The Introvert

1777 Words
"She loves the ocean waves, she loves the ocean air, she loves the ocean shore, and she loves every ocean creatures. I don't know exactly who she was, where she came from. But she has these ocean eyes and velvet heart who touches every inch of mine. - ???????? - In the Midst of Ocean Trenches “Ano, nakuha mo ba?” Salubong kaagad sa kanya ng kaibigan nang makabalik siya. Napaupo siya sa malaking taklobo at napasimangot. “Hindi e.” Nanghihinayang na sagot niya. “Bakit naman?” “Nando’n na e. Makukuha ko na sana pero kasi…” “Ano ba ang nangyari?” Takang tanong ng kaibigan at tumabi sa kanya. Napabuntong hininga siya. “Natakot kasi ako, Percula. Baka kung anung gawin sa’kin ng taong iyon.” “Sana kasi nagbalat kayu ka muna bilang tao bago mo hinarap ang mortal na iyon.” “Percula, nasa kanya ang kwentas ko. Sa loob ng dalawampung taon hindi ako nakatuntong sa lupa dahil do’n. Alam mo namang pag ginawa ko iyon malabong makakabalik pa ako rito diba?” “Ay, oo nga pala.” Sang ayun niya. “Pero bakit mo naman kasi ipinasuot ang kwentas mo sa batang iyon? Ikaw tuloy ang nalalagay sa alanganin niyan dahil sa ginawa mo.” Napatingin siya sa mga maliliit na isdang masayang nakikipaglaro sa mga spongha. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon. “Kung hindi ko ginawa iyon mamamatay siya, Percula.” “Asus! Pero bakit nakangiti ka diyan?” Bigla niyang naalala kanina ang batang tinulungan niya noon dalawampung taon na ang nakakalipas. Maliit pa siya dati nang una niya itong nakita pero ngayon malaki na ito, ang tikas, at napakaamo ng mukha. Hindi niya tuloy naiwasang pagmasdan ang batang iyon habang naglalakad ito ng mag isa sa dalampasigan. “Hindi ako binigo ng kwentas ko, inalagaan niya ng mabuti ang batang nailigtas ko, Percula.” Ngiting saad niya at napatingin sa kaibigan. “Hay naku. Alalahanin mo, tao pa rin ang tinulungan mo kaya mag iingat ka, Agua.” Napatango siya. Alam kong hindi sasang ayunan ng kaharian ang ginawa niya. Tanging ang kaibigan niya lang na si Percula ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon. Mortal na magkaaway ang karagatan at ang lupa kaya minabuti niyang ilihim na lamang sa lahat lalong lalo na sa kanyang ama ang kanyang ginawa. Tiyak na magagalit ito kapag nalaman niyang lumabag siya't nagkasala. “Prinsesa Agua, pinapatawag po kayo ng mahal na hari.” Ani ng dalawang bantay na lumapit sa kanila. Nagkatinginan sila ni Percula. Walang imik na sumama silang dalawa. Tahimik nilang sinuyod ang daan papunta sa pinakamalaking silid kung saan ginaganap ang pagtitipun at pagpupulong ng mga sirena, sireno at ng mga siyokoy. Bigla siyang nagtaka nang makapasok sila sa loob. Halos lahat ng mga nilalang ng karagatan ay nandodoon, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba. Lahat sila nakatingin sa kanya habang palapit siya sa trono ng mahal na hari, ang kanyang ama. “Pinapatawag niyo raw po ako.” Nakayukong sabi ko. Mas lalo akong kinabahan nang mapansin ko ang walang emosyong mukha ng hari. “Saan ka nanggaling, Agua?” Nag angat siya ng tingin sa mataray na tanong nang sumalubong sa kanya. Si Inang Orca, ang nakababatang kapatid ng kanyang ama. Napalunok siya bago nagsalita. “Nilibot ko po ang buong pusod ng karagatan, Inang. Sinuri ang bawat korales at mga spongha kung may nasira ba o wala. At... sinigurado kong walang lambat na nakaharang sa bawat daanan ng mga pawikan at lumbalumba pati na rin ng ibang mga isda.” “Sigurado ka?” Nag aalangang tumango siya. “O-opo.” “Napakamaalaga mo namang prinsesa kung ganun.” Aniya. “Lamang dagat ba talaga ang iyon pinuntahan o… taga lupa?” Saglit siyang natigilan sa huling sinabi ng kanyang inang. Nagsimulang magbulong bulongan ang lahat. Napatingin siya sa ama na walang emosyong nakatingin sa kanila. “Napansin ko, hindi mo na sinusuot ang iyong kwentas.” Ani ulit ni Inang Orca habang nakatingin sa leeg niya. Hindi niya alam kung anung isasagot. Sa ikalawang pagkakataon, tumingin siya sa ama na hindi pa rin nababago ang emosyon. Para siyang hindi makagalaw, nangangapa ng sasabihin. Kinukutuban na siya sa maaaring mangyari sa kanya ngayon. Alam niyang may alam na ang kanyang Inang tungkol sa kwentas. Ilang beses na siya nito pinasundan sa mga bantay niya pero palagi niya itong nalulusutan. Palagi siyang nakakagawa ng paraan para hindi siya nito mahuli. At sa tulong na rin ng kaibigan niyang si Percula kaya agad niyang nalalaman ang mga masasamang binabalak nito sa kanya. Masyado siyang mainit sa mata ng kapatid ng kanyang ama. Lagi siya nitong sinisiraan pero hindi niya iyon iniintindi, hinayaan niyang gawin ang gusto nito. Maging sa mga bagay na inilaan ng kanyang ama para sa kanya inaangkin nito. Kahit ang pagiging prinsesa niya, tinututolan ng kanyang inang Orca magpahanggang ngayon. Ayaw nito sa kanya at alam niyang may balak itong patalsikin siya sa pwesto at tanggalan ng karapatan sa buong kaharian ng Mariana. At parang mangyayari na iyon sa araw na ito. “Ngayon, tatanungin kita ‘mahal na prinsesa.’” Nagsalita ulit ang kanyang inang na may kasamang diin. Inikutan niya pa ako na tila ba sinusuri siyang mabuti. “Nasa’n ang iyong kwentas?” Umiling iling si Percula nang sandaling mapatingin siya sa kaibigan. Sinasabi nitong 'wag niyang sabihin kung anu ang totoo. Pero hindi niya ito maitatago kailanman. Lilitaw at lilitaw ang katotohanan. Kahit ilihim niya man iyon ng napakahabang panahon, mabubunyag pa rin ang kanyang itinatagong sikreto. Wala naman siyang intensyong magsinungaling sa kaharian, pero minabuti niya munang huwag sabihin iyon lalo na sa mahal na hari sa pag aakalang mababawi niya iyon sa batang na iniligtas niya. Pero nagkamali siya. Hindi pala ganun kadali ang naisip niya. “Ano Agua, bakit natahamik ka? Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit hindi mo sabihin sa mahal na hari na ibinigay mo sa isang mortal ang kwentas na panghabang buhay!?” Bumilis ang kabog ng dibdib niya. Mas lalong umugong ang bulong bulongan ng lahat. Merong nagulat, merong hindi makapaniwala. Namasa ang mata niyq habang pinagmamasdan ang mga samu’t saring reaksiyon ng mga kapwa niyw sirena dahil sa kanilang narinig. “Patawad po.” Ang tanging lumabas sa kanyang bibig sa harap ng hari. “Binibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag, Agua.” “Hindi na niya kailangang magpaliwanag pa mahal na hari.” Singit ni Inang Orca. “Lumabag siya sa sagradong utos ng ating kaharian. Hindi na niya nirespeto iyon… pati kayo. Nagkasala siya kaya dapat siyang maparusahan! Tama ba ako mga kasama?” Saglit na katahimikan ang nangibabaw at walang ni isang sumagot sa kanya. “Tama ba ako mga kasama!?” Pag uulit na sigaw niya. “Tama mahal na reyna.” Sagut ng pinuno ng mga siyokoy, na siyang tagabantay sa buong kahariang Mariana at malapit sa kay Inang Orca. “Dapat maparusahan si Prinsesa Agua!” Unti unti iyong sinang ayunan ng lahat kahit labag sa kalooban ng iba. Pero may mga nakita siyang malungkot. Si Percula, umiiyak na rin dahil sa nangyayari. Alam nito ang lihim niya at ayaw niyang pati ito madamay sa problema niya. Nginitian niya ang kaibigan para pagaanin ang loob nito. Isa siyang mabuting kaibigan at hinding hindi niya makakalimutan lahat ng tulong na ibinigay nito sa kanya. “Wag kang mag alala, Percula, ayos lang ako.” Bulong niya sa isip nito. Umiling iling si Percula at patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya rito bago siya muling humarap sa mahal na hari. “Totoo po ang sinabi ni Inang Orca. Tumulong po ako sa isang mortal. Ipinasuot ko sa kanya ang aking kwentas upang madugtungan pa ang kanyang buhay.” “Tao iyon, Agua. Mortal na kalaban natin.” Bakas sa mukha ng hari ang pagkadismaya. “Pero isa lang po siyang batang puslit na walang alam sa nangyayari sa mundo, mahal na hari.” Di niya napigilan ang sarili niyang magdahilan. “Kahit na, Agua! Mortal pa rin iyon at isang traidor!” Biglang nayanig ang buong kaharian dahil sa pagtaas ng boses ng hari. Napayuko siya. “Kahit anumang parusa ang ibibigay niyo tatanggapin ko. “Ako po’y nagkasala, patawad… aking ama..” “Bakit mo nagawa ito?” Gumaralgal ang boses ng hari dahilan ng unti unting pagtulo ng mga luha niya. Nararamdaman niya kung anung nararamdaman ng hari ngayon. Labis niya itong nasaktan dahil sa napakalaking kasalanang nagawa niya. Gustohin man ng ama niya na manatili siya sa kaharian pero wala itong magagawa. Kahit anak pa siya ng isang hari kailangan niyang managut at makatanggap ng parusa. Gusto niya ring maging patas ang lahat. Ayaw niyang gamitin ang kapangyarihan niyang bilang isang prinsesa para lang mahugasan ang sarili niyang kasalanan. “Mga bantay! Anu pa ang hinihintay ninyo?” Nangibabaw ang boses ni Inang Orca. “Dakpin niyo na ang traidor na ito at itapun sa pinakamalalim at pinakamadilim na disyerto.” “Agua!” Sigaw ni Percula. Akma sana itong lalapit sa kanya pero hinarangan ito ng dalawang siyokoy. “Wag kang mangialam dito, Percula, kung ayaw mong pati ikaw itatapon din!" Agad niyang pinigilan ang sasabihin nito. “Percula, ‘wag. Ayaw kong pati ikaw madamay. Huwag mo ng sabihin ang gusto mong sabihin, pakiusap.” Anito sa isip ng kaibigan. “Bigyan niyo po ako ng pagkakataong mayakap si Agua.” Pakiusap ni Percula. Tututolan pa sana ito ni Inang Orca pero naunahan na siya ng mahal na hari. Agad na lumapit ang kaibigan niya sa kanya at niyakap ito nang mahigpit. “Pakiusap, iligtas mo ang sarili mo, Agua.” Basa niya sa isip nito. Naramdaman niyang pasimple itong may inilagay sa buhok niya bago sila pinaglayo ng mga bantay sa isa't isa. Isa iyong malilit na kabibe na palamuti sa buhok. “Gamitin mo ‘yan sa oras ng iyong pangangailangan, Agua. Mag iingat ka.” Huling sinabi nito sa isip niya bago siya kinuha ng mga bantay. Napatingin siya sa hari sa kahuli hulihang pagkakataon. Gusto niya ring basahin kung anung nasa isip nito pero nabigo siya. Sadyang ipinikit nito ang mga mata para wala siyang makuha ni isang salita mula rito. Di niya naiwasang manlumo, nakakalungkot isipin na aalis siya sa kahariang ito na walang naririnig galing sa kanyang ama. Kasalanan niya, nasaktan niya ito ng husto. “Paalam.” Huling namutawi sa bibig niya bago siya ikinulong sa malaking taklobo at inilayo sa kaharian para itapon sa masukal at madilim na parte ng karagatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD