Pagkagaling sa botique kung saan kinunan ng sukat si Angela ay nagdesisyon ang magksintahan na mag-dinner nalang sa labas. Hindi maalis ang mata ng dalaga sa harap ng cellphone habnag tinitignan ang mga larawang kinunan. Mas marami ang kuha niya kay Hans ng hindi nito alam. Candid shots na hindi niya pagsasawaang tignan. Kaya kinakaya niya dati ang pagiging malayo nila dahil bukod sa madalas siyang tawagan ni Hans, sinisigurado niyang kapag nagkikita sila ay kinukunan niya ito ng palihim. She even deleted some of her photos alone dahil halos mapuno na ng larawan at videos ng katipan ang storage ng bagong cellphone niya. Mga memories nila together, sinisigurado niyang bawat pagkikita nila ni Hans, ultimo picture ng kamay nilang magkasalikop ay naka-dokumento. “Para kang kinikiliti diyan

