Chapter 16 : Worried

1163 Words
RED Makalipas ang ilang oras,nakarating na rin sila sa boarding house ni Garrie. Sya na mismo ang nagbukas sa pintuan ni Garrie gamit ang isang susi. Pagkapasok agad nila sa bahay pinakiramdaman nya muna kung tutunog ba ang pinapa-set nyang alarm system. Gayunpaman,wala namang high-pitched warning na sumasalubong sa kanila. "Natatandaan mo ba kung na set mo ang alarm?" agad na tanong nya kay Garrie. "Syempre naman,na set ko ang alarm bago paman ako umalis" "Sigurado ka ba Margarette?" "Ahmm..siguro nga, I assume kasi palagi ko namang--" "Sino pa ba ang binagyan mo ng access?" "Wala akong binigyan Vince. Kahit nga si Jastine hindi ko binigyan." "Dyan ka lang" tumungo sya sa pintuan at agad nya itong isinara. As what he had observed,nothing seemed out of place in the living room. Binuksan naman nya ang kwarto ni Garrie at sinuri ang loob nito,pati na rin ang kabilang kwarto na ookupahin nya ay kanya ring sinuri. Kumpleto naman ang lahat na kagamitan nya matapos nya itong ilipat sa bahay ni Garrie a week ago. Sinuri nya rin ang cabinet na pinaglagyan nya ng baril at magazines at nakahinga sya ng maluwag dahil nandodoon pa rin ang mga ito. Mabilis naman nyang naisara ang pintuan ng cabinet ng biglang pumasok si Garrie. "Ikaw talaga Margarette napakamalimotin mo,hindi mo naman na e-set ang alarm eh." "Hindi noh. Sigurado akong na set ko yon. Pang ilang beses ko pa nga chenick eh kung naka set ba talaga ang alarm bago pa ako umalis ng bahay." "Halika dito at tingnan mo. Para makita mo na hindi talaga ito naka set." sabi nya at tinuro nya kay Garrie ang alarm. "Nag-alala ka pa ba kay Brandon?" tanong nito."Akala ko ba ang pagpapakasal natin ang mabisang solusyon upang hindi na ako muling gagambalain pa ni Brandon." "Yong alarm lang naman na hindi naka set ang issue dito Margarette. Yon lang naman, Period." at napansin nyang hindi na umimik si Garrie."Anyway,ang importante wala namang nakapasok rito." "Sigurado naman ako na sa pag-alis ko naka-set talaga yong alarm eh..or hindi kaya may multo rito Vince at pinakialaman yong alarm?” He rested his arms against the doorjamb at tinawanan lang nya ang kahibangan ni Garrie. GARRIE "Kalimutan mo na yong multo Vince binibiro lang naman kit--" naputol yong sasabihin nya dahil bigla nalang syang binuhat ni Red. She slid both arms around his neck while their faces were inches apart, at napatingin naman sya sa mapupulang labi ni Red. Binuhat sya nito hanggang sa sala at inilapag sa couch. "Meron ka pa bang bakanteng cabinet sa kwarto mo para sa ibang kagamitan ko?" Nabuhayan na naman sya ng loob sa sinabi ni Red."Ang ibig mo bang sabihin na magtatabi na tayo matulog?" "Hindi,sa kabilang kwarto parin ako matutulog. Yong paglalagay ko ng gamit sa kwarto mo,for appearance sake lang yon kung sakali mang dadalaw rito ang mama mo at si Jastine." Dismayado sya sa sagot ni Red kaya tinalikuran nya ito at pinili nyang pumunta nalang sa kanyang kwarto. Alam naman nyang susundan din sya nito. RED Agad nyang sinundan si Garrie sa kanyang kwarto dahil baka nagtampo na naman ito sa kanya. Dahan-dahan syang pumasok sa kwarto nito at ngayon lang ata nya napansin na fully decorated pala ang kwarto nito,but everything is tidy naman. Pero bigla nalang nyang naalala ang hindi pagtunog ng alarm sa kanilang pagpasok sa bahay kanina,baka nga may nakapasok sa loob ng bahay ni Garrie. Ayaw man nyang isipin yon pero talagang nabahala sya sa hindi pagtunog ng alarm. Kailangan nya munang mailayo si Garrie at kailangan din nyang ipaalam ito sa kanyang superior para mapalitan agad ng security device ang bahay ni Garrie. Dahil kung may nakapasok talaga sa bahay nito,pwedeng manganib ang buhay nilang dalawa. "Margarette,samahan mo muna ako mag grocery"sambit nya kaya napalingon agad sa kanya si Garrie."Hihintayin nalang kita sa labas"at mabilis syang lumabas sa kwarto. Kailangan kasi nyang matawagan ang kanyang boss na si Calvin dela fuente,kahit sa totoo lang ayaw na sana nyang ipaalam ito. Nakita nyang tumatakbo si Garrie sa kinaroroonan nya na para bang isang Olympic runner na gustong makuha ang gold medal. At sya naman,bakit bigla nalang nyang naisipan na mag grocery? natatakot kaya syang mapag-isa na naman sila ni Garrie sa loob ng iisang kwarto? GARRIE Tumatakbo sya ng mabilis dahil baka iiwan sya ni Red at magbago ang isip nito na hindi nalang sya isasama na mag grocery. Masaya talaga sya dahil naisipan ni Red na isama pa talaga sya kahit na minsan hindi nya maintindihan ang ugali nito. At Bago sya lumabas ng bahay siniguro na talaga nyang naka set ang alarm. ----- RED He stretched an arm along the back of the couch as he sipped an ice-cold beer. They'd worked hard all evening,rearranging her room and his. Kaya ngayon medyo relax na sila at nagkukwentohan nalang silang dalawa. Napag-alaman nya na nagsusulat pala si Garrie bilang part-time writer sa isang magazine publishing company,at isa rin sya sa mga nagde-design sa mga produktong lingerie ni Missy. Nabanggit rin nito na isang taon nalang ang kulang nya at ga-graduate na sya. Napag-usapan rin nila ang posibleng tuksohan at biruan sa kanilang mga kasamahan sa pagbabalik nila sa trabaho. Plano rin nila bukas na dalawin sina Jastine at ang baby nito bago pa makalabas si Jastine sa hospital. Masaya sya dahil awtomatikong naging myembro sya ng pamilya ni Garrie. Sabagay,they were now a couple, a team and a partnership. Nagpaalam si Garrie na maliligo muna sya and after a few minutes,naririnig nalang nya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. He leaned his head back to rest on the top of the sofa,being content. Habang abala kasi sila sa pamimili kanina, lihim naman na pinapuntahan ni Mr. Dela Fuente ng mga ekspertong tauhan ang bahay ni Garrie upang masuri kung meron talagang nakapasok sa bahay nito. Laking pasasalamat nya dahil wala namang pumaloob sa bahay nito at baka nakalimotan lang daw ni Garrie na e-set yong alarm. Ngayon wala na syang naririnig na ingay dahil huminto na rin ang agos ng tubig. He imagined her drying off, while rubbing lotion over her soft velvety skin. "Bathroom's free" she called him from behind. Nang makaalis si Garrie sa pintuan ng banyo,agad-agad naman syang pumasok. Na aamoy pa rin nya ang naiwang scent nito sa loob ng banyo. Gumagana na naman ang kanyang pag-iisip,thinking if she was in his bed by the time he got out. After a few minutes,naririnig nalang nyang may kumakatok sa pintuan ng banyo. "Vince"tawag ni Garrie sa kanya."Aayosin ko muna ang bedding sa kwarto mo ha." Mabilis nyang naitakip ang shower curtain sa sarili dahil nakalimotan pala nyang e-lock ang pinto ng banyo at baka pasukin pa sya ni Garrie. Mahirap na. Natatawa nalang sya sa sarili,sya pa yata itong umasta na parang babae na takot masilipan. But she was so damn obvious. Tama nga minsan ang mga naiisip nya tungkol sa kanya..What was he going to do with her? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD