One

1876 Words
"Tay mano po. Papasok na po ako sa trabaho. Pinagluto ko na po kayo ng almusal nyo." Nag-mano ako kay Tatay at hinalikan siya sa pisngi. Busy ang tatay sa pag-aalaga ng mga halaman niya. Iyon nalang kasi ang pinagkaka-abalahan niya mula ng iwan siya ng Nanay ko na sumama sa ibang lalaki. "Mag-iingat ka anak." Ngumiti siya--- umamba siya na guguluhin na naman ang buhok ko kaya umiwas na ako agad. "Sige na 'tay. Guguluhin nyo na naman po ang buhok ko eh." Lumabas ako ng gate at naglakad na patungo sa may kanto para mag-abang ng masasakyan na jeep. Ganito ang buhay ko araw - araw. Tatlong taon na akong nagtatrabaho sa isang Real Estate Company na pagmamay-ari ng mga De Veyra. Isa sila sa pinakanamamayagpag sa larangan ng Real Estates. May halos 48 branches na sila sa buong Pilipinas. Isa din ang De Veyra Homes sa nagpayaman sa mga De Veyra. Mass housing kasi iyon, Murang Pabahay kumbaga. Layunin nila na matulungan ang mga mahihirap at mga nangungupahan na magkaroon ng sarili nilang bahay. Nakita ko si Jace na papadating sakay sa itim niyang Ducatti. Tumigil siya sa harapan ko at inabot sakin ang isang helmet. "Naabutan na naman kita." Inirapan ko siya. Ang sabihin niya talagang inaabangan niya palagi ang pagpasok ko. Si Jace Constantino ay kababata ko, mula pagkabata magkasama na kami. Halos saulo na namin ang isa't - isa. Pati ata pag - utot niya alam ko na ang amoy. Katulad ko sa De Veyra Homes din siya nagtatrabaho bilang Engineer. Sabay kaming nag-apply at sabay din kaming natanggap noon. Sumakay ako sa motor niya at sinuot ang helmet ko. Halos araw araw naman na inaabangan niya ako sa pagpasok simula nung binili niya ang motor niya ay sabay na kaming pumapasok. Pabor naman sakin iyon dahil nakakatipid ako sa pamasahe. Pangdagdag na din iyon sa pambili ng gamot ng Tatay. "Dito nga sabi ang hawak.." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bewang niya. "Aso ka ba? Bakit sa balikat ka kumakapit." Nakayakap ako sa bewang niya at nakasandal sa likod niya. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango. Ang bango talaga ng bestfriend ko! Pinaandar na niya ang motor-----ako naman ay ninanamnam lang ang sandali. Bihira kasi akong magkaroon ng pahinga. Sa opisina kasi ay madalas busy kami, na halos pati sa bahay ay nagtatrabaho pa din ako para gumawa ng files, reports at kung ano ano pa. Nakakapagod. Pero wala ka naman magagawa, alipin ka ng trabaho. Kasi kapag mahirap ka, wala kang choice kundi tanggapin iyon at magtrabaho. Madalas kasi kung sino pa iyong may mahihirap na trabaho sila pa ang mga underpaid. Nakakalungkot lang isipin. Hindi ko namalayan na nakadating na pala kami sa opisina. Bumaba ako at binalik kay Jace ang helmet. Sabay kaming pumasok, pero dahil magka-iba naman kami ng department ay naghiwalay din kami pagpasok ng building. "Sabay tayo sa lunch ha?" Hinalikan ni Jace ang noo ko. Iyon ang palagi niyang ginagawa bago kami maghiwalay at magtungo sa kanya - kanya naming department. Kaya ang akala talaga nila ay mag - jowa kami. Wala tuloy nangingiming lumapit o magtangka sa akin. Pero okay na din iyon dahil wala pa din naman sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend. Halos takbuhin ko ang distansya patungo sa elevator. Papasara na kasi iyon. Medyo matagal kasi ang elevator dito bumaba ulit. "Gotcha!" Napapdyak ako at nagsuper hero pose ng makapasok sa loob ng elevator. Ang galing mo talaga Andi! Da best ka talaga bakla! Mukhang hindi makapaniwalang tumingin sakin ang isang lalaki na kasabay ko sa loob ng elevator. Nakasuot siya ng hapit na polo shirt na itim. Hakab na hakab doon ang muscles niya. Tinernuhan niya iyon ng itim din na pantalon tapos ay itim din na rubber shoes. Black is  my happy color ampeg lang koya? Mas nakadagdag pansin ang earing niya sa isang tenga na kumikislap. Medyo rugged ang itsura niya, may mga stubbles kasi siya sa mukha. Matangkad din siya----wari ko ay nasa 6 foot ang binata. Tumungo ako sa pag-eeksamina ng mukha niya. Matangos ang ilong niya at makapal ang kilay, medyo singkit siya at may manipis na pulang pulang labi. Hindi ko mapigilan na hindi mapakagat labi. Ano kayang feeling kapag hinalikan ako nito? "Are you done fantasizing me?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa hiya. Agad akong napayuko. Bakla nakakahiya ka! Landi mo! Babaeng marangal ka dapat! Napakagat - labi ako ulit tapos ay tinakip ang kamay ko sa mukha ko. Bigla ay ang init init ng mukha ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nakakahiya lalo kasi tama naman siya pinagpapantasyahan ko talaga siya. "I'm used to it, Madami talagang naii-starstruck sa kagwapuhan ko. So yeah, I understand you." Tinapik niya ang balikat ko. Para naman akong nakuryente. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Bakla may sparks! Kaso bakla ang yabang. So it's a no for me. "Hindi kaya kita tinitingnan, at hindi ako nag-gwapuhan sayo for your information lang Mister!" Inirapan ko siya. Napaka-yabang naman. Oo nga't gwapo siya pero napaka-hambog naman ata ng datingan niya. Inis na lumayo ako sakanya. "Guilty much 'huh?" Naka-ngisi niyang tugon. Halatang nang-uuyam. "Ssibal." Inis na sigaw ko sakanya. Nakaka'bwisit siyang nilalang! "Na do." Nagulat ako nang sumagot siya. Sakto ang pagbukas ng elevator. 11th floor na pala. Lumabas na siya.. Kita ko ang ngisi sakanyang labi. Inis na nagpadyak naman ako kasabay ng pag-sara muli ng pintuan ng elevator. ************** "Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Natatawang puna sakin ni Margaret. Si Margaret ang kaibigan ko sa opisina. Parehas kaming bente singko at Batangueña. Ang pinagkaiba lang ay may asawa at anak na siya. Inis na binagsak ko ang bag ko sa table ko. Binuhay ko ang computer ko tapos ay hinarap si Margaret na ngayon ay umupo na sa tabi ko. "May demonyito lang na mahangin aking nakasabay kanina sa elevator pero ayos lang. Sa laki ng building na ito. Sigurado naman na hindi na ulit kami magtatagpo." "Eh bakit parang inis na inis ka. Binastos ka ba? Gusto mo bang isumbong natin sa Admin?" Tumayo si Margaret at hinawakan ang kamay ko. Gaga talaga to! Padalos - dalos! Hinila ko siya ulit at tinakpan ang bibig. Napaka-eskandalosa. "Chill nga! Parang ikaw pa yung galit na galit eh." "Sorry naman. Alam mo naman ayaw kong naapi ka." Ngumiti naman ako sakanya. Sweet naman ng bff ko. "Hindi naman niya ako binastos, medyo mayabang lang siya. Natulala kasi ako sakanya. Nagwapuhan lang ba, 'Natural lang naman na maka-appreciate ka ng magandang nilikha ng panginoon diba? Tapos nahuli niya akong tumitingin sakanya. Tapos-----tapos bakla, sabi niya wag ko daw siyang pagpantasyahan. Kapal ng mukha!" Muli ko na naman naalala ang mukha ng lalaking nakasabay ko sa elevator kani-kanina lang. Umuusbong na naman ang inis ko sa kanya. "Gwapo ba talaga?" Dahan - dahan akong tumango.. Naalala ko ang mapula at manipis niyang labi. Mukhang hindi siya nagsisigarilyo dahil hindi naman maitim iyon. Napatigil ang chismisan namin ni Margaret ng biglang magbukas ang pintuan. Lahat ay napatayo ng pumasok ang CEO namin. Nakakapagtaka na dumalaw siya ngayon, madalas ay tuwing Lunes siya nagbibisita dito. Lahat kami ay nagsitayuan at lumapit sa unahan. May dalawa siyang kasamang lalaki na pumasok. Kagaya ni Mr. Sancho De Veyra ay nakasuot din ang mga ito ng business attire. "Good morning everyone, I'm sorry to interrupt you. But I just wanna introduce your new boss as of now.. Althea is now on her maternity leave so Ream is now taking her place for the mean time." Lumapit sa una ang lalaking nakasuot ng black tuxedo. Napasinghap ako ng makilala ko ang lalaking iyon. Ngising - ngisi siya ng makita niya ako. Pero nagpahalata ako na hindi ako apektado sa mga tingin niya. Bakla, ang poise. "Welcome Sir." Iyon ang bungad sakanya ng halos lahat ng mga katrabaho ko. "Andi, he will be your boss as of now hanggat hindi nakalabalik si Althea. I hope you can dwell on him. Also with you guys, goodluck and happy selling." Pagkasabi ng mga katagang iyon ay lumabas na si Mr. De Veyra. Nagsibalikan na silang lahat sa kanya - kanya nilang mga trabaho. Ako naman ay hinila na din ni Margaret. Hindi kasi ako maka - get over sa nangyari. Bumalik na kami sa kanya - kanya naming cubicle. Hindi pa ako nakaka-upo sa swivel chair ko ay narinig ko na ang isang boses.. "Andi, right?" "Y-yes po s-sir.." Lalo lang lumawak ang ngisi niya. "Come to my office.." Nilampasan niya ako at pumasok na sa loob. Bali ang cubicle ko ang nasa labas ng private office ni Maam Althea noon na ngayon ay siya na ang mag-oopisina. Kinakabahan na pumasok ako sa loob. Nadatnan ko siyang nakatalikod at nakaharap sa glass window ng kanyang opisina. Maganda ang opisina, glass window iyon na kita ang buong BGC. Maganda doon lalo na sa gabi dahil sa mga ilaw na andoon. Malawak ang opisina. May sofa doon at may sarili din na cr. Sa likod ay meron din private room. Madalas kasi ay doon na nagpapalipas ng gabi si Maam, kaya meron doon na kwarto. Madalas kasi silang mag-overtime. "B-bakit po sir?" Hindi ko mapigilan ang kaba ko. Para akong pusang nabahag ang buntot. Kanina lang ang tapang - tapang ko sakanya. Saan tapang mo bakla? Anyare?" "What will you do if I fire you right now?" Agad gumapang ang kaba sa katawan ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon at isa pa maganda ang pasahod nila dito. Wala na akong makikitang ganito kagandang kumpanya! "S-sir, kung tungkol po sa kanina. Pasensya na po kayo. Hindi ko naman po sinasadya iyon." This time ay hinarap na niya ako. Seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin ang kulay tsokolate niyang mga mata. Titig na titig iyon sa akin. Bigla ay parang naasiwa ako sa tingin niya.  "Sir, gagawin ko po lahat. Wag nyo lang po akong tanggalin." Lalapit sana ako pero iniharang niya ang kamay niya kaya napatigil ako. "You would do anything?" Nang-uuyam niyang tanong. Bumalik ang ngisi niya sa labi. "O-opo.." "Okay, let's have one night stand tonight." Napatigagal ako sa sinabi niya. Naumid ata ang dila ko. Pinanlamigan ako ng mga kamah. Hindi din ako makagalaw. Hindi ata rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. "Take it or leave it Miss Jacinto.. You have time to think." Kaya ko ba? "S-sir baka naman po may ibang paraan." "No, that's what I want.." Umupo siya sa lamesa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos ay ngumisi muli. "S-sir.." "Okay, pack your things and you're fired Miss Jacinto." Hindi nawala ang ngisi niya sa labi. Tumalikod na siyang muli sakin at umupo sa swivel chair niya bago dinampot ang isang folder na nandoon. "S-sige sir, pumapayag na po ako.." Kinuyom ko ang palad ko. Virginity lang yon. Hymen lang naman iyon. Isa pa mahal ko ang trabaho ko. Ito lang ang pinagkukuhanan namin ng pera ng tatay ko. Come on guys it's 2018. Isa pa nasa tamang edad na din naman siguro ako. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Andon pa din ang ngisi sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD