Maaga akong pumasok sa School, halos wala pang mga estudyante ng makarating ako sa classroom. Nagtext nalang ako kay Reggie para hindi na nya ako hintayin at hanapin pagpapasok na sya. Kailangan kong magawa ang homework na ipinapagawa ng aming guro kahapon. Hindi ko na ito nagawa kagabi dahil sa biglang pagsulpot ni Daemon sa kwarto ko. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nya nagagawa iyon. May special power ba sya? Naipilig ko ang ulo ko at napahawak sa akin labi ng maalala ang tagpo kagabi. Pakiramdam ko ay safe na safe ako sa kanya. Sa yakap nya at lalong lalo na sa halik nya. Although mali na isipin ko yun ngayon. At alam ko rin na hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko para sa kanya. Masyado pang maaga lalo at hindi ko pa naman sya lubusang kilala. Ramdam ko ang unti-unt

