Chapter 2

2575 Words
BUMALIK ako sa Marina Custada para sa muling pagpapatayo nito. Ayun sa mga pulis, nagsimula raw ang sunog sa kitchen area. Naiwang nakabukas ang gas stove na siyang pinagmulan ng sunog. Mahigit kalahati ang nawala sa resort at kailangan kong maibalik iyon sa lalong madaling panahon. Marina Custada is one of the top tourist spot here in the Philippines. A paradise resort called by many dahil sa magagandang view nito. And ‘till now, meron pa ring mga tumatawag for reservations of rooms and cottages at karamihan sa mga iyon ay foreigner na wala pang alam tungkol sa nangyari sa resort. Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang buong Marina. Nakausap ko na ang kilala kong engineer at next week pa masisimulan ang paggawa ng resort na ito. Hindi ko maiwasang manghinayang lalo na’t karamihan sa mga gamit na nasunog ay pawang antigo at galing pa sa mga magulang ko. “Sir Hecthore, hindi pa po ba tayo aalis?” Tanong ni Vien habang may hinihilang sako. Mga gamit iyon na hindi nadala sa sunog na kusa kong itinabi kanina. “Mauna ka na.” “Ha? Eh, pa’nu ‘to, 'sir'?” Tanong niya tungkol sa sako. “Call the driver. Dalhin niyo na lang ‘yan pauwi sa bahay.” “Eh… ikaw?” “Magpapaiwan ako rito.” Tipid na sagot ko. “Dito ka ba magpapalipas ng gabi, sir?” Hind ako sumagot pero sadyang madaldal itong si Vien at hindi ito titigil hangga’t ‘di ko nasasagot ang mga tanong niya. Tumabi siya sa’kin, “Dito mo ba ipagpapatuloy ‘yung ‘vacation leave’ mo?” Anas niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Akala ko kasi sir nasa states kayo e.” Ngisi niya, halatang inaasar ako. Kung hindi ko lang pinsan ‘to, masasapak ko talaga ‘to kahit babae pa ‘to. “Grabe ang lapit ng states nu? Biruin niyo, wala pang trenta minutos nakarating ka kaagad dito.” “Pwede ba, umuwi ka na.” Inis na sabi ko. Natawa siya. “Ito naman, nagtatanong lang po, SIR.” “Nang aasar ka e.” “Akala ko kasi states, villa lang pala.” Ngisi niya. “Hindi natuloy ang flight ko sa states because of some issues. At hindi ko iyon sinabi, LALO NA SA’YO kasi ayoko ng istorbo.” Mahina siyang natawa at umiling iling. “You’re sick, Hecthore. You’re really really sick.” “Mas malala ka, Vien.” “Baliw!” HInampas niya ako sa braso. “Sige na nga, alis na ‘ko. Sigurado kang magpapaiwan ka, ha? Wala ka ritong kasama. Bahala ka. Mag ingat ka na lang.” Aniya bago tuloyang umalis. Napaismid ako habang tinatanaw siya papalayo. Mas mukha siyang baliw habang hinihila niya ‘yung puting sako. Natawa ako sa isiping iyon. Who would have thought that I have Vien in my life despite of my cold and reckless attitude. I’d never been alone because of her. Siya ‘yung tumayong ate ko at naging kakampi ko, hindi niya ako iniwan. Talagang tiniis niya ang ugali ko para samahan ako hanggang sa nasanay na lang siya ‘di kalaunan. Hindi ako mabait na tao kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw sa’kin ng mga relatives ko, lalo na ng mga kapatid ni daddy. Ako pa nga ‘yung sinisisi nila do’n sa paglubog ng barko dahil isa raw akong malas. For almost thousands of people had been there, I was the only one who survived. At bakit ako lang? Bakit ako pa? Why I am still alive? Is there anything in this world that I need to fill up? Ano pa ba ‘yung kulang? Lahat naman na ginawa ko na pero pakiramdam ko wala pa rin akong silbi. Napaupo ako sa semento at napasubsob sa dalawang palad ko. I always want to take a rest pero hindi ko magawa dahil sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko gusto ang nangyayari sa buhay ko. Am I given a chance to live again just to suffer in this kind of pain? “Damn! I’m tired.” Naisatinig ko. Nanatili ako sa ganung sitwasyon. Sobrang tahimik ng paligid. Tanging hampas lang ng alon ang naririnig ko mula sa dagat. Malapit ng mag gabi pero wala talaga akong balak umalis. Napagdesisyunan kong manatili muna rito. Mas mabuting nandito ako, matatahimik ang isip ko. May bahagi pa ng resort ang hindi nasunog, may iilang kwarto pa ang natira. Pinaalis ko ang gwardiyang nagbabantay, ako na muna ang tatao rito. Besides, gusto ko ring mapag isa at ayoko ng istorbo. “Ah!” Bigla akong napaangat ng tingin nang makarinig ako ng impit na boses ng isang babae. Parang nasa malapit lang. Napatayo ako at napatingin sa paligid . Nakarinig ako ng mga kaluskos at parang nanggaling iyon sa isa sa mga cottage na hindi totally nasunog. Nagsalubong ang kilay ko habang papalapit ako sa cottage. I used the light of my phone nang makapasok ako. “Oh, s**t!” Nagulat ako nang biglang may tumalon na pusa sa’kin. Dahil sa gulat ko, nawalan ako ng balanse at natumba. Inis akong bumangon at pinagpagan ang pants na suot ko. Nagkaroon pa ng crack ang cellphone ko nang mabitawan ko iyon kanina. Damn that cat! SUMAPIT na naman ang gabi at pasado alas diyes na. Nakahiga na ko sa kwarto pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakailang posisyon na ko sa paghiga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakapikit nga ang mga mata ko pero gising na gising naman ang diwa ko. Lumabas ako ng kwarto para magpahangin. Bilog ang buwan kaya kitang kita ang pagkinang ng karagatan. Nagtagal ako ng ilang sandali sa pagtingin sa kalangitan. I love watching every single thing in the sky. I considered this as one of my hobby when I can’t fall asleep at night. Sa bawat gabi kasi na dumadaan sa buhay ko mas tumitindi ang lungkot na nararamdaman ko. Mas lalo akong nawawalan ng gana mabuhay. Nakalimutan ko na kung paanu ba maging masaya. My life is kinda boring, there’s no thrill, there’s no excitement. And I really wish to die now. Lumapit ako sa dagat. Napatingin ako sa mga paa ko bago ko iyon inilubog sa tubig. Habang palayu ako nang palayo, palalim din nang palalim ang nilalakaran ko. Hanggang sa umabot iyon sa leeg ko at wala na akong maapakang buhangin. Nagsimula akong magwala nang bigla akong mapunta sa ilalim ng tubig. “Mommy! Daddy!” Para akong bumalik sa nakaraan. Ang mga nangyari dalawampung taon na ang nakakalipas tila pinapanood ko ngayon. Kitang kita mismo ng dalawang mata ko ang mismong sarili ko kung paanu ako nalulunod habang paulit ulit kong tinatawag ang mga magulang ko. Gusto kong lumapit pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko na rin kayang pigilan ang paghinga ko. Gusto kong umalis, gusto kong umahon. Ayokong makita ang sarili kong nanghihina at nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Sa kagustuhan kong makalanghap ng hangin, tubig ang naiinum ko. Hirap na hirap na ako at kapos na sa hangin. Napatingin ako sa liwanag na nagmumula sa taas. Parang napakalapit lang ng buwan kaya itinaas ko ang kamay ko para abutin iyon. Sa unti unting pagpikit ng mga mata ko, isang babae ang nakita kong papalapit sa’kin at inabut ang kamay ko bago ako nawalan ng malay. DAHAN DAHAN kong iminulat ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang nakikita ko kaya bahagya akong napakurap. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansing wala ako sa resort. Puro kabatuhan ang nakikita ko at nakahiga ako sa puting buhangin. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. How come na nagising pa ako pagkatapos ng nangyari? Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng kirot. Tuyo na ang basa kong damit pero nakakaramdam ako ng kunting ginaw. Akma na sana akong babangun pero nagulat ako nang may tumambad sa paningin kong isang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakahubo’t hubad pa ito. Ngiting lumapit pa ito sa’kin pero dali dali akong lumayo. “N-no!” Halatang nagulat siya sa inasta ko. “Hanggang diyan ka lang.” Tigil ko sa amba niyang paglapit ulit. Sumunod siya sa sinabi ko. Tumigil nga siya at diretso akong tiningnan sa mga mata. I don’t know why, pero nakaramdam ako ng pagkailang kaya napaiwas ako ng tingin. Damn! She’s standing in front of me naked. Sino ba ang hindi maiilang? Halos detalyado kong nakikita ang lahat. Sunod sunod akong napalunok. Hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko ngayon kaya kailangan ko ng makaalis dito. Dali dali akong tumayo at malalaki ang mga hakbang ko sa paglalakad. Wala sa sariling napalingon pa ako sa babae, hindi ko na siya nakita. Pero ng pagharap ko halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ko siyang nakaharang sa dinadaanan ko. Shit! I accidentally looked at her up and down. Nakaramdam ako ng inis. “Who are you? Sinusundan mo ba ako?” Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. “Saang lupalop ka ba nanggaling bakit nakahubad ka? Hindi ka ba nahihiya may nakakakita niyan?” Paasik na sabi ko at nag iwas ng tingin. Pero ilang sandali na ang nakalipas wala akong narinig mula sa kanya. Tahimik pa rin siya. Inis akong napabuga ng hangin. “Ano, wala kang sasabihin? Are you deaf?” “...” Hinubad ko ang t-shirt na suot ko sabay hagis sa kanya. “Wear that.” Ani ko sabay talikod. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin, nasa likod lang pala ako ng isla kung saan nakatayo ang resort. Nakakapagtaka lang, malayong malayo na ako sa resort kagabi kaya paanung--- Natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Bigla kong naiwaksi ang kamay niya dahilan para matumba siya. Honestly, nakunsensya ako nang makita ko ‘yung pagguhit ng sakit sa mukha niya. “What do you want, huh?” Damn! Imbes na magalit ako nakaramdam ako ng awa. Hindi ko alam, but she looks very very innocent. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinutulongan siyang makatayo. At hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano nang mapansin ko pang hindi tama ang pagsuot niya sa t-shirt na ibinigay ko kanina sa kanya. ‘Yung kabilang manggas ng damit ‘yun yung nasa leeg niya. Ang weird. “I’m so sorry for what I did. Nabigla lang ako.” I tried to make myself calm and just be nice but… “Can you please speak!” Bigla na namang tumaas ang boses ko. She’s only looking at me na para bang kinakabisa niya lahat ng anggulo ng mukha ko. She’s really quiet all the time. Hindi ko alam kung pipi ba siya o bingi kasi hindi naman siya nagsasign language. Basta lang siya nakatingin sa’kin at ako naman palaging napapaiwas. “Ano bang pangalan mo? Saan ka ba nanggaling? Saan ka ba nakatira, ha? Sabihin mo sa’kin, ako na maghahatid sa’yo.” Parang biglang umurong ‘yung dila ko nang mapagtanto ko kung anong mga sinabi ko. Seriously, Hecthore? “Ah, I mean. . .” Bigla niyang itinuro ang karagatan. Pagkatapos, ako. Sunod, ay ang sarili niya. “Ha?” Napakunot noo ako. Inulit niya ang pagturo sa karagatan, sa akin, at sa sarili niya. “W-wait. . . wala akong naintindihan.” Nagugulohang sabi ko. Pinagmasdan ko siya habang nakatingin siya sa dagat. Kanina pa ako nagtataka sa babaeng ito. Parang may kakaiba sa kanya pero hindi ko lang matanto kung anu. She’s really weird. Para siyang alien. “If you don’t mind, aalis na ako.” Basag ko sa ilang saglit na katahimikan. Masyado ng mataas ang sikat ng araw at masakit na sa balat. “Kung gusto mong manatili rito, iiwanan na lang kita.” “Sandali.” Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong natigilan. Patakbo siyang lumapit at humarap sa’kin. Ngumiti siya sabay lahad ng kamay niya. “Ako si Agua… p-pwede ba tayong maging magkaibigan?” I was stunned on what she did. Hindi ko alam kung anu magiging reaksiyon ko sa mga oras na ‘to. I don’t know how I will respond. ‘Cause honestly, first time may nag alok sa’kin para maging kaibigan niya. I don’t have any friends actually, ‘cause I don’t want to have one. I’m an introvert person, so mingling and socializing with other people isn’t my thing. Hindi ako nakikipagplastikan sa iba. If I don’t like that person, I will not talk to him. I am not approachable kaya tingin sa’kin ng lahat suplado ako. Well, that’s true. Mabilis uminit ang ulo ko at masama akong magalit. I can transform into monster when my anger hits me really hard. Nagwawala ako kaya marami ang natatakot. Napaismid ako at nilampasan siya. “No, I don’t want you to be my friend.” “Bakit?” Sumunod siya. “Bakit mo ko tinalikuran? Hindi mo ba ako gusto maging kaibigan?” Umiling ako. “Mabait naman ako. Ikaw, mabait ka ba?” “Hindi.” “Bakt hindi?” “Dahil hindi.” Malapit na ako sa resort at nakasunod pa rin siya sa likod ko. “Teka nga.” Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Saan ka ba pupunta? Bakit sunod ka nang sunod sa’kin?” “Nakatira ako sa pinakamalayo at pinakamalalim na parte ng mundong ‘to.” “Ha? Pinakamalayo at pinakamalalim?” Pagtatakang usal ko. “Naparusahan kasi ako at. . . dito ako napadpad.” Nagsalubong na naman ang kilay ko. “Naparusahan ka at dito napadpad? Eh, bakit wala kang damit?” “Damit?” “Oo, damit. Proteksyon sa katawan at para matakpan ang hindi dapat makita.” “Proteksyon? Eh… kaliskis lang naman ang meron ako e.” Nawewerduhang tumingin ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to? “Nagpapatawa ka ba?” Umiling iling siya. Napaismid ako. Mukha siyang inosenteng bata pagnagsalita. Parang walang kamuwang muwang sa mundo. O siguro, baliw lang ‘to. “You know what… just stay away. Huwag mo akong susundan at huwag na huwag mo kong kakausapin, okay? We’re not friends.” Seryosong sabi ko sabay talikod. Nakarating na ako sa resort. Papasok na ako sa kwarto nang mapansin ko through my peripheral vision na merong tao. Nalukot ang mukha ko nang paglingon ko ‘yung babae pa rin ang nakita ko. “Ikaw na naman?” Dali dali akong lumapit at hinawakan siya sa braso. “Diba sabi ko sa’yo ‘wag mo kong susundan?” Nagalit ako at patulak siyang binitawan. “Paumanhin.” Napayuko siya. “Wala akong mapuntahan.” “Well, that’s not my problem kung wala kang mapuntahan. And if you want to ask for help hindi kita matutulongan.” “Pakiusap.” I saw tears from her eyes. Hindi ko alam pero sa simpleng pagluha niya may kung anung humaplos sa puso ko. But no. I don’t know her. Baka isa ito sa technique niya parang mangbudol. Maybe she was using her body and her face to stunned others and to do what she had planned to do. “Maawa ka.” I just smirked on what she said. “I don’t have that.” Huling sinabi ko sa kanya bago ako tuloyang pumasok sa cottage. Nilock ko ang pinto at sinilip siya sa may bintana ilang saglit ang lumipas. But curiosity hits me. Ba’t ang bilis niyang nawala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD