Chapter 13 : Not Your Typical Wedding Day

2629 Words
--WEDDING DAY-- RED There she goes walking down the aisle. Napakaganda talaga ni Garrie sa suot nitong wedding gown,para syang dyosa. She looked so amazing and she's taking his breath away. Akala nya hindi na ito sisipot sa kasal nila,pero heto ngayon sya,naglalakad patungo sa kinaroroonan nya. In a few seconds ay nasa harap na nya ang kanyang bride. Nagmano sya muna sa mama ni Garrie tapos kinuha nya ang mga kamay nito,gripping it tightly in his hands."Hey,bago ang tuxedo mo ngayon ha"bulong nito sa kanya. Sa lahat ng bagay na pwedeng sabihin ni Garrie ay yon pa ang pumasok sa ulo nito."Ano bang akala mo,na isusuot ko ang uniporme ko sa kasal natin?"sarkastikong sabi nya,pero ng titigan nya ito,napansin nya ang pagtubig sa mga mata nito,kaya tuloy nagi-guilty sya sa kanyang naging response. Bumuntong-hininga sya at pilit na ngumiti sa magiging asawa."Nagmumukha ka ngayon na parang isang dyosa" Napangiti naman si Garrie sa compliment nya."Salamat nga pala sa napakagandang bouquet" Napatikhim ngayon ang Judge sa kanila at nagpapahiwatig na magsimula na."If we may begin" GARRIE The ceremony seemed endless to her,pero ang totoo mabilis lang naman ang seremonya ng civil wedding. Nagpalitan na sila ng kanilang wedding vows,tapos tumugtog na rin yong wedding song nila (Love of a Lifetime) habang kinakanta ito ng hired singer. Pero wala naman syang pakialam sa paligid nya dahil nakatuon lang ang buong atensyon nya kay Red. Napatingin sya ulit sa suot nito. He was wearing a black tuxedo blended with the black and blue brocade of his vest,and the pristine white of his shirt. Nagmumukha na tuloy syang si Jensen Ackles sa makalaglag panty na itsura nito. Ang bango-bango rin palagi ni Vince lalo na ngayon,kaya nga sya naaadik sa scent nito. Namalayan nalang nya na hinahawakan ni Red ang malamig nyang kamay at isinuot sa daliri nya ang kanilang wedding ring,kasunod sa engagement ring na binigay nito. Looks like,everything was went to a blur,at parang gusto na nga nyang maiyak. Gusto nyang maalala ang lahat ng ito. The confusing,overwhelming emotions,the huskiness of his voice,the fragrance of him and the flowers. Gusto nyang hawakan at yakapin si Red infinitely. Gusto nyang tratuhin sya nito na higit pa sa isang kaibigan. Pero sana lang pareho sila ng nararamdaman nito. Habang nakatuon pa rin ang atensyon ni Red sa nagsasalitang Judge,sya naman ay panay titig nito. Namalayan nalang nya na sinabi ng Judge na "You may now kiss the bride" Bigla namang tumambol sa excitement ang dibdib nya. Iyon kasi ang parteng pinakahihintay nya,ang hudyat ng pagtatapos ng kasal nila ni Red. Sa wakas ay mararamdaman na rin nya ang halik nito. When he faced her,she looked into his eyes with anticipation. Itinaas nito ang maliit na veil nya. Nang maramdaman nya ang paglapit ng mukha nito sa mukha nya ay pumikit sya. She slightly puckered her lips and waited for his kiss. Ngunit hindi sya sa mismong mga labi hinagkan nito kundi sa gilid lamang. Parang halos hindi nga dumampi ang mga labi nito sa balat nya. Kaya dapat hindi nalang sya umasa na hahagkan sya nito. She was hurt inside,neverthless,she regained her smile. She did not want to feel sad on that special day just because he could not kiss her. Pinapangako ko Vince, you're going to want to kiss me soon. Then somewhere through it all she heard Jastine called,"Mamaaaa..,ateee..., meron pong dumadaloy na tubig sa binti ko" mangiyak-ngiyak na tawag ng kapatid nya,habang nakikita nyang nataranta naman ang boyfriend nito. ----- JASTINE Mga ilang sandali ang lumipas, ay nakasakay na sila sa van patungo sa kung saan syang hospital dadalhin. "You should have stayed ate" sabi nya."Dapat nag celebrate kayo ngayon sa inyong reception." "Tapos na naman yong seremonya ng kasal eh,yon lang naman ang importante."sabi sa kanya ni Red."Matutuloy pa rin naman ang reception kahit wala kami. Alam kong gusto ng ate mo na nandyan lang sya sa tabi mo." "Kung gusto mo samahan ka pa namin buong magdamag eh" "Salamat kuya,ang totoo natatakot talaga ako dahil seven months pa lang naman ang ipinagbubuntis ko,natatakot akong maging premature ang bata." Samantalang tahimik lang na nagdadasal ang ate at mama nya,at sa nakikita nya,kinakabahan din ang mga nerbyosang ito. Si paulo naman ay tahimik lang din na nagdadrive,alam nyang kinakabahan rin ito. Kaya tuloy si Red lang ang palaging kumakausap sa kanya. Nakarating rin sila agad sa pinakamalapit na hospital. Bumaba na sa sasakyan sina Paulo at Red, at inalalayan sya papasok sa loob ng Emergency Room. Kakatuwa pa nga sila tingnan eh,dahil puro sila naka tux at naka gown. Kaya ang mga mata ng tao sa hospital ay nakatitig lang sa kanila. "Kumocontract na yong tiyan ko,manganganak na yata ako"sabi nya sa kanila. "Wag ka ngang magbibiro dyan baby ko,tatawagan ko pa ang doctor mo."sabi sa kanya ni Paulo. Napatingin naman si Paulo kay Red na parang magpapatulong ito kung ano ang gagawin nya. Simula kasi kanina,ito lang naman si Red ang nanatiling kalma sa sitwasyon nya. Ngayon lang ata nya na hindi mabasa ang emosyon sa mukha nito. RED Kung kanina naging kalma lang sya,pero ngayon nahahawa na yata sya sa pagiging nerbyosa ni Garrie. Kanina pa kasi nanginginig ang mga kamay nito habang magkahawak kamay sila. "My goodness,bakit ba kayo nakasuot ng mga ganyan? galing pa ba kayo sa kasalan?" gulat na sabi ng may edad na nurse. "I neeed to pusssh..."hingal na sabi ni Jastine through gritted teeth. "Ops,ops,ops,not yet darling"sabi ng may edad na nurse."Hihintayin muna natin ang iyong doctor..Sino ba sa inyo ang husband?lumapit ka rito at damayan mo muna ang asawa mo habang hinihintay pa natin ang doctor nya." "Pwede ba kaming pumasok sa delivery room ni mama? para makatulong naman kami sa pag cheer sa kanya ng PUSH" pakiusap naman ni Garrie sa nurse. Napatawa tuloy kay Garrie ang nurse."Mahigpit kasi yan pinagbabawal dito sa hospital,pero depende na rin sa doctor nyo,usually kung may pahihintulutan man,ang husband lang ng manganganak ang pwedeng makapasok." "Meron naman kayong waiting area,don nalang siguro kayo mag-aabang,dahil ipapasok na namin sya sa labor room." Ipinasok na rin nila si Jastine sa labor room at naiiwan nga sila sa labas. Napansin naman nya na di parin mapakali si Garrie,kaya naisip nyang kausapin muna ito."Kalma lang Margarette,magiging maayos lang si Jastine sa loob." "Sana nga,sana ok lang ang kapatid at pamangkin ko." "Vince,pwede mo ba akong samahan sa CR? ipapa adjust ko kasi sa iyo ang mga tali sa likuran ko,nasisikipan na kasi ako eh." Nang makarating sila sa ladies room,isinara kaagad nya ang buong CR para walang ibang makapasok,dahil baka magtaka pa ang mga tao roon. Pagkapasok nila sa loob ay agad nyang pinatalikod si Garrie at sinimulan nyang luwagan ang mga tali. "Pwede bang huminga ka muna ng malalim Margarette"sabi nya sa wakas."Sige ka,hindi ko aayosin ang pag aadjust nito kapag hindi ka sakin nag cooperate" "Pwede ba bilisan mo nalang Vince,baka dumating na yong doctor." "Okay,heto na,binilisan ko na" "Kung manganganak talaga ngayon si Jastine,sana magiging ok lang sya at ang baby nya kahit premature ito." "Ipagdadasal nalang natin Margarette na magiging ok sila" Pero nang bigla silang makarinig ng kumakatok,nagulantang naman silang dalawa. "Ok na ba ito,maluwag na ba ang pakiramdam mo?" "Medyo maluwag-luwag na,thanks." Nakalabas na sila sa ladies room at mula sa likuran ni Garrie,nakikita nya ang strapless bra nito dahil sa maluwag na ang pagkakatali sa kanyang gown. Masasabi nyang Garrie was a perfection. She has killer-legs,well-toned thighs,a flat abdomen,perfect curves front and back. All in all,she is mouthwatering. And he‘d been stupid enough to deny himself the right to enjoy it all. Umiling-iling na lamang sya."Hihintayin nalang kita sa waiting area" "Sumama kana sakin. Gusto rin ni Jastine na nandon ka,at sa tingin ko kailangan rin ni Paulo ng moral support. Nakita mo ba kung pano sya nataranta kanina? He's scared to death." "Ganon lang siguro ang reaksyon ng mga magiging ama Margarette" "Sige,pupuntahan ko muna sina mama sa labas ng labor room. Basta don ka lang sa corner ha na madali ka lang hanapin,in case na kakailanganin ka namin." Wala sa sarili na tumango nalang sya,napansin kasi nya na pinagtitinginan sila ng mga taong nakasalubong. Siguro dahil nakasuot si Garrie ng gown at sya naman ay naka tux. Habang sila'y naglalakad,napalingon naman sya kay Garrie,at nakikita nya ang panlulumo sa mukha nito. Pero kahit paman,humahanga pa rin sya sa katatagan nito. Pati sa kapatid nyang si Jastine,humahanga rin sya sa katapangan nito at pati rin sa mama nila bilang mahinahon. Hindi naman nya namalayan na nakasunod pa rin sya kay Garrie hanggang sa labas ng labor room. And speaking of mama,for the first time ay narinig nyang tinawag sya nito. "Vince,nakasunod ka lang pala sakin"gulat na sabi ni Garrie,ang akala kasi nito na don lang muna sya sa waiting area. "Red,pwede ba kitang makausap sandali?"sambit naman ng ina ni Garrie. "Sige po"tugon nya. "Alam mo,masaya ako dahil natagpuan nyo ni Garrie ang isa't-isa. Masaya kasi akong nakikita na masaya ang mga anak ko sa piling ng minamahal nila." "Mama naman nagdadrama ka nanaman oh..syempre magkakatagpo kami ni Vince dahil magkatrabaho kami noh."interrupt sa kanila ni Garrie. "Tumahimik ka muna dyan Margarette Joy..Red, salamat ha dahil mas pinili mo kaming samahan kesa magsaya doon sa reception nyo. Sa pinapakita mong ito,mas nadagdagan pa ang kumpyansa ko na ikaw ang napangasawa ng anak ko,dahil alam kong hinding-hindi mo sya pababayaan." "Wala ho yon,salamat at pinagkatiwalaan nyo ako" Nakita nyang inirapan lang sya ni Garrie. Samantalang hinawakan naman ng ginang ang kanyang kamay."Masaya talaga ako Red dahil ikaw ang napangasawa ng anak ko. At nakikita ko rin na magiging mabuti kang ama sa mga anak nyo ni Garrie" Naputol lang ang usapan nila ng dumating na ang doctor at agad naman itong pumasok sa labor room. Napansin rin nya si Paulo na pawis na pawis at di mapalagay na parang ito pa nga ang nagli-labor. Lumabas naman kaagad ang doctor at sinabihan sila na kailangan daw papaanakin na nila si Jastine through caesarian section,dahil bukod sa pumutok na yong bag of water nya kahit hindi pa nito kabuwanan ay tumaas din ang kanyang blood pressure. Pagkatapos ay pinapirma si Paulo ng waiver sa isang nurse na pumapayag sya bilang ama ng bata na e-undergo ng caesarian section si Jastine. GARRIE Sa nagdaang mahigit tatlong oras ay natapos rin ang caesarian section ng kapatid. Pinaalam sa kanila ng nurse na dinala na raw ang sanggol sa nursery room para e-incubate agad ito,kaya dali-dali naman silang nagpunta roon. "Ayon na ata si baby oh,yong nasa loob ng incubator.. Napakaliit nya,pero ang cute cute talaga."maluha-luhang sabi nya. "Lalaki pala mama ang anak ni Jastine" "Oo nga lalaki ang apo ko"maluha-luha ring sabi ng kanyang mama. Here was the miracle. Na survived ni Jastine ang panganganak nya at survivor rin pati ang pamangkin nya. Lumingon naman sya kay Red at parang hindi nya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Love bloomed inside her,pero aware naman sya na hindi sya mahal sa lalaking pinakasalan nya,at ang kanilang pagpapakasal ay sa pangalan lang dahil maghihiwalay rin naman sila sa huli. Ano ba itong pinasok nya? She's marrying a man without any promise of love or commitment or children. A man who saw her as a responsibility. And a liability? Mababago pa kaya nya iyon? ----- Pagkatapos ng ilang oras na pamamalagi sa hospital ay nakarating rin sila sa bahay ni Missy,pero sa tingin nya ay hindi na sila nakahabol pa sa reception. Tahimik na kasi ang buong paligid at ang tanging naririnig nalang nila ay ang instrumental music na nagmumula sa loob ng bahay ni Missy. "Kakaiba talaga ang araw na to"mahina ang pagkakasabi ni Red pero narinig nya ito. Sumusunod lang sya kay Red habang papasok ito sa bahay ni Missy,pero nabundol lang nya ang likuran nito dahil bigla kasi itong napahinto. Tiningnan naman nya kung saang direksyon nakatingin si Red at nakikita nga nya na nagsasayaw sina Missy at si Judge Salazar sa malawak nitong sala. They were in each other's arms and swaying a little to the sweet music. Kahit papel nga ay maiipit sa closeness ng katawan ng dalawa. "Mas mabuti pang aalis nalang tayo"bulong nya kay Red. Nang mapansin sila sa dalawang nagsasayaw ay agad namang humiwalay ang Judge kay Missy. "Sa wakas ay nandito na rin kayo. Come in. Come in."anyaya naman sa kanila ni Missy. "Mga one hour ago lang siguro nagsialisan ang mga bisita nyo" sabi ni Missy na namumula pa."Tell us everything. We're dying to know" "Naku Missy, it was a beautiful experienced and--" "Nakakagaan ng loob"dugtong naman ni Red. "Tama nga sya"she smiled at him."Pinangalan nila ang bata ng Carl Bryon dela Cerna and he's really cute" "You can tell us more while you eat, I'll have a couple of dinner plates fixed for you. Pwede rin kayo magpahinga muna dito pagkatapos." Mag-iisang oras na rin silang nag stay sa bahay ni Missy,enjoying the company and the music,at sa dalawang natitirang guest nalang din nila pinamimigay yong garter at bouquet. Pagkatapos ay nagpaalam na sila kina Missy upang makapagpahinga na rin sila sa hotel kung saan sila pinareserved nina Paulo at Jastine bilang regalo ng mga ito sa kanilang kasal. Nang makarating sila sa nasabing hotel,inalalayan din naman sila ng isang receptionist papunta sa kanilang suite. Binuksan naman agad ni Red ang kanilang suite pagkadating nila doon. Pero ang hindi lang nya inaasahan ay ang biglang pagbuhat sa kanya ni Red."Traditional daw kasi ito,to keep away from evil spirits."sabi nito,pero alam nyang isa na naman ito sa nabasa ni Red sa bride magazine. Sinamantala na lamang nya ang pagkakataong iyon,ipinatong nya ang ulo sa balikat ni Red habang ini-enjoy nya ang moment na buhat-buhat sya nito. Alam kasi nya na sa oras na maisasara ang pintuan ay matatapos na rin ang pagpapanggap nila. Inilibot naman nya ang mga mata sa malaking silid. The suite was sumptuously decorated,invitingly warm and private,especially that they can see the view of Manila Bay that would be spectacular on a clear night. Ibinaba na rin sya ni Red,habang patuloy pa ring nakasunod sa kanila ang receptionist para bigyan sila ng instructions. At nang matapos ito sa kadadaldal ay umalis din naman kaagad ito. Nang sa wakas ay maisara nila ang pintuan ng honeymoon suite ay bumalot naman sa kanila ang katahimikan. Tinungo na lamang nya ang closet upang makapagpalit na sya ng damit. Ngunit sa kanyang pagbukas ay napanganga sya sa nakikita. Curious siguro si Red sa naging reaksyon nya kung kaya tiningnan din nya ito. "Hindi ko pakana ang mga yan"defensive nyang sabi. Puro kasi black & white lingerie at boxer shorts ang laman ng kanilang closet. "Kung si Missy pa ang nagpareserved sa suite natin ay mapagkamalan ko talaga na sya ang may pakana nito"dagdag na sabi nya. "Alam rin naman ni Missy na Red ang favorite color ko" She frowned at him."Obvious naman diba?na Red yong favorite color mo" "Nagtanong talaga sakin si Missy kung anong favorite color ko."sagot naman sa kanya ni Red. "Ganon"at hinalungkat nalang nya ulit ang closet baka may makita pa syang disenteng night gown doon. Pero wala,as in wala talaga syang disenteng masusuot. Napansin nalang nya na may note pala na nakadikit sa dingding ng closet,kaya kinuha nya ito at binasa. Shame on you Garrie. This is your first wedding night,not your fiftieth anniversary. Pinatapon ko na ang mga 'Manang' mong night gown. With this,you'll thank me in the morning. -Missy Binalingan naman nya ngayon si Red,sabay abot sa isinulat ni Missy."O heto basahin mo, para alam mo kung sino ang may pakana nyan" "Pano nato? wala akong mapagpalitan na damit"nakasimangot na sabi nya."Ano kaya kung,isusuot ko nalang itong black see-through na nightie tapos yong lacy na--" "Itong damit ko ang isusuot mo Margarette"sabi ni Red,then proceeded to unbotton the garment he offered. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD