Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako dito sa kwarto. Hindi ko mapigilan na hindi isipin si Daemon.. bakit kaya hindi siya nagpapakita sa akin? Diba mabilis lang naman siyang makakarating dito dahil may kapangyarihan naman siya at tumatagos pa sa pader? Nami-miss ko na talaga siya.. Daemon please.. magpakita kana.. Habang yakap ko ang tuhod ko at nakapatong ang noo ko ay narinig ko ang pagbubukas ng pintuan ng kwarto ko kaya napaangat ako ng tingin. "Wala man lang pagkatok?" sa isip isip ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Regie na sinisilip ako. Napakunot naman ang aking noo. Nandito pa rin pala siya? Hindi ba siya uuwi sa dorm? "Bakit Regie, may kailangan ka ba?" Tanong ko kaagad bago pa siya makapasok. Umayos ako ng pwesto at naglagay ng unan sa lap ko. "Hmm.. wala naman. Aal

