Dahil sa sobrang pagod ni Taliyah dahil sa ginanap na kaarawan nya ay nakaramdam sya ng antok at agad na nakatulog. Parang may enerhiya na humihila sa kanya pahiga sa kanyang malaking kama.
Naalimpungatan si Taliyah sa sobrang lakas ng hangin, napakalamig din sa loob ng silid nya. Wala sa sariling hinila nya ang kumot at ipinulupot sa kanyang katawan buong katawan.
"You're mine, Taliyah.. Only mine." sabi ng isang malagong na boses na animoy nanggagaling sa ilalim ng lupa. Teka? Sino yun?
Agad syang napatayo mula sa pagkakahiga ng marinig nya ang pangalan nya. Nararamdaman nyang may nakamasid din sa kanya dahil ramdam na ramdam nya ang presensya nito sa loob ng kwarto nya. Ang kurtina nya sa bintana ay halos dalahin na ng hangin papalabas.
Nakakita sya ng anyo ng isang tao ngunit hindi malinaw sa paningin nya ang hitsura nito. Pero kita nyang may malaki itong pangangatawan, matangkad at maganda ang tindig. Pilit kinukusot ang mga mata dahil nalalabuan sa nakikita. Napaatras sya ng unti-unti itong lumalapit papunta sa kinaroroonan nya.
"Sino ka? Wag kang lalapit sakin!" sabi ng nahihintakutan nyang timig. Ang lakas ng kalabog ng puso nya. Hindi naman sya nakikipag-marathon pero hingal na hingal sya dahil sa takot na nararamdaman nya.
"Wag kang matakot sa akin, Aking Taliyah," rinig nyang sabi nito. Ang ganda ng malaking boses nya. Ang ganda ng hugis ng kanyang labi pero natatakpan ng dilim ang kalahati pa nyang mukha. Jusko! Sino ba itong lalakeng ito. Bakit nagpapasok sina Nanay ng lalake sa kwarto ko?
Sunod sunod ang naging pag atras nya hanggang maramdaman na nya ang malamig na pader sa likuran nya. Napasinghap sya ng maisip nyang na-corner na sya nito. "Kailangan kong makalabas ng kwartong ito." Gusto nyang sumigaw pero walang lumalabas sa bibig nya.
"A-anong nangyayari saken?" sigaw nya sa isipan nya.
Napapikit sya ng tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Hinawakan nito ang mukha nya at hinaplos-haplos. Ingat na ingat na aakalain mong isa syang babasagin na crystal pero ayaw nyang imulat ang mga mata nya. Ayaw nya itong makita.
"P-pakiusap. L-layuan mo ako." may pagmamakaawa sa tinig nya. Pero hindi ito nagpapatinag. Napahawak sya sa dibdib nito para itulak pero parang bato ito sa tigas. Kusang lumayo ang mga kamay nya na parang nakuryente.
Ngayon lang sya nakahawak ng katawan ng lalake at sa dibdib pa. Tila pinamumulahan sya sa hindi sinasadyang paglapat ng mga kamay nya. Mas lalo nitong idinikit ang katawan nya sa akin para tuloy akong palaman sa pagitan ng katawan nya at pader na nandidito sa likuran ko.
"S-sino kaba? P-paano ka n-nakapasok sa silid ko?" tanong parin nya habang nakapikit. Nauutal narin sya, pakiramdam nya ay nagkabuhol-buhol na ang dila nya.
Ngayon lang sya natakot ng ganito. Kung totoo man ang sinasabi ni Regie sa kanya na hindi nya pinaniniwalaan dati pa ay mukhang gusto na nyang maniwala ngayon.
"Ako lang naman ang nag iisang nag mamay-ari sayo, aking Taliyah. Ni minsan ay hindi ako nawala sa tabi mo. Ako rin ang hangin na madalas magparamdam sayo. Ako ang palagi mong bantay at nakakasama dito sa kwarto mo." Anito, na nakaharang ang mga braso nito sa magkabilang gilid ni Taliya. Bahagya nitong inilayo ang sarili at pinakatitigan ang dalagang nasa harapan na nya.
Napanganga si Taliyah sa sinabi ng lalakeng kaharap nya. "Palagi syang nandito? Pero bakit hindi ko naman sya nakikita?" Oh em gee! Multo nga ito!" Sigaw ng isipan nya. Naumid na ang dila nya. "Gisingin nyo na ako kung panaginip lang ito. Huhuhu." At tuluyan na nga nyang nakita ang kabuuan ng hitsura nito.
"Taliyah! Anak! Gising!" rinig nyang boses. Yumuyugyog ang katawan nya. Buong akala nya ang lumilindol na. Nang imulat nya ang mga mata nya ay agad hinanap ng mga mata nya ang lalake na nasa kwarto nya kanina lang. "Nasaan sya? Nandyan lang sya kanina sa pwestong iyon ah!" bulong nya.
Nagising syang pawisan at para na syang naligo dahil basang basa sya. Samantalang natulog lang naman sya. "Panaginip lang ba iyon? Bakit parang totoo?" kausap nya sa sarili nya.
"Anak? Ayos ka na ba? Narinig ka naming umuungol eh, akala namin binabangungot kana." napatingin sya sa kanyang inay na punong puno ng pag-aalala sa mukha. Maririnig talaga sya ng mga ito dahil palagi syang binibisita ng mga ito sa gabi.
"Wala po bang ibang tao dito bukod sa inyo ni Tatay?" wala sa sariling naitanong nya. Tila natigilan naman ang mga magulang at nagguguluhang tumingin sa isa't isa bago sabay na tumingin sa kanya.
"Wala naman anak, bakit may pumunta ba sa iyo rito?" takang tanong ng kanyang ama sa kanya. At napatingin din ito sa kanyang Inay.
"Wala naman po akong nakita paggising ko ngayon. Akala ko po ay totoo na. Panaginip lang po pala." aniya sa mga ito. Nakita naman nyang nakahinga ng maluwag ang Inay at Itay nya. Maging sya ay nagpakawala na din ng malalim na paghinga. Pero hindi mawala wala sa isip nya ang imaheng iyon ng lalake dahil ngayon lang nya ito nakita buong buhay nya.
"Anong meron at kilala nya ako? At sinabi nya ring pagmamay-ari nya ako? Weird!"
Pinainom sya ng kanyang inay ng tubig. Pinabalik na nya rin ang mga ito sa pagtulog. Nang makalabas na ito ng kwarto nya ay nagpalit narin sya ng damit. Tagaktak ang pawis nya sa noo at katawan.
"Ano ba itong nangyayari sa akin?" naisatinig nya.
Napatingin sya sa bintana nya. Normal lang ang hangin, hindi kagaya sa panaginip nya kanina na parang may bagyo dahil sa lakas hangin. Isinarado na nya iyon pero kinikilabutan parin sya. Muli syang bumalik sa pagkakahiga nya at nagdasal bago muling natulog.
SA KABILANG banda ay nagdidiwang na ang albularyo dahil sa katuparan sa ginawa nya noon sa mag-asawa. Alam nyang makakabayad narin sya sa pagkakautang sa makapangyarihang lalake na buong buhay nyang pinagsilbihan.
Nang magising si Taliyah ay ginawa lang nya ang morning routine nya at bumaba na sa kusina para tingnan ang Inay. Naabutan nya itong nagluluto ng kanilang agahan. Wala na ang Itay nya dahil maaga itong bumababa sa bukid para magtrabaho.
"Halika, Anak at tulungan mo ako dito. Dadalhan na natin ang tatay mo ng pagkain, doon narin tayo kakain para sabay-sabay na tayong tatlo." aniya ng inay nya.
Lumapit naman sya at tinulungan ang Inay nyang magbalot sa dahon ng saging ng mga pagkain. Ang sabi ng Inay nya ay mas masarap daw ang pagkain kapag ibinalot sa dahon ng saging. Pagkatapos maibalot ang lahat ng niluto ay inilagay na nila ito sa basket na gawa sa malalaking baging.
Kagaya ng palaging suot ni Taliyah ay nakaputing saya sya ngayon. Ang mapuputi nyang balat ay halos mamula dahil sa sinag ng araw. Bawat madadaanan nilang magsasaka ay bumabati sa kanilang mag-ina, lalong lalo na kay Taliyah. Mabait at palangiti ang dalagang ito kaya kinagigiliwan ng marami.
Hinanap ng mga mata ni Taliyah ang itay nya at nakita nya itong nakasilong sa malaking puno ng narra. Naagaw ang pansin nya ng isang rosas na kumukinang sa paningin nya. Nagmamadali syang pumunta sa itay nya at niyakap ito.
"Tatay." malambing na bati nya. Lumapit naman ang kanyang Inay na kinintilan ng kanyang ama ng halik sa pisngi. Napangiti naman ang kanyang Ina. Napakalambing talaga ng mga ito sa isa't isa.
Naglatag si Maria ng malapad na tela at doon ipinatong ang lahat ng mga pagkain. Nagmistula tuloy silang nasa isang picnic groove. Masaya silang mag-anak na kumakain sa ilalim ng punong narra pero hindi tumitigil ang pagkinang ng rosas sa paningin ni Taliyah. Parang nang aakit na kunin nya ito. At para ngang nahipnostismo si Taliyah. Tumayo ito kinuha ang pulang rosas sa gilid ng malaking puno.
Awtomatikong itinapat nya ito sa kanyang ilong para samyuin ang bango. Napatingin sya sa puno ng malaking narra. Napakalaki nito at may malalaking baging narin sa paligid nito na nakapulupot. Kung titingnan mo ay nakakatakot pero malaki ang tulong na liliman kapag mainit ang sikat ng araw.
Nakita nya ang malapad na ugat nito. Umupo sya doon at nakaramdam ng antok.
"Nasaan ako?" Nagpalinga-linga sya sa paligid ngunit tanging mga bulalak lang ang kanyang nakikita. Ibat-ibang kulay ng rosas ang naroroon. Nagpatuloy sya sa paglalakad. Nalilibang sya sa iba't ibang klase ng mga bulalak sa paligid nya. Maraming prutas at kung anu-ano pa.
"Wow! Ang ganda naman dito.." naibulalas nya. Pumikit at sinamyo ang mabangong amoy ng hangin. Saan kayang lugar ito?
Teka?
Nasaan pala sina Inay at Itay?
Bakit hindi ko sila makita?
Naliligaw ba ako?
Napasinghap sya ng may maramdaman na yumakap na bisig mula sa likuran nya.
"Hindi ka naliligaw, Aking Tliyah..dahil naririto ka sa ating kaharian.."
Teka? Pamilyar ang boses na iyon sa akin ah? Haharap sana sya dito para makita ang hitsura pero hindi sya nito pinakawalan at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"T-teka? Sino ka bang talaga?" alam nyang ito rin ang lalakeng nasa kwarto nya noon. Kaya alam nyang nananaginip na naman sya. Naalala nyang natulog nga pala sya sa tapat ng malaking puno.
Tawagin mo nalang ako sa pangalang "Daemon!"