Kabanata 4

1202 Words
Caya My brows furrowed after seeing the chat Rafael had sent me on my IG account. Out of all the social media accounts under my name, tanging ang IG ko lang ang personal kong hinahawakan. Hindi ko sigurado kung nag-chat din ba siya sa ibang socials na may pangalan ko but his chat on my IG account is enough for me to realize how nosy he really is. I sighed then typed a reply against my will while I'm inside Astrid's room. Nandoon sila ngayon ni Croft sa cabin na kunwari ay akin. Kaya rin iyon ang pinagamit sa akin para kung kailangan naming magpalit ng kwarto sa tuwing pupuntahan siya ni Croft ay madali lamang. We secretly switched rooms earlier in case there's a paparazzi who's spying on us. Tuwing gabi ay magpapalit kami. Roon silasa cabin na nakapangalan sa akin habang dito naman ako sa naka-assign kay Astrid para kung may makakita man kay Croft na nagpupunta sa cabin na nakapangalan sa akin, iisiping ako ang pinuntahan niya. Mas gusto ni Tita Cathy na kung may lalabas mang chismis, tungkol na lamang sa amin ni Croft. I know he's not really okay with it but he agreed just so Astrid wouldn't suffer that much anymore due to the issues circulating right now. Caya Magbanua: Please mind your own business, Atty. Avila. I was about to put my phone down when Rafael replied immediately. I'm actually surprise that he's willing to waste his time for me. Wala ba siyang ibang maatupag dito sa cruise ship? Marami namang pwedeng gawin. I laid on my stomach and read his chat, only for my eyes to roll after seeing the entire message. Rafael Avila: What's that sound? Are you chatting me while the captain is banging you, hmm? I'm flattered. Ngumuso ako. Dapat yata hindi siya naging abogado. Mas bagay sa kanya ang maging gossip columnist kaya lang hindi muna siya nagvi-verify ng facts bago maghayag ng chismis. Right. That's what gossip columnists do. I've been a victim of several false articles back then because of those people who like to make a whole story after seeing one side of the issue. Si Crystal nga lamang ang humaharap sa mga ganoon. That's what she enjoys the most anymore. Iyong unnecessary attention. Bumuntonghininga na lamang ako kaysa sumagot pa kay Rafael. Kinuha ko ang laptop ko at inaral na lamang ang draft ng contract na kailangang pirmahan pagkauwi ng Pilipinas. It's for my comeback movie and the first movie where I'd use my real name. I was hesitant to go back to showbiz after what happened to me but Tita Cathy convinced me and promised me that she will never force me to attend talk shows or other guesting that wouldn't require my acting skills. I just have to do what I am so passionate about; ang umarte. So far, hindi pa naman na-break ang term naming iyon. Humikab ako nang mabasa ang buong contract. I then put my laptop away and tried to get some sleep only to be woken up the next morning by another bad dream. It was vivid. Halos habulin ko ang hininga ko habang hinahagod ang dibdib. Namumuo rin ang butil-butil na pawis sa aking noo at ang mga palad ay nanginginig. Crystal was chasing me in my dream, telling me that I stole her life even when we both knew the truth. Galit na galit siya sa akin at gusto niya akong patayin. Palaging ganoon. Sabi ng therapist ko ay epekto iyon ng trauma na inabot ko sa kanila ni Mommy. Kung matatanggal pa ba ang trauma sa sistema ko, walang makapagsabi. I ran my fingers onto my hair then clutched onto it. Sakto namang nag-chat si Astrid na kailangan na naming magpalit ng kwarto bago pa man maraming magising na pasahero ng cruise. "We changed your sheets twice, don't worry," ani Astrid pagpasok ko pa lamang ng silid. Malaki rin ang ngisi kaya alam kong masaya ang naging gabi niya. I smiled and gave her the scarf I used to cover my head. "Kita na lang ba tayo sa resto or you'll spend the whole day sleeping?" She laughed softly. Alam kaagad kung bakit ko iyon sinabi. "Let's have breakfast together. Mauna ka na sa resto. I know you like enjoying a nice cup of black coffee thirty minutes before meal so it's fine. Mauna ka na roon at alam mo naman. Matagal akong maligo." "Sure." I helped her with the scarf. "Bilisan mo na lang ang lakad mo para walang makakita." Nagpaalam na siya sa akin. Nang makalabas siya ay sandali akong nagtungo sa balcony para kumuha ng pictures ng sumisikat na araw. I was able to take a few good shots kahit may kalakasan ang alon ngayong umaga. I smiled as I felt free. I've been in a cage for so long that even mornings like this now feels like a gift. Kaya kapag may mga pagkakataon ako ay kinukuhanan ko ng larawan ang mga bagay na nakapagdadala ng kakaibang tuwa sa aking puso. Balak ko pa sanang dagdagan kaya lang ay lumabas si Rafael sa balcony niya na tanging roba lamang ang suot. I could even see his toned chest peeking through his white robe. Ang buhok ay magulo pa at medyo maitim ang ilalim ng mga mata na tila napuyat siya nang husto. He faked a yawn and then c****d a brow as he held onto the railing. "You're very heartless, Miss Magbanua. I had a hard time sleeping last night because you and Captain Guevarra were doing it too loudly. Sana naman hininaan ninyo kahit kaunti? Unless you moaned that loud on purpose?" My cheeks burned. Alam ko naman na hindi ako iyong tinutukoy niya kaya lang nahiya pa rin ako dahil sa isip niya ay ako ang umuungol kagabi. Parang gusto ko yatang kurutin si Astrid. Bakit hindi naman nagtakip ng bibig? Gano'n ba talaga sila kasabik sa isa't isa ng boyfriend niya? Inirapan ko si Rafael at ipinagpatuloy na lamang ang pagkuha ng pictures. "Sorry. Akala ko sound proof, eh." He scoffed. "Kapitan ang ka-s*x mo tapos hindi mo alam?" may kayabangan niyang tanong. Sumimangot ako nang mawalan na talaga ng ganang kumuha ng mga larawan. "Eh, hindi naman siya ang nag-build nitong barko, Atty. Avila. He's just the man steering the helm. Nakatapos ka ng law at pumasa sa board, hindi mo alam 'yong gano'n ka-obvious na bagay?" balik ko. Nayayamot niya akong tinitigan. "Well, if he's really that good with his job, he should know that." Umismid siya. "Unless dinaan sa kagandahang lalake ang job interview, hmm?" I sighed then fake a smile. "Well, if you're a good lawyer, you should've known that helping Dr. Miranda back then would send you to jail. Unless wala ka talagang common sense, Attorney gaya ng hindi mo pagka-gets na hindi naman malalaman ni Croft lahat ng bagay tungkol sa barko dahil hindi naman siya ang nagbuo nito at naglagay sa tubig." I faked a curtsy. "Have a good day." Kitang-kita ko kung papaanong umigting ang panga niya sa inis. Umirap naman ako at bumalik na lamang sa loob ng cabin. Hay. Mukhang tsaa na lang ang iinumin ko ngayong umaga para kumalma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD