Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil tapos na ang activity na ipinapagawa ng prof namin ng umupo ako. As in tapos na agad? Hindi naman ako nagtagal sa mga paintings right? Dumiretso kami sa next class. Kumpleto silang magkakaibigan. Katabi ko na si Lucy at Reggie. Nasa gitna nila ako. Ramdam ko ang paninitig ni Lucy kay Regie na para bang kinikilatis nya ito mula ulo hanggang paa lalo na ng tawagin ito ng prof para tanungin sa isang bagay at agad nitong nasagot. "A genius one!" rinig kong sabi ni Lucy. Pero patay malisya lang si Reggie. Hindi ko pa nakitang may ibang babae na nilapitan si Reggie maliban sa akin na matalik nyang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay hindi lang sya interesado sa ngayon dahil study first ang palaging sinasabi nya sa akin kapag tinatanong k

