Agad nagtuloy si Hans sa loob ng Camp Aguinaldo nang tuluyang iwan ang kasintahan. Sa pasilyo na niya inabutan sina Wesley at Xander. “Ano napatahan mo naba ang bata mo big boss?” Natatawang salubong ni Wesley. “Pinatulog ko muna.” Sagot ni Hans bago bumaling kay Xander. “Kumusta ang pagtatanong sa kanya?” Ang tinutukoy ay baguhang pulis na nakatalaga sa kulungan nang gabing makatakas si Ricardo Panlilio. “The usual Hans. Sinubukan siyang takutin para gawin ang nais. Affirmative ang report ng tungkol sa pamilya niya. He will remained under detention hanggat hindi nakukumpirma ang lahat.” Xander handed over a paper. “A certain Emilio is the one who planned all of this. Maraming records pero may malaking taong nasa likod niya kaya nanatiling nasa labas ng kulungan. Kidnapping ang exper

