiran ito ng maraming kulay pulang rosas na bulaklak. Nagsimula akong gumuhit. Bahagya akong pumipikit habang gumuguhit dahil inaalala ko ang lugar na iyon.
Pero imbis na puro bulaklak na ang iginuguhit ko ay parang may sariling isip ang mga kamay ko. Parang may kumukontrol dito at ang iginuguhit ay mukha ng isang tao. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang hitsura ng taong iginiguhit ng mga kamay ko. Ang lalakemg iyon!
Kusa kong nabitawan ang lapis na hawak hawak ko. Napatingin ako sa paligid ng lumakas ang hangin na nagmumula sa bintana. Napasinghap ako ng maramdaman kong hindi lang ako nag-iisa sa kwarto ko. Nagtaasan ang balahibo ko mula ulo hanggang paa. Kakaibang kilabot ang nararamdaman ko ng makita ko sya. Nandito sya? Paano nya nalaman na nandito ako? At paano sya nakapasok gayong lalake sya at alam kong hindi sya papayagan ng bantay namin dito sa dormitoryo.
KAHARAP ng mga magulang ngayon ni Taliyah ang albularyo na animoy ermitanyo na ang hitsura. Napakahaba na ang balbas nito na kulay puti. Bitbit parin ang tungkod.
Kinakabahan ang mag-asawa kung bakit pa ito bumalik at nagpakita sa kanila.
"Ito na ang takdang oras.." bungad nito. "Kailangan nyo ng ibigay ang inyong anak."
Napatayo si Damian dahil sa sinabi ng matandang albularyo. "Ano bang ibig nyong sabihin? Bakit nyo kukunin ang anak namin?" galit na sabi ni Damian pero hindi man lang natinag ang albularyo. Si Maria ay umiiyak na dahil hindi sya makapaniwala ng sinasabi ng albularyong nasa harapan nila.
"Ang kasunduan ay kasunduan at hindi nyo ito mapuputol kailanman." walang emosyong sabi ng albularyo. "Maitatago nyo sya sa amin pero mahahanap at mahahanap parin sya ng nagmamay-ari sa kanya. Kahit saan nyo dalhin ang batang iyon ay kadugtong na nya ang taong nagmamay-ari sa kanya dahil maliit palang sila ay may nag-uugnay na sa kanilang dalawa." ani ng albularyo sa kanila.
Kahit anong sabihin sa kanila ng albularyo ay wala silang maintindihan na mag-asawa.
"Teka nga ho, sino ba ang tinutukoy nyong nag mamay-ari sa anak namin?" hindi sumagot ang matandang albularyo. Tumayo na ito at handa ng umalis. Pero bago ito maglaho muli itong nagsalita.
"Kilala nyo sya. Sya ang naghatid sa inyo noon kaya natunton nyo ang kinaroroonan ko."
Napanganga silang mag-asawa. Naalala na nila. Binigyan pa nya iyon ng kwintas na gawa sa kahoy na galing pa sa Obando. Napatanaw nalang sila sa labas ng pinto. Yumakap si Damian kay Maria.
"Anong gagawin natin, Damian? Hindi ko kakayanin kung mawawala si Taliya sa atin." hagulhol ni maria.
"Wag kang mag-alala aking mahal. Hinding-hindi nila makukuha ang anak natin sa atin. Dadaan muna sila sa ibabaw ng aking bangkay."
Banta ni Damian habang si Maria ay patuloy sa pag iyak.