Two

1263 Words
"Maligo ka muna." Inihagis niya sakin ang isang puting towel, tumama iyon sa mukha ko. Dinala niya ako sa hotel. Medyo malayo iyon sa kabihasnan marahil ay dahil ayaw niya siguro na may makakita samin. He's keeping me like a dirty secret. Hindi ganito ang naisip ko noon sa pagkawala ng virginity ko. Sabj ng Tatay ko ang virginity dapat ibinibigay pagkatapos ng kasal. Pero sa ngayon walang kasal na naganap, kaswal na usapan lang. Napailing nalang ako sa naisip ko. Atleast katunog nalagyan lang din ng 'w'. Nagpunta ako sa loob ng banyo. May bath tub sa gitna noon na may mga petals. Mabango ang paligid ng cr. Maraming toiletries ang nakahanay doon. May mga shower gel pa, bubble bath at mga mamahalin na shampoo, conditioner at habon. May mga lotion din doon na Victoria's Secret. Isa - isa kong hinubad ang damit ko, bago tumungo sa bath tub. Maligamgam ang tubig ng bath tub. Hinawakan ko ang petals na andon. Ang bango bango ng paligid. Amoy rosas. Nirerelax ko ang isip ko. Handa na ba talaga ako? Hindi kaya nagkamali ako ng desisyon? Napakagat - labi ako. Andito na ako kaya wala ng atrasan ito. Pikit matang tatanggapin ko nalang ang lahat, isa pa kung mabuntis naman niya ako sigurado naman na mabibigyan niya ako ng magandang lahi. Isa pa mayaman din naman siya hindi naman niya siguro gugutumin ang anak namin pag nagkataon. Mabilis na tinapos ko ang pagligo ako at lumabas. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama. Bukas ang polo niya kaya kitang kita ko ang malapad niyang dibdib, pati ang kanyang abs.. Napalunok naman ako. Tanging lampshade lang ang nagbibigay ilaw sa silid. Sumulyap siya sakin. Nakatapis lamang ako ng tuwalya at basa - basa pa ang buhok ko. Agad siyang umupo nang makita ako. "Come here.." Dahan dahan akong naglakad palapit sakanya. Mahigpit na hinawakan ko ang laylayan ng towel ko. Parang lalabas na ang puso ko sa rib cage ko anumang oras dahil sa kaba. Ramdam ko din ang lamig ng aircon sa paligid, lalo na at bagong paligo ako. Tumigil ako sa harapan niya. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. Lalo na sa mga mata niya. "G-game na po ba s-sir?" "Strip off." Napaanga ako sa sinabi niya. Hindi alam ang gagawin. "P-po?" "Put that towel down." Utos niya na mas ikinakaba ko. "S-sir.." Kinagat ko ang labi ko. Bakla kaya mo 'yan! Andyan na yan! Mawawalan ka ng trabaho bahala ka bakla! Walang sisihan after ha? Napapikit ako pero binitawan ko din ang towel ar hinayaan na iyon na malaglag. Minulat ko ang mata ko at tiningnan si Sir Ream. Nagulat ako ng makita ko na pinulot niya ang towel at tinakip ulit sa kahubdan ko. "Hindi ako namimilit..put your clothes on. I'll drive you home." Tumayo na siya at tumalikod na sakin. Nagtungo siya sa balcony at nagsindi ng sigarilyo. "I said put your clothes on, or I might change my mind and I will f**k you right here right now hard and senseless. I will f**k you until you can't walk anymore." Agad naman akong napabaligwas at agad na tinakip ang towel sa katawan ko. Dali dali akong nagpunta sa cr at nagbihis sa takot na totohanin nga ni Sir Ream ang banta niya.  "Saan ka nakatira?" "Doon nalang po ako sa sakayan Sir, nakakahiya naman po. Boss ko po kayo dapat nga po hindi nyo ako hinahatid." "Tell me." Mukhang hindi niya inintindi ang sinabi ko. "Nagugutom na ako, maybe we should eat first." Kumakalam na din ang sikmura ko kanina pa, mabuti naman at naisip niya na kumain muna. NagU-turn siya at tumigil sa isang restaurant. Pumasok kami sa loob noon, kakaunti lamang ang kumakain doon. Sa pagpasok ko palang ay alam ko ng mamahalin doon. 90's themed ang restaurant. Lumapit samin ang isang waiter at binigyan kami ng Menu. Agad naman napakunot ang noo ko sa mahal ng mga pagkain. Wala akong pambayad. Halos isang cut - off na ng sweldo ko ang ibang pagkain dito. Napakamot naman ako sa ulo sa isipin na iyon. "Just chicken salad and mango shake." Tumingin siya sakin, halatang iniintay niya ang order ko. "T-tubig lang po.." Binalik ko sa waiter ang Menu. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Sir Ream. "I'll pay, choose what you want. Give her the Menu back." Binalik naman ng waiter ang Menu. Dali - dali akong nag flip. "Ah, isang tempura for appetizer tapos pesto pasta at saka house blend ice tea." Sinulat ng waiter ang order ko tapos ay nagrepeat order siya. Tumango naman si Sir Ream at umalis na ang waiter. Palinga - linga ako sa restaurant. Awkward kasi. Ngayon lang ako lumabas kasama ang ibang lalaki bukod kay Jace at sa tatay ko. Ngayon lang din ako makakakain sa mamahalin na restaurant. "Tell me something about yourself." Napatingin ako kay Sir Ream. Ano ba ito Job interview? "P-po?" "Palagi mo akong pino - po. Nakakatanda iyon alam mo ba? Isa pa I'm just 29 years old." "Ah eh kasi po diba po boss ko kayo kaya dapat po ako gumalang?" "I know, pero wag ka na mag po. You can call me Ream. Wala naman tayo sa office." "Po?" "Isa pang po mo, hindi na kita papasukin bukas sinasabi ko sayo." "Joke lang naman Ream. Kaw naman tropa dika na mabiro!" Nagfake laugh ako. Siya naman ay napatawa pero mabilis lang dahil nawala ulit. Para akong na-stun nung makita ko ang ngiti niya. Parang mas naging gwapo siya nung ngumiti siya. "You're funny. I like you." Tama ba ang dinig ko? He likes me daw? Bigla ay natahimik ako, inirerehistro ko sa isip ko ang sinasabi niya. "Like nyo po ako sir? Crush nyo po ako?" Hindi ko mapigilan na isatinig. "No. I mean I like your personality not that I like you as a woman." Nawala ang ngiti sa labi ko. Ano nga ba naman ang aasahan ko? Bakit ba parang nag-expect ako. Bakit naman nga ako magugustuhan ng kagaya niya? Ang taas naman ata ng pangarap ko. Hindi na ako muling umimik, sakto naman ang pagdating ng pagkain namin. Tahimik kami at walamg imikan na kumain. Pansin ko ang paraan ng pagkain ni Ream. Hindi siya bumubuka ng bibig pag kumakain, pati ang paghawak niya sa utensils pang mayaman na pang mayaman. Yung mga kamay niya makinis tapos parang ang lambot. Siguro masarap makipag holding hands dito. Tapos yung balat niya makinis din. Halatang alagang alaga iyon.  Tumigil kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Patay na ang ilaw sa taas, iyon ang kwarto ni Tatay. Tiningnan ko ang orasan ko. Alas otso na pala, kaya pala. Tulog na nga iyon. Nakagawian na niya ang matulog ng maaga.  "Salamat Si----Ream pala." Ngumiti ako sakanya. Nanatili siyang nakatingin sakin. Sa halip na magsalita ay unti - unti siyang lumapit sakin. Pinikit ko ang sarili ko nang maramadaman ko na isang dangkal nalang halos ang distansya namin. Iniintay ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Ito na ba yung tinatawag nila na first kiss sa first da--dinner pala. Pero sa halip na halik ay isang 'click' ang nadinig ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko na tanggal na ang seatbelt ko. Bakla nakakahiya ka! Assuming ka! Napaka-hopia mo! Ilusyunada ka! Dali - dali kong binuksan ang pintuan ng kotse at pandalas na bumaba. Dali dali kong binuksan ang gate pero isang boses ang nagpatigil sakin muli..  "See you tomorow Andi.." Nilingon ko si Ream, nakalayo na ang kotse niya pero ayaw pa din humupa ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD