Hindi nakasagot si Lt Amigable sa tinuran ng dalagang Martinez. Hindi rin nito nais isiping namatay na nga ang kasamahan. Iyun ang tinitignang angulo ng mga pulis sa Pangasinan. Ayun sa statement ng ilang nahuli ay pinahirapan si Hans at halos wala ng buhay ng iutos na idispatsya na. Na marahil ay ibinaon ang katawan nito sa kung saan. Kung susumahin ay sandali lang ang lumipas bago sila dumating ni Wesley sa lugar. Kaya imposibleng nailibing ang katawan ni Hans ng ganuon kadali. Magkagayun man, sa dami ng cadaver dogs na pinakalat sa pligid ng abandunadong storage na pinagdalhan kay Faith, imposibleng wala man lang ma-locate ang mga ito kung sakaling naroon nga ang bangkay ni Hans. “H-He c-cannot be d-dead. Is he?” Tuluyang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigil ni Angela na ikinaten

