Chapter 12 : Tension

1437 Words
RED Nakatanaw sya ngayon sa bintana habang pinapanood nya ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Naisip kasi nya na baka isa ito sa mga sinyales na hindi matutuloy ang kasal nila ni Garrie. Tumingin ulit sya sa kanyang relo. "Mag ti-thirty seconds palang ha nong huli mong tiningnan ang iyong relo."sabi sa kanya ni Judge Salazar. Inalok sya ni Missy na umupo muna kasi kanina pa sya lakad ng lakad at di mapakali. Kasama nyang nag-aabang sa bride ay ang mama ni Garrie at si Paulo na boyfriend ni Jastine na sya ring tumatayo bilang bestman nya. Napapansin rin nyang Kalmado lang naman ang lahat maliban sa kanya. "I'd hate to see you before your execution"komento ng Judge sa kanya. "Sa tingin ko,mas less stressful pa nga ang isang execution eh"sagot naman nya sa Judge. Ang dami ngayong pumasok sa isip nya at mapapanatag lang din ang loob nya pag dumating na si Garrie. Sa totoo kasi,halos hindi nga sya makapaghintay na dumating ang araw nato kahit paman alam nyang off-limits itong pagpapakasal nya kay Garrie. Mahirap man sa kanya ang maging publicly affectionate sa dalaga pero mas mahirap pala ang paghintayin sya ng higit sa trenta minutos sa mismong araw ng kasal nila. Simula kasi nong isang gabi na muntik na syang mawalan ng kontrol sa sarili ay hindi na nya masyadong nakakausap si Garrie dahil sinadya talaga nyang dumistansya sa dalaga. Tension was their constant companion. Kagabi nga nong rehearsal nila ay nagalit pa ito sa kanya. Bibigyan nya sana ito ng necklace na ipapasuot nya kay Garrie sa araw ng kanilang kasal. Pero ang hindi lang nya inaasahan ay ang magalit ito sa kanya,dahil ang buong akala nya na matutuwa ito sa regalong ibibigay nya. Ang matindi pa ay nag walk-out ito sa rehearsal nila. That was how they‘d left things between them. At ngayon higit sa trenta minutos na ang pagka late ni Garrie sa kasal nila..kanina pa sya tawag ng tawag rito pero di nya ito ma contact. Tinawagan rin nya si Jastine pero di rin ito sumasagot,kaya tuloy naisip nya kung may plano pa ba talaga ang dalaga na sumipot sa kasalang iyon. Naisip rin nya na baka natagalan lang si Garrie sa kanyang pag-aayos. He even imagined her wearing her dream gown. Pero hindi naman ibig sabihin na,she‘d go through with the wedding. He reminded himself why they were doing this,at yon ay para protektahan si Garrie laban kay Brandon Harlem. Naging mas mahirap nga sa kanya ngayon ang makipagnegosasyon ni Brandon simula nong malaman ng huli na ikakasal sila ni Garrie. Brandon exerted his power at every opportunity. Sya naman sunod sunuran lang muna sa gusto nito,sayang kasi ang pinaghirapan nyang ilang buwan para lang makuha ang sinet-up nyang deal kung pakakawalan nya ito. "She won't back out"sabi ng Judge sabay tapik sa kanyang balikat. "Hindi naman ako nag-alala" "Every groom worries. There are few moments in a man's life when he is more vulnerable than this one." Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ng Judge."Minsan talaga ang mga babae ang hirap espilingin" "Suyuin mo lang" "Uubra pa ba yang suyo-suyo na yan?" "Sa ilan Oo,sa ilan naman hindi" nakangiting sagot ng Judge. "Alin naman doon si Missy?" Sa halip na sagotin ng Judge ang tanong nya ay saka pa ito tumingin sa kanyang relo."I think I'll just check my other schedule. I'll be right back."agad na palusot ng Jugdge. Pagkatalikod ng Judge ay nagpakawala agad sya ng malalim na hininga. Mag-iisang oras na kasing hindi pa dumadating si Garrie. ----- GARRIE "Magkakalagnat yata ako nito"sabi nya sabay hawak sa kanyang noo. "Ano ka ba ate,para ka namang sentensyahan ng habang buhay na pagkabilanggo sa inasta mo ngayon."sabi ni Jastine."Chill lang ate" "Thank you sa simpatiya mo" "Bakit kailangan mo ba ng simpatiya? pakakasalan mo naman ang taong mahal mo hindi ba? at ngayon suot mo pa ang iyong dream wedding gown. Tapos yong kaibigan mong si Missy sya na ang nag hire ng wedding coordinator mo,para ma arranged ang lahat ng pangangailangan sa kasal nyo. Wala ka ng mahihiling pa ate." "Wow Jastine Joy ha,para ka nang si Mama Ligaya nyan" "Eh kanina pa kasi ako nahihilo sayo ate eh,pabalik-balik ka kasi ng lakad. Tapos yang mukha mo tensyonadong tensyonado. Smile naman dyan ate,be happy,dahil masaya akong nakikitang masaya ka."sabi ni Jastine at papalabas na ito. "Oh san ka pupunta,iiwan mo na ako?" "Kahit na late na tayo hinding hindi kita iiwan noh..I have to go to the bathroom" "Na naman?" "When you're pregnant,you'll understand." Alam naman nyang late na sya kaya sinadya na rin nyang e-off ang cellphone para naman alalahin rin sya ni Red. Three weeks na kasi syang hindi mapalagay,nagugulohan kasi sya kung tama ba itong naging desisyon nya. Sa nakaraang tatlong linggo kasi parang ang lamig-lamig ng pakikitungo sa kanya ni Red. Marami pa sana syang gustong e-discuss nito pero parang lumalayo ito sa kanya. Kagabi naman nong bibigyan sana sya ng necklace ni Red,nagalit talaga sya dahil ang akala nya na buong puso nya itong binibigay,pero nadismaya nalang sya ng sabihin sa kanya ni Red na isa lang daw yon sa list of responsibilities nya. FLASHBACK "Anong sinasabi mong list?"inis na tanong nya kay Red. "Nabasa ko lang yon sa Bride Magazine." paliwanag ni Red at kinuha nito mula sa kanyang bulsa ang isang page ng magazine kung saan nakasulat doon ang mga list of responsibilities ng groom. And because of it,kaya lang naman sya bibigyan nito ng necklace. END OF FLASHBACK  Ang gusto lang naman nya ay ang makausap ng masinsinan ang binata bago pa ang araw kanilang kasal,kaya lang kusa naman itong lumalayo sa kanya. She needed his calmness right now,and she needed his assurance that they were doing what was necessary and right. Naalala kasi nya ang mga araw nong nagpaplano palang sila ng kanilang wedding don mismo sa bahay nya. Pero at least her gown matched her dream. Nakasuot sya ngayon ng off-the-shoulder gown na lacy white na talaga namang fit sa hubog ng katawan nya.  Between designing the gown and meeting the deadline for her magazine article,she hadn't a second to breathe. No wonder kung bakit tensyonado sya ngayon. She deserved a honeymoon more, para naman makapagrelaxed sya. Too bad she's only getting one, just one night at a honeymoon suite in an elegant hotel na regalo sa kanila ni Paulo at Jastine. At syempre hindi nila pwedeng matanggihan ang buntis, magagalit kasi yon. Anyway si Paulo naman ang magbabayad,galing kasi sa mayaman na angkan. Yet, another night of tension na naman. Samantalang pumasok na ngayon sa kanilang hotel room ang wedding coordinator at pinaghanda na sya."Mam here we go,nariyan na po ang wedding car nyo. The wedding car was so delayed because of the heavy rain and flood,tapos sobrang traffic daw po."sabi ng wedding coordinator nya at inabot sa kanya ang napakagandang boquet. "Ang Groom nyo po ang mismong pumili sa mga bulaklak na yan"nakangiting sabi nito. Kinuha din agad ni Garrie ang boquet nya."Oh it's beautiful. Just beautiful." at inamoy nya ang mababangong bulaklak. Nagbabadya ngayon ang luha sa kanyang mga mata,kasi alam naman nyang sinunod lang ni Red ang list of responsibilities nya,at hindi talaga ito galing sa kanyang puso. "Teka Mam,may nakalakip pala yang note"at inabot nito sa kanya ang sinasabi nyang note. "heto na po"  Inilapag nya muna ang boquet sa mesa at binuksan nya ang naka sealed na note.  Margarette, The gardenias represent joy,the stephanotis wish for us happiness,and the baby's breath honors a pure heart. These are you, as I see you. -Vince "Oh"she whispered.Pano kaya nya naisulat ang mga ito?..Siguro diniktahan lang sya. "Ano yan ate?"tanong ni Jastine as she came back into the room. Kinuha nito ang note mula sa kamay nya at binasa. "Whoah,napaka sweet naman pala ni fafa Red ate" "Pero ate,wag kang umiyak ha,masisira yang make up mo"sabi pa ni Jastine."Ate,sa susunod na mga minuto ay maglalakad ka na sa aisle."at niyakap sya ni Jastine. "Makakahinga ka rin ng maluwag pagkatapos nito ate..Diba ito naman talaga ang pangarap mo?ang makasal ka sa lalaking pinakamamahal mo." "Yes"sure na sure na sagot nya."Oo,ito talaga ang pinapangarap ko" Kinuha na rin ni Jastine ang kanyang bouquet. Si Jastine kasi ang kanyang maid of honor."Alam mo ate,ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko. Lalo na kapag nakangiti ka. So be happy ate,araw ng kasal mo ngayon." Napangiti naman sya sa sinabi ng kapatid. Sa tingin nya tama nga si Jastine,dapat maging masaya sya dahil mahal naman nya ang lalaking pakakasalan nya. Huminga muna sya ng malalim. Now,she was ready. More than ready. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD