GARRIE
Panandalian nyang tinitigan ang repleksyon nya sa salamin. Ayaw din naman nyang isipin ni Red na inaakit nya ito,pero papaano na?lahat ng pajamas at flannel nightgown nya ay ipinatapon na lahat ni Missy,at puro mga lingerie pa ang mga ipinalit nya sa mga ito.
So ano nalang kaya ang pwede nyang isuot before bed hour?
Pumasok na sya sa kwartong inokupahan ni Red at doon na sya naghanap ng damit na pwede nyang isuot bago matulog. Anyway nagpaalam naman sya kay Red na papasok sya sa kwarto nito at aayosin nya ang kanyang bedding. Sa pagpasok palang nya sa kwarto nito,nakita nya kaagad ang mga naka hanger na damit ni Red. Kinuha nya mula roon ang isang white sweatshirt na may blue stripes at agad na sinuot ito, dahil sa tingin nya iyon lang naman ang disente nyang masusuot dahil oversized ito at sakto ring sa ibabaw lang ng tuhod ang haba nito sa kanya.
Nang simulan na nyang ayosin ang bedding ni Red ay saka rin huminto ang pag-agos ng tubig mula sa banyo. Dali-dali naman syang lumabas sa kwarto at lumipat doon sa sala at pasalampak na umupo sa couch. She tried to assume a casual pose. She also changed positions a few times,then kumuha sya ng isang magazine na kunwari nagbabasa sya. Kinakabahan sya. Hindi nya alam kung bakit. Nang tuloyan ng bumukas ang pintuan sa banyo at iniluwa doon si Red,sya naman ay patuloy pa ring nagkukunwari na palipat-lipat ng pages habang nagbabasa,kahit ang totoo hindi naman talaga nya binalingan ang mga nakasulat doon.
On the other hand,Red just moved silently into the living room,but she know he was there. She shifted her gaze to wander up him,at nakita nyang nakabihis na pala ito ng sweatpants at plain white shirt. Nagulat nalang sya ng magsalita ito at muntik pa nyang mabitawan ang kunyaring binabasa na magazine.
"Alam mo mas bagay ata sayo ang shirt na yan kaysa sa akin"biglang sabi ni Red.
"Ok lang ba sayo? kahit na hindi ako nagpapaa--"
"Kung ano ang sa akin,ay sa iyo na rin sweety"sabi ni Red at tumabi ito sa kanya."Hindi pa pala natin nabuksan ang mga regalo noh?"lumingon naman ito sa side table na kinalagyan ng mga regalo.
"Ah Ooh,gusto ko kasi sabay tayo magbukas"
"Sige bubuksan na natin"
"While magbubukas tayo ng mga regalo,ano naman ang gusto mong inumin Vince?"
"Ano bang meron dyan?" then he lifted the package into his lap.
"Ok lang ba sayo ang iced tea? tapos paparesan natin ng egg pie?"
"Sure"sagot nito,at lumakad na sya patungo sa kusina.
Habang nagsasalin sya ng powdered iced tea sa pitsel,she saw Red setting down the gifts and joined her in the kitchen."Ako na ang gagawa nyan Margarette"
"Ako na Vince"
"Hindi,ako na Margarette"nakipag-agawan pa ito sa kanya kaya sya nalang ang unang bumitiw.
She leaned against the counter and crossed her arms."Pero gusto ko sana na ako nalang ang gumawa nyan"
"Ako na sabi eh,mas matutuwa pa ako sayo Margarette kung ipaghiwa mo nalang ako ng isang slice ng egg pie."
"Sige na nga you're the boss,do you want it heated?
RED
He watched his shirt like a couple of inches up to her thighs as she leaned into the refrigerator to pull out the homemade pie she'd taken out from the ref and baked earlier. Who needs heat? sabi ng kanyang kabilang isip."Heated is fine"
"Gusto mo na bang kainin yong binili nating ice cream?”
"Okay"sabi nalang nya.
When their food was ready,they returned to the living room. He took a bite of pie and complimented Garrie on it. Nasarapan kasi sya ginawang egg pie ng asawa.
"Matanong ko lang Margarette,nasaan pala ang iyong ama?"
Inilapag muna nito ang pinag-inuman na baso at saka ito huminga ng malalim."Pumanaw na aking ama Vince"malungkot na sabi nito.
"Im sorry"
"It‘s okay"
"Ano nga pala ang ikinamatay nya?. Pasensya na ha kung naitanong ko pa yan?"
"Car Accident"
GARRIE
FLASHBACK
Graduation noon sa highschool nya at sya mismo ang naging Valedictorian. Sa kagustohan nya na makapunta ang ama sa nasabing graduation,ginawa talaga lahat ng kanyang ama upang makapunta lang dahil gusto nyang ang ama mismo ang magsabit ng kanyang medalya. Nangako ang kanyang ama na makarating talaga ito. Pero natapos nalang ang kanilang graduation ay hindi pa rin dumadating ang kanilang ama kaya labis na silang nag-alala. Sa mga oras na yon nakatanggap rin ang kanyang mama ng isang tawag at ng ibinaba nito ang cellphone ay bigla nalang ito nag-breakdown sa harap mismo ng maraming tao. Hindi ito nagsasalita iyak lang ito ng iyak. Hanggang sa tumawag ang kanyang tiyahin at don pa nila nalaman ni Jastine na sumabog ang kotseng sinasakyan ng papa nila dahil nabangga daw ito sa isang poste. Hindi na ma identify ang katawan nito dahil sunog na sunog na. Ang plate number nalang ng kotse at ang wedding ring nito ang nagsilbing katibayan na yon nga ang kanilang ama. May mga lumabas na balita na posibleng pinasabog daw ang sasakyan nito,pero hindi naman sila naniniwala doon, dahil para sa kanilang magkapatid napakabuti ng kanilang ama, so imposibleng may naka atraso ito. Simula noon,labis na sinisi ni Garrie ang sarili dahil kung hindi nya pinilit ang ama na pumunta sa kanyang graduation di sana buhay pa ito.
END OF FLASHBACK
"Mahal na mahal kami ni papa,binigay nya halos lahat ng pangangailangan namin ni Jastine. Pero ng mawala sya parang naglaho na rin ang lahat na pinapangarap namin. Si mama Ligaya naman,ilang linggo rin namin sya na hindi nakakausap dahil nakatulala lang ito. Pero nang manumbalik ang katinuan ni mama. Doon ko din naisipan na lumayo sa kanila,para maipagpatuloy ko ang pangarap namin ni Jastine. Kaya nga dito ako napadpad sa Maynila"
RED
"Im sorry Margarette kung pinaalala ko pa sayo ang malungkot na nakaraan. Pero hindi naman nagtampo sayo ang mama mo?"
"Hindi ako kailanman sinisi ni mama. Oo nagtampo nga sya dahil lumayo ako sa kanila,pero pinaliwanag ko naman na kailangan ko makipagsapalaran para makatapos kami ni Jastine sa pag-aaral. Mahirap man na malayo ka sa pamilya mo,pero kinakailangan."
"Alam mo,nalungkot pa nga si mama eh dahil wala na daw mag-aalaga sa kanilang dalawa ni Jastine,kaya binibiro ko sya na maghanap nalang ng isang lalaki na mag-aalaga sa kanya."
"Bakit importante ba yan sayo Margarette? na kailangan ng isang lalaki ang babae para maalagaan sya?"
"I think a husband and wife should contribute equally in whatever roles they're suited for. Equal dapat ang responsibilidad ng mag-asawa. Para sakin naman,It takes two to tanggo,kaya dapat kapwa nila pangalagaan ang isa't isa."
Nabigla naman sya sa mga sinabi sa kanya ni Garrie. He hadn't imagined this side of her.
GARRIE
"Alam mo ba kung ano ang pinapangarap namin ni Jastine?..pangarap namin na makapagtapos sa pag-aaral at sya maging isang ganap na CPA at ako naman maging manunulat o di kaya maging fashion designer. At higit sa lahat pinapangarap namin na makahanap kami ng isang prince charming at isang knight in shining armor. Yong tulad ng papa namin na mabait,responsable,mapagmahal,yong handa kaming ipagtanggol sa lahat ng oras,at syempre yong family-oriented na lalaki na pamilya talaga ang inuuna."
"Good thing that Jastine already had Paulo plus may baby na rin sila"dugtong pa nya."At alam mo kung ako magkaanak,I want stability for my children and a sense of place. I've worked hard to develop a career where I can work at home so that I can share my life with them."
She stopped abruptly,as if she'd revealed too much to him.
"At pano naman naging konektado sa mga pangarap mo ang pagpapakasal sa edad na bente-singko?"
"I just want to be young enough to enjoy my children" syempre hindi nya sasabihin kay Red na natatakot sya maging isang matandang dalaga kapag pinalampas pa nya ang edad na bente-singko,nasa lahi kaya nila yon.
Red angled her direction."So for now, gusto mo ng magkaanak?"
"Siguro kung totoo talaga tayong mag-asawa syempre gusto ko ng magkaanak." nakita nyang sumeryoso ang mukha ni Red,that's why she decided to test his reaction further."Sa totoo lang,sa edad kong ito,handa na talaga akong mag-asawa. Im supposedly at my s****l peak,you know."
Oh yes! super effective! nakita agad nya ang reaksyon sa mukha ni Red sa pamamagitan ng pagkunot ng kanyang noo.
"Kung totoo lang tayong mag-asawa Vince. I wouldn't mind waiting for a year before startin' a family so that we could have time to experiment."
"Ano bang klaseng experiment ang pinagsasabi mo dyan?"
"You know. Make love whenever or wherever the mood strikes. Sabi kasi sa mga naririnig kong matagal ng ikinasal. Once the kids are around,the couple should be more careful. Katulad nalang na hindi ka na pwedeng magpagala-gala sa bahay na naka boxer shorts lang at ako naka panty lang."
He crossed his arms."Why not?"
"Ano kaba SPG kaya yon sa mata ng bata"
"Alam mo Margarette bilib talaga ako sayo dahil kahit ano-ano nalang ang ma imagine mo"
"Sabihin mo nga sakin ang totoo Vince,hindi ka ba talaga na tu-turn on sakin kapag ganito lang ang suot ko?"
"Alam mo naman ang sagot nyan Margarette. Kaya ba damit ko ang isinuot mo upang akitin na naman ako?"
"Oi hindi ha,nabasa mo naman yong note ni Missy,na pinatapon na nya lahat ng nightgown ko. Actually pinalitan nga nya ang mga yon,pero puro lingerie naman."
"Walang kahahantungan itong pag-uusap natin Margarette,kaya mas mabuti pang matulog nalang tayo."
"Interesting nga yong topic natin eh" sabi pa nya.
"You've got a good imagination Margarette. But finish it in your dreams." at umangat na si Red sa kinaupoan nya.
"I'll do that. How about a little inspiration to take with me?"
Tumawa lang ito ng pagak."It's pretty much attached to me sweety. And not so little,actually it's huge in case you hadn't noticed."
"So ano na pumapayag ka na?"
"Bilib yata ako sa willpower mo Margarette,kaya I'll grant you that,but take note,It has a limit."
"Ano bang mga pinagsasabi mo dyan Vince?..the little inspiration I was talking about was a good-night kiss,yon lang naman."
Napahalakhak tuloy sya kay Red kasi alam nyang binibigyan nito ng ibang kahulugan ang mga sinasabi nya.
"Kung hahalikan mo talaga ako,ayaw ko don sa smack ha,gusto ko yong kiss na mapanaginipan ko."
"Amending rules again Margarette?"
"Bakit may rules ba tayo na naglalabag sa good-night kiss? Hindi ko yata matandaan na may pinag-usapan tayong ganon ah"
"Sige,since ikaw ang humingi kaya ikaw ang humalik"
"My pleasure"she pulled herself toward him and her gazed locked with his for a moment."H-hindi ko alam kung pano magsimula."bulong nya kay Red.
His expression turned fierce,then Red cupped her face with both hands and held her to him. Their mouth connected a few desire-filled moments. He tasted so good, so damn good. His tongue played with hers languidly,but suddenly he pulled back. Naku! Bitin na naman,she sighed dreamily.
"Fifteen seconds yon ha,matagal-tagal din yon"sabi nito at agad syang binitawan. Kaya tuloy napadilat sya.
"Binilang mo?"
"Tantiya ko lang,pero sa tingin ko higit pa yon sa isang smack. Ano sa palagay mo Margarette?”
"Ewan ko ba kung bakit nasabi ng iba na para ka daw mawawala sa sarili mo kapag dinama mo ang isang halik. Eh hindi naman ako naniniwala don. You couldn't just get lost in the moment, at higit sa lahat kung dinama mo talaga ang isang halik,hindi mo na makuha pang bilangin ang itatagal non."
RED
Napaisip naman sya sa sinabi ni Garrie."Siguro nga tama ka,dahil kahit napa aroused mo pa ako kagabi sa pamamagitan ng pagtugon mo sa aking mga halik,totoo nga naman na hindi ako nawawala sa aking sarili. Sa katunayan nga eh,alam ko na ngayon na may nunal ka pala sa dibdib at sa bandang puwet mo. Pero syempre hindi ko na pwedeng sabihin sayo ang iba ko pang nakikita. Awkward naman kung sasabihin ko pa sayo ang mga yon." at pagkunway pinatay na nya ang ilaw upang hindi na muling makapag react pa sa kanya si Garrie. Iniwasan kasi nya ang sarili na mahulog ang kanyang loob kay Garrie. The fact that he couldn't offer her permanence. At lalo pa ngayon na alam na nya how important a stable home meant to her..kasi yon ang isang bagay na hinding-hindi nya kayang ibigay kay Garrie.
"Akala ko pa naman na may extension ang ating honeymoon. But I guess,the honeymoon is definitely over." she grumbled in response.
"Mauna na akong matulog sayo Margarette,tatakbo pa kasi ako bukas ng umaga. Makakabalik siguro ako mga around nine na." aniya,as he walked heading to his room.
"Ipagluluto nalang kita ng breakfast" pahabol na tawag nito.
"Hindi mo na kailangan pang mag abala Margarette"
"Gusto ko eh. Don't argue with me about it. At least sa ganoong paraan mababayaran kita sa lahat ng ginawa mo para sakin.. Goodnight Vince."at pumasok na rin ito sa kanyang kwarto.
"Sweet dreams" bulong ganti din nya.
*****