Caya
"Hayaan mo na, Caya. Maybe he's really not ready. May mga ganoon talaga," pag-alo ni Astrid sa akin saka ako inabutan ng tissue.
I've been crying in her cabin since I went back to the cruise ship. Nasasaktan dahil sa naging pagtatalo namin ni Rafael sa isla.
"I just want to help him, Astrid. Tuwing napag-uusapan namin ang nangyari sa kanya, nasasaktan ako kasi nakikita kong parang hanggang ngayon pinahihirapan pa rin siya ng pinagdaanan niya." I sniffed. "Masama ba akong tao?"
"No, you're not. It's just that . . ." She sighed. "Caya, we have to understand that there are people who need to sit with their pain until they get tired of how they feel. Let me ask you something. Gusto mo ba siyang tulungang mag-heal para sa kanya o dahil ayaw mo nang masaktan tuwing nakikita mong nasasaktan siya?"
Natigilan ako. "Isn't it the same thing?"
Umiling si Astrid. "You know, sometimes we try to help others because we don't wanna feel the burden of seeing them in pain. Minsan naroon din ang guilt na parang wala tayong magawa for them and it pains us. Minsan naman, takot tayong makita silang ganoon kasi . . . kasi alam natin ang pakiramdam na nalulugmok and it's a natural thing to feel. Alam kong minsan nakaka-trigger talagang iligtas ang iba dahil kapag nagiging mahalaga sila sa atin, hindi natin maiwasang masaktan para sa kanila. But we cannot force someone to heal when they are not ready."
"What should I do then?" I asked, trying my best for my voice not to break.
Astrid flashed a weak smile. "We can just inspire them, support them, and be with them until they realize that there's still a brand-new beginning waiting for them at the end of their tunnel of misery and pain."
Hindi ko nagawang kumibo. Nagpi-play pa rin sa isip ko ang alaala kung papaano akong tiningnan ni Rafael kanina. It was as if I disrespected him so much. Hindi ko naman iyon sinasadya. I just wanted to help him because he doesn't deserve to live in pain for so long.
Humugot ng malalim na hininga si Astrid. "Si Crude? He tried to rescue me from my pain, pero sa huli, naubos lang siya kasi hindi pa ako handa. Maybe Rafael is scared that you will end up that way, too. Kasi nakakaubos talaga iyon, Caya but that's the thing. Some people, no matter how much they wanted to be saved, they just can't leave the same waters that drown them yet. They need an internal push because no one can save them fully but themselves. External support and help are good but if the person isn't willing nor ready, hindi tuluyang makakaahon. Parang . . . parang inabutan natin sila ng kamay at sinubukang iahon, pero kung mapagod tayo tapos hindi pa rin sila handang lumangoy, oras na bitiwan natin sila ay lulubog at lulubog ulit. Malulunod ulit."
"Naiintindihan ko na." I sniffed. "Siguro talagang magkaiba kami. Siguro akala ko rin nasa tamang posisyon ako para gawin iyon dahil lang may care ako sa kanya. I forgot to respect his boundaries and choices. Palalamigin ko muna ang ulo niya saka ako hihingi ulit ng pasensya." Umayos ako ng upo. "Pwede bang makitulog muna ako rito?"
"Sure." She tucked my hair behind my ear. "Magpahinga ka na muna. Huwag mo na munang isipin ang nangyari. I'm sure kung makakapagpalamig din si Rafael, magi-guilty rin 'yon na napagtaasan ka niya ng boses."
Maybe that's what hurt me the most. Iyong bigla na lamang niya akong napagsalitaan nang ganoon ang boses niya kasi nasanay na ako sa bersyon niyang ipinakilala niya sa akin sa mga nakalipas na linggo.
Rafael is one of the most gentle and caring men I've ever met so seeing his dark side really shocked me. Nakalimutan kong hindi palaging masaya at carefree ang isang tao.
I sighed. I really did cross the line.
Nahiga ako sa kama at ipinikit na lamang ang mga mata. Dala ng labis na pag-iyak ay kaagad din akong dinalaw ng antok. In fact, I even overslept. Parang pagod na pagod ang katawan ko kaya nang magising ay nakadaong na ang barko sa pantalan.
"Caya, we need to start packing. Mahuhuli tayong lalabas so we still have time," ani Astrid nang gisingin ako.
Bumangon ako't sandaling ikinurap ang mga mata. I looked outside and realized that it's already sunrise. Madilim pa ngunit sumisilip na rin ang sinag ng pasikat na araw.
Bigla namang nagising ang diwa ko nang naalala ko si Rafael. Nagmamadali tuloy akong bumaba ng kama at isinuot ang indoor slippers ko.
I ran towards the elevator and headed to our floor. Pagkarating sa floor kung nasaan ang cabins namin ay dali-dali akong tumakbo patungo sa kanyang cabin ngunit nang akmang kakatok na ako ay bumukas ang pinto.
A housekeeper went out. Tumambol ang dibdib ko sa kaba at nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan.
"Uhm, excuse me? W-Where's the guy occupying this cabin?" I asked.
"Good morning, Ma'am. The guest left ten minutes ago, right after the ramp was linked--"
Hindi ko na nagawang patapusin ang sinasabi ng housekeeper. Tumakbo ako pabalik ng elevator at bumaba sa deck kung saan nakakabit ang rampa. Croft even saw me while I was looking around. Nakauniporme na siya ng pang-kapitan at nagpapaalam sa mga pasaherong nagsisibaba.
"Croft? Si Rafael ba napansin mo?" I asked with an obviously worried tone.
"Umalis na. Halos isa siya sa mga naunang bumaba. Why?" salubong ang mga kilay niyang tanong.
I swallowed the lump forming in my throat. Naglakad ako nang mabilis para tawirin ang rampa saka ko siya sinubukang hanapin sa port. My heart is pounding fast as if it's begging to reunite with him, or maybe it's getting furious because Rafael didn't at least say goodbye.
Yes, may usapan kaming matatapos lahat ng namamagitan sa amin oras na matapos ang cruise pero hindi naman sinabing hindi na kami magpapaalam sa isa't isa! Don't I deserve a proper goodbye?!
Naghalo na ang sama ng loob at inis sa aking dibdib. Frustration even joined the f****d up party of emotions in my chest, making it harder for me to prevent my tears from building up in the corners of my eyes.
Nang hindi ko na natiis pa ay sumandal na lamang ako sa pader at ihinilamos ang mga palad sa aking mukha habang pigil na pigil ko ang pagdaloy ng aking mga luha.
Nasaan ka, Rafael? Kahit isang huling yakap lang, please? Just tell me that you're going to be okay, please?
Napahikbi na ako nang tuluyan, at sa kabila ng dami ng tao sa port, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.
Astrid came worriedly, and when she saw me pursing my lips while I'm trying my best to hold myself together, she sighed and pulled me for the hug I wish Rafael would've given me instead.
"Oh, Caya . . ." awang-awang sabi ni Astrid saka niya hinagod ang aking likod.
Napahikbi na ako nang tuluyan, at habang masaganang pumapatak ang aking mga luha dahil sa matinding sakit na nararamdaman ng dibdib ko, napagtanto ko ang isang bagay.
I developed feelings for Rafael in the short while that I spent time with him . . . and now looks like I will be the one who's going to need the healing I wished for him . .