JAILA "SO anong gusto mong ipabago dito sa unit mo?" tanong ko sabay inom ko sa juice na ibinigay nito sa akin. Matapos kasi ng tanungan ng gusto ay nauwi kami sa juice na lang kesa marami pang tanungan na humantong sa ibanh gusto! "I want to change the color to a child friendly colors, hindi masakit sa mata and safe din sa bata. Ung kwarto sa kanan, I want it to be a nursery room. Pink or any pastel color na pwede sa babae," saad nito. Napahinto naman ako sa pagtitipa nang marinig ko ang sinabi niya. Child friendly? Nursery room? Pastel color na pwede sa babae? May anak na siya? Kaya ba humihingi na siya ng tawad dahil gusto na niyang mamuhay ng masaya sa piling ng mag ina niya? Baka yung babalik sa dati na sinasabi niya ay yung magkaibigan kami? Baka ayon lang iyon? Ilang beses ak

