She felt suffocated. Parang hindi siya makahinga sa mansyon. Kaya naman imbes na manatili sa bahay ay ipinasya nalang ni Angela na dalawin si Margarita sa bahay ng mga Monteblanco. At hindi napigilang sumama ang loob sa sarili dahil sa dinatnang kalagayan ng matanda. "I'm so sorry tita, I-I'm sorry." Naiiyak niyang sabi. Bumuhos muli ang emosyon niya .She felt so guilty for not remembering her. Hindi niya naisip na mas malala ang kalagayan nito kaysa sa kanya. Margarita got admitted to the hospital when she had heard the news about Hans at wala siya sa tabi nito. "I hope you won't take this against me,” aniya habang hawak ng mahigpit ang kamay ng matanda. Tumaas ang isang palad nito at hinawakan ang bunbunan niya. The old lady can barely talk. Sabi ng private nurse ay na-stroke ito. An

