JAILA "Kami na lang yayakap sa iyo, Jai." Napatingin ako kay Piang na palapit sa akin habang nakadipa ang kamay. "Oo nga!" saad naman ni Ysa kaya natawa ako. "Ay! Ayaw niya sa inyo, gusto niya doon sa ex niyang hottie!" usal ni Jake kaya naman sininghalan ko ito ng tingin sabay baling kila papa na nakatingin sa akin at mag bibigay ng titig na 'explain?!' "He's here. Architect ako ng restaurant niya at architect din ako sa renovation ng condo unit niya," pag amin ko kaya naman kan'ya-kan'ya sila ng tanong at pakwento. Pero pinigil ko sila at sinabing kumain muna kami dahil nagugutom na din ako. Mabuti na lang at sumang ayon sila pero hindi nakaligtas ang, 'ikwento mo mamaya ha!' at 'share your blessing dapat!' Meaning ng share you blessing ay ipakita ko ang picture sa kanila. Nakita n

