OBTPD 5-SOMEONE'S FOLLOWING

1919 Words
Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Taliyah. Nagtataka sya kung bakit sa tuwing makakatulog sya ay napapanaginipan nya ang lalakeng iyon. Pero tila nagiging interesado sya, habang tumatagal ay mas ninanais nyang makita ang kabuuan ng hitsura nito. Gusto nyang makita ang buong mukha nito dahil hanggang ilong lang ang nakikita nya sa dito. Thin and curvy lips, pointed nose and perfect jaw line. Hindi maputi at hindi rin maitim ang kutis. May pagkamoreno ito kahit na palaging sa madilim na parte nya lang ito nakikita. Palagi itong half naked sa panaginip nya. Hindi ba iyon nilalamig? Naalala ko noong nakatulog ako sa puno na iyon. Napanaginipan ko rin sya. Para bang may kakaibang enerhiya ang humila sa akin para makatulog simula noong kunin ko ang rosas na iyon at amuyin. Siguro may nag spray nang pampatulog doon o kaya naman ay nilagyan ni Tatay ng pang spray sa maisan para sa mga insekto. Kasalukuyan nyang tinatahak ang daanan papunta kina Reggie. Nagpaalam sya sa kanyang Inay na aayain na nya itong mag enroll sa makalawa. Sanay na sanay na syang mag-isa. Hanga nga sa kanya si Reggie dahil nakakaya nyang pumunta sa kabilang nayon na nang walang kasama. Katwiran nya ay bakit sya matatakot? Hindi naman totoo ang mga multo at kung ano pang kinukwento nito na lamang lupa. Biglang sumagi sa kanya ang lalake sa panaginip nya. Hindi nya maintindihan kung bakit biglang nagtayuan nag balahibo nya sa katawan. Damuhan ang daanan papunta kina Reggie. May malalaki at matataas na puno rin. Karamihan pa ay puno ng balete. Pero dahil sanay na sya ay wala syang ni katiting na takot na nararamdaman sa katawan. Napalingon sya ng may biglang kumaluskos sa paligid nya. Tumigil sya saglit at tumingin sa likuran nya pero wala namang kahit na ano syang nakikita. "Sus! Baka daga lang yan!" pilit nyang isiniksik sa utak nya. Humakbang na sya paunti-unti papunta sa unahan. Noong una ay dahan-dahan pa pero nang makarinig na sya ng mga yabag papalapit sa kanya ay bigla nalang itong kumaripas ng takbo. Talo pa nya ang nakikipagkarera sa kabayo. Hindi nya na magawang huminto o kaya naman ay tingnan ang likuran nya kung talaga bang may sumusunod sa kanya. Saktong lingon nya sa likuran nang may mabangga syang malaking bulto ng tao at kaya bigla syang natumba. Napapikit sya. Ayaw nyang imulat ang kanyang mga mata. Ayaw nyang makita ang nakabangga nya. Takot syang makita kung sino ito dahil iyong lalake parin na iyon ang naaalala nya. Naramdaman na nyang hinawakan nito ang magkabilang balikat nya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko." Aniya sa isip nya. Sinabayan pa talaga ng tunog ng kwago ang kabog ng dibdib nya. "Wag po! Wag po! Wag nyo po ako sasaktan" nagmamakaawa nyang sabi. Nananatili syang nakapikit ngunit napamulat sya ng makarinig sya ng isang malakas na halakhak. Sinamaan nya kaagad ito ng tingin. "Reggie! Nakakainis ka! Tinakot mo ako!" maktol ni Taliya. Tinulungan nya na ako mula sa pagkakabagsak ko sa lupa habang patuloy parin sa pagtawa. "Akala ko ba hindi ka takot sa kahit na anong masamang creatures na galing sa lupa? Eh ano yung pa wag po-wag po mo dyan?" tumawa na naman si Reggie. "Eh pano hinawakan mo ako sa balikat eh! Malay ko bang baka rapist ka!" tumawa pa ulit ito ng tumawa. May nakakatawa ba sa ginawa ko? Hays nahihiya tuloy ako. Tumalikod ako sa kanya balak ko nang tahakin ang daan pauwi sa amin. Nagbago na ang isip ko. Hindi ko na sya aayain! "Bahala ka na nga dyan! Uuwi nalang ako!" nagpatiuna na sya sa paglalakad. Nahihiya sya sa inasal nya. "Kasalanan ito nung lalake sa panaginip ko eh! Dati naman hindi ako ganitong matatakutin tapos ngayon isang kaluskos lang natatakot na ako. Pakiramdam ko kasi parang sinusundan nya ako." kausap nya sa sarili nya Hinabol sya ni Reggie at pumantay sa paglalakad nya saka hinawi ang balikat nya at dinala sa direksyon papunta sa bahay nila. "Tara na nga sa bahay. Bakit ba takot na takot ka kanina? Tapos ayaw mo pa akong tingnan?" tanong pa nito. "Wala!" iwas nya. Humawak na sya sa braso ni Reggie. At nagmamadaling hinila ito ng magsimula na namang lumakas ang hangin sa paligid nila. Trauma yata ang hatid sa kanya ng lalakeng iyon sa panaginip nya. Sabihin ba naman sa kanya na sya daw ang hangin na laging nakabantay sa akin. Creepy diba? Pagkatapos nilang magmeryenda sa bahay nina Reggie ay ipinasyal na sya nito sa nayon dahil medyo matagal narin daw silang dalawa na hindi nakakapamasyal. Natuwa sya sa mga nakikita. Hinila nya ang kamay ni Reggie at dinala sa isang tindahan ng handmade na bracelet. Ang daming magaganda pero isa lang ang pumukaw sa paningin nya. "Ale, magkano po ito?" nakangiting tanong nya sa tinderang medyo may edad na. Itinuro nya ang porcelas na gusto nya. "Bente pesos lang Ineng ang dalawa. Murang mura na." sabay ngiti ng tindera sa kanya. "Pabili po ako. Iyong blue at pink po." Bracelet iyon na may heart shape sa gitna. Iniabot sa kanya ng tindera ang porcelas. Iniabot nya rin ang bayad nyang bente pesos. "Ano yan?" tanong ni Reggie sa kanya. "Ano pa? Edi bracelet." pilosopong sagot nya. Mapepektusan nya itong si Reggie eh, alam naman na kung ano. Itatanong pa. Pinaghiwalay nya ang magkadikit na bracelet at kinuha ang kamay ni Reggie. Nang isusuot na nya iyon sa pulsuhan ni Reggie ay bigla na naman lumakas ang hangin kaya imbis na maisuot nya at nabitawan nya iyon at sa hindi kalayuan ay nakita nya ang isang imahe ng lalake sa panaginip nya. Pinuntahan ni Taliyah ang kinaroroonan ng lalake na natatanaw nya. Naiwan si Reggie na patakbong sumusunod sa kanya. Pinulot pa kasi nito ang binili nyang nahulog na bracelet. Pagdating nya kung saan nakapwesto ang lalake kanina ay nagtaka syang wala ito doon. Kinusot nya ang mga mata nya. Pilit pinalinaw ang paningin pero wala talagang tao doon. "Namamalikmata lang ba ako kanina?" naguguluhang tanong nya. Nang maabutan sya ni Reggie ay habol pa ang hininga nito. "Bakit ba bigla-bigla ka nalang tumatakbo, Taliyah?" tanong nito habang hinihingal. "May napansin ka ba na tao dito kanina? Matangkad sya. Tapos malaki ang katawan." describe pa nya sa lalake. Inilibot pa ni Reggie ang paningin at nakakunot ang noong ibinalik ang tingin sa kanya. "Wala naman ah! Baka namamalikmata ka lang. Tara na nga at bumalik na tayo doon." aya nito pabalik sa kanya. "Oo nga, baka nga namamalikmata lang ako." ulit pa nya. Pero kanina ay malinaw na malinaw sa paningin nya ang lalakeng iyon. "Tao kaya sya? Totoo ba sya?" Nagsisimula na syang maguluhan kakaisip sa lalakeng iyon sa panaginip nya. Inihatid na sya ni Reggie pauwi sa bahay nila dahil hapon narin naman at medyo madilim dilim na sa daan. Dahil gabi na ay hindi na ito pinayagan nang mga magulang nya umuwi sa kanilang bahay. "Oo nga, Reggie. Doon kana muna sa kwarto ko matulog. Malawak naman ang higaan ko. Para naman may kasama ako." segunda ni Taliyah. "Sus! Sabihin mo natatakot ka lang.." asar pa nito sa kanya. "Hindi nuh! ako matatakot? Kanino naman?" matapang na sagot nya. "Edi sa multo!" natatawang sambit ni Reggie. "Sus! Di naman totoo yan eh! Guni-guni mo lang yan! Di ba po, Nay.. Tay?" Napapangiti naman sa kanila sina Damian at Maria. "Ay oo naman anak. Binibiro ka lang nitong si Reggie. Hala. Sige na at mangagsitulog na kayo. Masama sa kabataan ang pagpupuyat." taboy sa kanila ng magulang ni Taliya. "Opo, Nay. Tay." humalik muna si Taliyah sa pisngi ng mga ito. At sabay na sila ni Reggie na umakyat sa kaniyang kwarto. Sinindihan nya ang gasera gamit ang posporo. Nagsindi rin sya ng ilang kandila na nasa loob ng kanyang kwarto. Mabango ang amoy ng mga iyon. Isa ang mga iyon sa iniregalo sa kanya ng mga kaibigan nya noong ikalabing-walong taon na kaarawan nya. Nagkwentuhan pa sila ni Reggie at pinag-usapan din nila ang gagawing pag eenroll sa susunod na linggo hanggang sa tuluyan na syang dinalaw ng antok. Napangiti sya ng maramdaman nya na nakayakap si Reggie sa kanya. Nakatalikod sya dito kaya ramdam na ramdam nya ang malapad na katawan nito sa likuran nya. Para bang ang sarap ng pakiramdam nya sa pagkakayakap nito. Napapangiti sya at hinayaan nalang ito saka muling bumalik sa pagkakatulog. Ramdam pa nya ang pag-amoy at paghalik nito sa batok at leeg nya pati sa balikat nya. Nagtataka man ay hinayaan narin nya dahil talagang hinila na sya papikit ng kanyang mga mata. Nagising syang wala na syang katabi sa kama. Napansin din nya ang manipis na banig na nakaayos na ng pwesto sa gilid ng kama nya. Sino naman ang natulog doon? Imposible naman na si Reggie dahil katabi ko sya kagabi. Nagkibit balikat nalang sya. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman pero nagustuhan nya ang paglalambing sa kanya ni Reggie kagabi. Bumaba na sya at handa ng maligo. Naabutan nya sa kusina ang Inay nya pati na si Reggie. Tinutulungan nito ang Inay nya sa pagluluto. "Maganda umaga, Inay at Reggie." masayang bati nya. "Magandang umaga rin sayo, anak" balik na bati ng Inay nya. "Tamang tama. Tikman mo itong niluluto namin" Sabat naman ni Reggie. Nagmamadali syang lumapit dito at hinawakan ang sandok na hawak ni Reggie saka tinikman iyon. "Hmm Ang sarap!" komento nya. "Tama ka anak. Masarap ngang magluto iyang si Reggie. Pwede na iyang mag-asawa." May mapanuksong sabi ng Inay nya. Sya naman ay pinamulahan ng mukha. "Si Inay talaga. Kung anu-ano ang sinasabi." "Akin ka lang Taliyah, tandaan mo iyan." Bigla syang nakarinig ng malaking boses "Narinig nyo po ba iyon?" tanong nya sa mga ito. Nagtataka naman ang mga itong tumingin sa gawi nya. "Ang alin anak?" "Ang alin Tali?" Halos panabay na tanong ng mga ito. "Yung nagsalita?" dagdag pa nya. "Wala naman ah! Tayo lang naman ang nandito." ani Reggie "Oo nga naman anak. Naku! guni-guni mo lang iyon. Taliyah." sabi naman ng kanyang Inay. Napakunot nalang ang noo nya. "Hehehe baka nga po." nahihiyang pagsuko nya. Pero alam nya talaga sa sarili nyang may narinig sya at malinaw na malinaw iyon sa pandinig nya. Inutusan sila ni Reggie ng Inay nya na dalhan ng meryenda ang kanyang Itay at iba pang trabahador. Kaya naisipan nyang tuksuhin ito sa ginawang paghalik sa kanyang leeg kagabi. "Ikaw Reggie ha.. Bakit mo ako hinalikan sa leeg kagabi?" Biglang huminto si Reggie sa paglalakad at naguguluhan na tumingin kay Taliyah. "Sino? Ako? Hahalikan ka sa leeg? Bakit ko naman gagawin yun sayo? Hindi tayo talo' nuh! Isa pa sa ibaba ako ng kama mo natulog. Nanghingi pa nga ako ng banig sa Inay mo nung nakatulog kana. Ikaw Tali ha! Kung anu-ano na yang naiimagine mo dyan!" anito at nauna nang maglakad sa kanya bitbit ang basket na may laman na meryenda. Nainis ata sa kanya dahil pinag-isipan nya ng masama. Pero totoo naman ang sinasabi ko ah. Humabol sya sa bilis ng paglalakad nito at pumantay. "Pero totoo nga ang sinasabi ko, Reggie. Katabi kita tapos ay nakayakap sa mula sa likuran ko." pamimilit nya. "Ewan ko sayo, Tali. Magpaalbularyo kana at baka tinitikbalang kana." asar nito sa kanya. Ayan na naman sya. Ayaw pa kasing aminin kaya heto at tinatakot na naman sya. Nangingiti syang humawak sa braso ni Reggie at sinabayan na ito sa paglalakad. Pero kung hindi sya iyon ay sino ang lalakeng nakayakap sa kanya? Bigla na naman tumayo ang mga balahibo nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD