OBTPD 34-CHANGING BEHAVIOR

1817 Words

Gusto ko sanang suwayin si Regie pero paano naman kung si Suzette ang parusahan niya? Pero bakit naman kaya ayaw niya ako palabasin? Ang pagkakaalam ko ay magbabakasyon lang dito ang mga magulang ko kaya nila ako isinama pero maging sila ay hindi ko na mahagilap. Bumalik nalang ako sa kwarto at binuksan ang bintana. Tunay palang napakataas ng gusaling ito dahil kitang kita ko ang buong lugar mula dito sa itaas. Nagbuga ako ng hangin, ano ba ang binabalak mo sakin Regie? Bakit kailangan sakto pa na aalis kami ni Daemon ng biglang dumating ang mga magulang ko? May alam kaya si Regie na balak akong ilayo ni Daemon sa lugar? Pero paano naman niya malalaman iyon, e kaming tatlo lang naman ang nakakaalam ng balak na iyon? Ang isa pa sa hindi ko maintindihan ay ang pagbabago ng pagkatao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD