Caya
"Oh, ba't naman ganyan ang mukha mo iniwan lang kita sa cabin?" Astrid grabbed the chair and sat. "Did we miss a spot? Did we leave a stain?" halos ibulong niya sa akin.
My cheeks burned as I shook my head. "No. Pero kayo naman kasi ang ingay ninyo kagabi," bulong ko pabalik. "Ang aga ko tuloy nakipagsagutan kay Attorney Avila."
Nalukot ang kanyang noo. "Attorney Avila? Wait, he's not a lawyer anymore, right? After what happened?" tanong niya. Maganda talaga ang mood ngayong araw. Malayo sa panay nakasimangot na Astrid nitong mga nakalipas na buwan.
"Oo, but I prefer calling him that way than by his first name. Naaalala ko lang si Sir John Lloyd. You know we grew up fangirling over him," sagot ko.
Nagpigil ng ngisi si Astrid. "Well, if he didn't come from a family of lawyers, I bet talent managers would've fought over him a long time ago. Balita ko nga ay may nagbalak talagang kumuha sa kanya noon to pose for a magazine but he's not really into stuff like that."
I licked the stain of jasmine tea on my lips. Totoo naman. May itsura naman talaga si Rafael. In fact he's got a James Dean vibe with the way he carries himself. Mapang-akit din kung tumitig at mai-intimidate ka talaga sa presensya niya kung hindi mo lalabanan ang epekto niya.
Maybe if we didn't have a bad history, I'd have a crush on him. Buti na lang din siguro na may pangit na siyang record sa isip ko kaya kahit magaspang ang ugaling ipinakikita niya sa akin ay hindi na ako gaanong na-disappoint.
Captain Guevarra did his morning rounds. Kaya nang matanaw namin siyang papalapit na sa aming mesa ay naputol ang chismisan namin ni Astrid. Meanwhile, I spotted Rafael near the entrance. Nakasimangot pa rin kahit halatang nakaligo na.
Cold shower doesn't work when your ego has been bruised by a five feet and two inches girl in her sleepwear, I guess?
Muntik akong ngumisi kaya lang ay dumapo sa aking direksyon ang tingin ni Rafael. His jaw clenched before he gave me a side eye. Napabuntonghininga tuloy ako. Ang sungit-sungit talaga.
"Good morning, girls," bati ni Croft nang makalapit sa aming mesa. "How's your first night in our ship?"
I pursed my lips to prevent myself from bursting into laugh because Astrid tried her best to keep a straight face. Gusto kong matawa dahil batikan siyang artista pero parang kapag ang boyfriend niya ang kaharap niya ay nakakalimutan niya kung paano ang tamang pag-arte.
That's my reason why I was on the verge of grinning and laughing my ass off, but looks like Rafael has a different idea. Aksidente ko siyang natingnan ulit habang nagpipigil ako ng tawa. Tila sinadya ring dumaan sa aming harap upang magparinig.
"Hay, grabe naman kiligin ang mga may dilig kagabi. How I wish the cabins are sound-proofed so people wouldn't be disturbed in their sleep by R18 noises," aniya. Nagkukunwari pang kausap ang waiter eh halata namang Chinese national ang waiter na kasabay niyang maglakad.
Napakunot ako ng noo habang nakasunod ang tingin ko sa kanya ngunit nang lingunin niya ako ay inirapan pa ako. Mukhang akala yata ni Rafael ay kinikilig ako kay Croft kaya namumula ako't mariing magkalapat ang mga labi.
Hindi ba pwedeng halos hindi lang ako makahinga nang maayos kakapigil ng tawa?
Napasipol si Croft. "Looks like someone got carried away last night. Nakalimutang hinaan ang boses," he joked then tried his best not to laugh while Astrid turned tomato red. "Anyway, enjoy your morning, ladies. Please let us know if fans will harass you."
"I doubt that. Halos limang pinoy pa lang naman ang nakita ko so far. We should be fine, Captain. You may now attend to your other passengers," ani Astrid. Halatang gusto na itong palayasin sa harap namin dahil hindi na nito mapigilan ang pagngisi dahil sa parinig ni Rafael.
I sighed after Croft left. Lumapit ako nang kaunti kay Astrid at bumulong. "Sabi ko sa inyo, eh."
"Sorry," she apologized.
"It's fine," I said then sat properly. Nagtawag naman siya ng waiter habang pasimple kong sinulyapan si Rafael. Kaya lang nang mapagtantong nakatutok pala sa akin ang mga mata niya ay tinaasan ko ng kilay.
Rafael smirked. Tila inaasar ako at sinasabing nakapuntos siya dahil nakapagparinig. Or maybe he thought he managed to expose me to Astrid by making parinig? Hay, naku. Paano ba nakapasa sa bar 'to? He's being immature.
We had our breakfast served but I couldn't focus on my meal. Tila may humahatak sa aking tumingin kay Rafael, at tuwing ginagawa ko iyon, sakto ring napatitingin siya sa aking direksyon. Sabay rin kaming iiwas ng tingin at magpapanggap na hindi naman iyon sinasadya.
Astrid and I was about to finish our food when a bunch of drunk passengers came towards us and started asking if we would like to join them in their cabin. I politely said no but they kept insisting that I should at least go with them if Astrid isn't interested. Lumapit na ang ilang staff para pagsabihan ang mga nangha-harass sa amin ngunit itinulak lamang nila ang waiter na sinusubukan silang pigilan mula sa tangkang paglapit sa amin.
I gasped when the guys started becoming violent towards the other staff. Napatakbo palapit sa aming direksyon si Croft para pigilan ang nagwawalang mga pasahero ngunit talagang nanlaban ang mga lalake.
Muntik silang bumagsak sa aming mesa nang dinamba ng isa sa kanila ang isa sa mga security personnel. Tatamaan sana ako ngunit may biglang humablot sa akin palayo at itinago ako sa kanyang likod.
My heart nearly jumped out of my chest when I realized who it was. Lalo akong natigilan nang harangan niya ang isa sa mga lasing saka mabilis na itinulak.
"f**k off, will you?" pikon na sabi ni Rafael sa foreigner.
The guy smirked. "Look, mate. If that's your girl then I'd leave her alone," anang lalake.
Napalunok ako nang humugot ng hininga si Rafael. Maya-maya ay bigla niya akong hinarap, hinawakan ang likod ng aking ulo, pagkatapos ay hinalikan sa mga labi. It was a quick kiss. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat at nahirapan ang aking utak na iproseso ang nangyari kaya nang umayos siyang muli ng tindig saka hinarap ang lalake ay halos manlambot ang aking mga tuhod.
"There. What else do you want me to do? f**k her right here just so you'd believe and leave her alone, hmm? Putangina kung hindi ko lang kagagaling ng kulungan sinapak na kita," he hissed. Ang mga kamao ay tila kaunti na lang at lilipad na patungo sa pisngi ng lalake.
"Mr. Avila, that's enough. Let my men handle the situation," ani Croft bago nila tuluyang pinagtulungang maposasan ang mga lalake.
Rafael sighed before he turned to me. Nang makitang tila wala ako sa sarili ay ngumisi ang loko kahit bakas pa sa mukha ang pagkapikon sa mga lalakeng nanggulo.
"Pakinamnam na lang, Miss. Hindi na mauulit 'yan," he said. Yumuko rin siya pagkatapos. "You're welcome by the way. Now go find a new cabin and give me the peace I deserve," he whispered then patted my shoulder. He even smirked at me before he walked back to his table as if nothing happened.
Uminit nang husto ang aking pisngi dala ng hiya . . . at inis. What did he say? Welcome? Ako pa ang magti-thank you na bigla na lang niya akong hinalikan?
My fists clenched as I narrowed my eyes on him but he just lifted his cup of coffee and then offered a toast as if he was teasing me.
My lips pursed in annoyance as I glared at him. Antipatiko talaga!