Chapter 1

1729 Words
“Wag kang mag alala, ililigtas kita." — BIGLA akong napabalikwas nang bangon nang makarinig ako ng sunod sunod na pag ring ng telepono. Inis akong napabuntong hininga at napahilamos sa mukha bago sinagot iyon. “Who’s this?” “Hello, sir. Good morning. Sorry sa istorbo.” Nangunot ang noo ko nang makilala ko ang boses ng sekretarya ko sa kabilang linya. “Did you just forgot what I told you?” Sarkastikong sabi ko. “I’m so—” “Diba sabi ko, I don’t want any phone calls about business matters right now. I’m on a vacation to unwind and to relax my mind kaya ayoko muna makarinig ng problema at sakit sa ulo. So please, kung anu man ‘yan, sa pagbalik ko na lang.” “Pero sir, this is an emergency.” “Then think of solution.” Nasa tono na ang pagkairita ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Sir, nasusunog po ang Marina Custada. Paanu ko ba masusulusyonan iyon?” Bigla akong natigilan dahil sa narinig. “What?!” “Nasusunog po ang resort ninyo, sir, at dalawa na sa mga cottage niyo ang natupok na ng apoy.” “What the hell?” “Hindi ko po alam kung anung gagawin ko. Marami pa naman tayong guests ngayon.” Tiim bagang napahilamos ako sa mukha. “Secure their safety, Vien. Just make sure na walang masasaktan sa kanila. Papunta na ko diyan.” Nagmamadaling sabi ko at agad na pinutol ang linya. MABILIS akong nakarating ng resort. Maraming mga tao ang nasa labas, nagkakagulo. Hindi pa rin naaapula ang apoy at tila mas palaki pa ito nang palaki. May mga ipinapasok na rin sa loob ng ambulansya kaya dali dali akong lumapit para tingnan ang kalagayan nila. “How’s he?” Pag aalalang tanong ko. “Don’t worry, sir. Nagkaroon lang siya ng first degree burn at nawalan ng malay.” Sagot ng paramedic. “Wala bang malalang nasaktan?” “Mga gasgas lang at sugat sa katawan ang natamo ng iba pang pasyente. Mabuti na lang maagang nalaman na nasusunog ang resort kaya agad nakalabas ang mga tao sa loob.” Napabuga ako ng hangin dahil sa kaginhawaang naramdaman ko. “Mommy!.. Mommy!…” Nagsalubong ang kilay ko nang makarinig ako ng boses ng isang bata. “Did you hear that?” Tanong ko sa kausap ko. “Ang alin, sir? “May umiiyak na bata.” Napansin ko ang naging reaksiyon ng paramedic maging ng mga pulis na lumapit sa’min. “Akala ko ba nakalabas na ang lahat at wala ng natitira sa loob?” “Yes, sir. We secured all the area. Chineck rin po namin ang bilang ng mga guests na nagcheck-in sa resort, and they are all safe na nakalabas.” Sagut ng isa sa mga police. “Mommy!… Mommy!..” Narinig ko ulit ang boses ng bata. Taka akong tumingin sa kanila. “Meron pang bata sa loob. He’s asking for help, hindi niyo ba naririnig? O sadyang nagbibingi bingihan lang kayo dahil ayaw niyo nang bumalik do’n sa loob?” They are all stunned on what I said. “Ayusin niyo mga trabaho niyo.” Galit na sabi ko at iniwan sila. Hinanap ko ang boses ng bata. Pinigilan pa ako ng mga pulis na pumasok sa loob pero nagmatigas ako. I know it’s really dangerous pero kailangan kong mailigtas ang bata. Nakakapagtaka lang na kanina ko pa sinasabi na meron pang natitira sa loob ng resort pero parang hindi sila naniniwala. And it’s really impossible na ako lang ang nakakarinig sa iyak niya. Hinubad ko ang t-shirt na suot ko at binasa iyon sa tubig-dagat. Dali dali ko itong ipinulupot sa ulo ko. ‘Yung kumot na hawak ng isa sa mga guest hiniram ko, binasa ko rin iyon bago ako napasugod sa loob. Sobrang kapal ng usok kaya nahihirapan ako sa paghahanap ng madadaanan ko. “Hey! Where are you!?” Sigaw ko. Sunod sunod akong napaubo dahil sa usok na nalalanghap ko. “I’m here to help you.” Tatlong cottage na ang natupok ng apoy. Napasok ko ang ikaapat at lima na unti unti na ring nasusunog pero wala akong batang nakita. Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa napadpad ako sa lobby ng resort. Masyado ng lumalagablab ang apoy pero hindi ako nakaramdam ng init. Dahil na rin siguro sa kumot na talukbong ko kaya wala akong naramdaman. “Mommy…” Nakarinig ako nang iyak. Tila galing iyon sa loob ng opisina ko kaya nagmadali ako. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto niyon pero napaatras ako nang bigla na lamang may nagsipaglaglagang mga apoy at kumalat iyon sa sahig. I don’t know what to do now, napakadelikado kung magpapatuloy ako sa pagpasok sa loob. Pero sa kagustuhan ko na mailigtas ang bata, patakbo kong sinalubong ang apoy. Kumuha ako ng bwelo para mabuksan ang pinto ng opisina. “Bata, nasa’n ka?” Hinihingal na sabi ko. “Mommy… help~” Nanghihina ng sabi ng bata at napaubo dahil na rin sa usok na nalanghap nito. Nakasiksik siya sa isang sulok habang nakayakap sa dalawang tuhod. Hindi agad ako nakalapit sa kanya dahil napapaligiran na siya ng apoy. Napatingin ako sa paligid, puro apoy na ang nakikita ko at wala na akong posibleng madaanan pa. Tanging ang basang kumot na hawak ko na lang ang ipinanggamit kong pamatay sa apoy na namamagitan sa’ming dalawa. Inabut pa ako ng ilang minuto dahil do’n. Nabawasan kahit kunti kaya agad akong lumapit sa kanya. Binalut ko sa katawan niya ang kumot bago ko siya binuhat. “Don’t be scared.” Bulong ko sa bata at dali daling lumabas. Napahinto ako sa pagtakbo nang makitang wala na kaming madaanan. Nilalamon na ang buong paligid ng apoy at wala na akong maisip na paraan kung paanu kami makakalabas. Pinagpapawisan na ako at tuyo’t na ang lalamunan ko. Hinihingal habang nakatingin sa apoy na palapit nang palapit sa’min. Mahigpit kong niyakap ang bata. I covered my body around her. Unti unti kong ipinikit ang mga mata ko at hinintay ang pagdampi ng init sa katawan ko. But it wasn’t happened. I heard some splash of water na agad na ikinamulat ko. Nanlaki bigla ang mata ko nang makitang wala ng apoy sa buong paligid. What happened? Pero hindi ko na muna pinagtuunan ng pansin iyon. Patakbo akong lumabas habang karga ang bata na wala ng malay. “Help!” “Oh my gosh, sir!” Si Vien na dali daling lumapit sa’min kasunod ang mga taga ambulansya. Ako na mismo ang naglagay sa bata sa stretcher. Masama ang tinging ipinukol ko sa mga pulis na tila hiyang hiyang humarap sa’kin. “We need to check on you, sir.” “No need.” Tanggi ko sa paramedic na lumapit sa’kin. “I’m okay. Pagtuonan niyo ng pansin ang bata dahil matagal ‘yang nasa loob.” Seryosong sabi ko saka sila tinalikuran. Sumunod sa’kin si Vien. “Mabuti na lang walang nangyari sa inyong masama, sir. At mabuti na lang nailigtas niyo ‘yung bata.” Napabuntong hininga ako at napatingin sa buong resort. What happened earlier was unexplainable. Sobrang kapal na ng apoy kanina para maapula pa ng mga bombero. Hindi ko alam kung paanu ba nangyari iyon. How could a splash of water put off the fire in just a second? Pumikit lang ako nawala kaagad ang apoy nang ganun kabilis? Impossible “Thank you for saving my daughter, sir.” Masyado akong lutang nang may babaeng biglang bumulaga sa dinadaanan ko. Saglit akong napapikit para itago ang pagkagulat ko. “Utang ko sa inyo ang buhay ng anak ko.” “Nasa’n ka ba nang mangyari ang sunog?” “Umuwi muna ako sa bahay para kunin ‘yung—” “At iniwan mo ang anak mo?” Salansa ko sa babae. “Y-yeah. I left here pero iniwan ko siya sa yaya niya.” Umigting ang bagang ko. “Sa susunod ‘wag mong iwan kung kani kaninu ‘yung anak mo. ‘Wag mong iasa sa iba ang pag aalaga sa kanya. You’re the mother, so be responsible.” Walang kaemo emosyong sabi ko. Napansin kong natulala ang babae pero hindi ko na inintindi iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na rin sumunod sa’kin pa si Vien dahil binigyan ko siya ng makahulugang tingin bago niya pa gawin. Gusto ko muna mapag isa. Ayoko muna humarap sa kahit na kaninu. Si Vien na muna bahala sa pakikipagusap sa mga pulis. Pagod ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo ngayon basta lang akong naglalakad sa tabing dagat at tila wala sa sarili. I walk in the seashore with my barefoot, wala ring suot pang itaas. I just want to breath some fresh air. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga nangyayari sa’kin. Hanggang kailan kaya matatapos ang kamalasang ‘to? Two of my resorts have been shutdown due to lack of facilities. Hindi na rin gaanung dinadayo ng mga turista kaya ipinasarado. And Marina Custada is the only one left, the resort that I really handled with care dahil galing pa ‘to sa mga magulang ko. Isa ito sa pinakamatandang resort na pinapatakbo ko. But now— I just don’t get the point why this is happening to me. I admit, I’m not really good when it comes to business pero ginagawa ko lahat ng makakaya ko para sa ikabubuti at kapakanan ng resort. But why is it I ended up failed? Is there something wrong with me? Bigla akong napatingin sa unahan nang may napansin akong gumalaw sa tubig. Dali dali akong lumapit sa pag aakalang malaking isda lang iyon. I saw a navy blue tail of— hindi ko alam kung anung klaseng isda ito dahil nakatago ang katawan nito sa malaking bato pero sigurado malaki ‘to. Mababaw lang naman ang tubig kaya hindi ako nangambang lusongin iyon. Dahan dahan akong lumapit sa buntot na nakita ko pero nagulat ako nang bigla akong natumba. Parang biglang niyanig ang inaapakan ko nang biglang humampas sa tubig ang buntot at mabilis na nawala na parang bula. Nagsalubong ang kilay ko. Ilang beses akong napakurap kurap para patunayan sa sarili kong hindi ako namalik mata. May buhok ang isda at may mga kamay. I really saw it with my two eyes. D*mn! Did I saw a...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD