Chapter 18 : History From The Past

3131 Words
RED It was past nine in the morning ng makarating sya sa bahay nina Garrie. Isa kasi sa kanyang daily routine ang pag ja-jogging tuwing umaga. Pawisan sya at basang-basa na ngayon ang kanyang suot na damit. Kinuha nya ang isang towel na ipinulupot nya sa kanyang leeg at pinahiran ang kanyang mukha. His mind felt clearer now,kaya lang naman sya tumakbo ng higit sa dalawang oras ay para maiwasan ang panunukso sa kanya ni Garrie. Kahit ayaw nyang aminin sa sarili pero natutukso talaga sya sa asawa lalo na sa mapanuksong tawa nito at sa mapang-akit na ngiti nito. Yet,contentment washed over him at hindi na sya gaanong nabahala sa seguridad ni Garrie ngayong kasal na sila. However,their relationship changed hourly, it seemed that their situation forced them closer. Pa urong-sulong ika nga. Pero hindi sya pwedeng basta-basta nalang bibigay,at hindi dapat mahulog ang loob nya kay Garrie. Heaven help him,dahil di nya alam ang gagawin kung mangyari man yon. Sa pagpasok palang nya sa bahay naamoy nya kaagad ang aroma ng kape. He leaned against the door pagkatapos nyang maisara ito,ipinikit nya ang mga mata and breathed the homey smells. He could get used to this,sabi nya sa sarili. Naririnig nyang kumakanta na naman si Garrie kaya agad nya itong pinuntahan sa kusina kung saan nagmumula ang tinig nito. Nadatnan nya itong nagluluto at ng mapalingon ito sa kanya,binigyan naman sya nito ng matamis na ngiti. "Good morning"unang bati nito."Sana gutom ka,ginawan kasi kita ng pancakes at tsaka omelette." "Hindi ako usually kumakain ng agahan" GARRIE Tumaas naman ang kilay nya sa sinabi ni Red. "Pero sige, since hinanda mo na yan. Kakainin ko nalang yan mamaya pagkatapos kong maligo." "Just take your time Vince,and by the way gusto ko ang grungy look mo ngayon."nabigla naman sya sa sinabi nya kay Red. Kahit kailan ang daldal talaga nya. Ang buong akala nya kasi na sa mga nababasa lang nyang novels ang mga nakakaakit na pawisan na lalaki. She might be dead wrong,dahil nasa harap na nya ito ngayon. Or maybe it was just this sweaty man whose long muscular legs were revealed enticingly by the running shorts he wore,and whose flat solid abdomen was bare to her gaze between the waistband of his shorts and his hacked-off t-shirt. OMG! He looked so gorgeous and attractive with his unshaven face and intense,wait...green eyes?..bakit ngayon lang ata nya napansin na may pagka green eyes pala ang mokong na ito. "Ano ulit yong narinig ko? na gusto mo ang grungy look ko ngayon?" Nabigla nalang sya ng bigla syang hilahin ni Red papalapit sa kanya at hinapit nito ang kanyang beywang upang mapasubsob sya sa malapad na dibdib nito."Kahit ang amoy ko ngayon ay nagustohan mo rin ba Margarette?" Suminghot-singhot naman sya and tipped her head back,at sinadya nyang kunotin ang ilong nya na kunwari hindi nya nagustohan ang amoy nito. But the truth is,ang bango-bango talaga nya promise! In fact,he turned her on. Sweat and all nakaka tempt. Kaya hindi talaga nya napigilan ang sarili na haplosin at damhin ang pawisang katawan ni Red, hanggang sa bumaba ang mga kamay nya sa tiyan nito. Sending his body into a 40 degrees celsius. "Wag,please!" he said hoarsely."Wag mo ng uulitin yon please!" at walang pasabing tinalikuran sya nito. Pumasok na si Red sa banyo at lagaslas ng tubig ang sunod-sunod naman nyang naririnig. Pagkatapos ng ilang minuto sa pagligo,sa wakas ay lumabas na rin si Red. Linagyan nya ng orange juice ang baso nito at pati plato nito ay linagyan rin nya ng fried rice at omelette. "You spoil me"mahinang sabi nito. "I like to cook. I hope you like to eat"sabi rin nya. RED He relaxed visibly as she handed him the plate. Kumuha rin si Garrie ng sariling plato at linagyan nya ito ng pancake. "Matagal-tagal na rin na hindi ako nakakain ng lutong bahay"sabi nya habang nakaupo na sila sa harap ng hapag kainan. "Kahit ako nga,matagal na rin akong walang kasamang kumakain dito sa bahay. Simula ng magka boyfriend si Jastine minsan nalang nya akong dinadalaw dito sa bahay. Kung mag-isa lang akong kumakain dito,mami miss ko lang lalo sila mama at mami miss ko lang na ipagluto ko sila." "So gusto mo talagang may kasama dito sa bahay?" Tumango-tango lang ito."Si Jastine talaga ang gusto kong makasama rito,kaso lang hindi nya kayang iwan si mama. Mama's girl kaya yon." "Ano naman ang mga plano mo sa buhay Margarette?" nag aalinlangang tanong nya. "Gusto mo talaga malaman kung ano ang mga plano ko?" "Well,gusto ko ng homebase na trabaho,yong tipong nagsusulat lang eventhough writing doesn't work out for me. Passion ko rin ang pagtatahi,sa tingin ko kasi profitable sya. Beyond that,I guess I want what most people want. Katulad nalang ang magkaroon ng sariling house and lot, at syempre ang magkaroon ng isang mapagmahal na asawa at cute na mga anak." Panandalian naman nyang tinitigan si Garrie at tsaka pa sya nakapagsalita."Whoah! aaminin ko sayo,nagulat mo talaga ako sa mga old-fashioned goals mo." "Sa tingin ko ang pag-aasawa at ang magkaroon ng mga anak ang primary goal ko. Di bale na nga lang na maging mananahi nalang ako." "Wag ka ngang defensive. Alam ko naman na marami ka pang gustong makamit sa buhay. Bukod dyan sa pag-aasawa at pananahi mo. Sa nakikita ko naman sayo Margarette isa kang achiever. At alam kong mas may higit ka pang plano sa buhay mo bukod dyan." "Higit sa limang taon na akong self-supporting Vince. Kaya ang pangangailangan ang nagtulak sakin upang pag-aralan ang ganoong klaseng skills,but passion for it keeps me going." "It's time-consuming,you know" "It's worthwhile,and besides,Im a homebody person" Every time maisip nya ang pinagkaiba nila ni Garrie,mas lalo tuloy itong nagpapaalala sa kanya na hindi talaga sila bagay sa isa‘t isa. If he wanted to advance within his field,he‘d have to move,maybe several times over the course of his career. Kaya nga ayaw nyang magkaroon ng sariling pamilya sa klase ng trabaho nya kung saan ipapadala sya kung saan-saan mang lugar base sa kanyang misyon. At lalong hindi nya ma imagine ang magkaroon ng isang homebody na asawa katulad ni Garrie kung wala naman syang permanenteng address. Especially na sinabi nito na gusto nya ang stable na tahanan para sa kanyang mga anak. GARRIE Pagkatapos nilang mag-agahan ay pinagtulongan nila ni Red ang paghuhugas ng plato. Napansin nyang tahimik lang si Red at parang may malalim itong iniisip kaya minabuti nalang nyang manahimik. Napangiti naman sya sa kanyang naiisip,kung may makakita siguro sa kanila na sabay naghuhugas ng mga pinggan ay mapagkamalan talaga na ang sweet sweet nila. Kung sana lang pareho din sila ng iniisip. "Gusto mo na ba ulit makita ang pamangkin mo?"biglaang tanong nito na nagpapukaw sa kanyang imahinasyon. "Syempre" "Ihahatid nalang kita doon sa hospital may aasikasuhin pa kasi ako." "Hindi mo man lang ba ako sasamahan?" "Susunod nalang ako pagkatapos kung asikasuhin ang ilang bagay" "Hmmmp" hay naku,tapos na nga ang kanilang honeymoon hindi pa sya magawa nitong samahan."Pano na kung hahanapin ka nila doon? Sabi pa naman ni Paulo na isama ka para naman may makapagkwentohan sya. He will be glad to see you.. Ano rin kaya ang nararamdaman ni Paulo noh bilang isang batang ama?" "Syempre masaya,imagine at twenty may anak na sya. And by the age of forty siguro grumaduate na non ang pamangkin mo." "Nami miss mo rin ba ang papa mo Vince?" "I missed everything about him"seryosong tugon nito. "Akala ko ba nagkikita pa rin kayo hanggang ngayon." "Oo,nagkikita pa nga kami hanggang ngayon" "Bakit hindi mo man lang sya inimbitahan sa kasal natin?" "Inimbita ko sya" Hinintay nya munang magpapatuloy ito sa pagsasalita,pero sa halip ay biglang nanahimik si Red. "Ipakilala mo naman ako sa ama mo?" "Balang araw"tipid na sagot nito."Sige na Margarette magbihis ka na,ihahatid na kita sa hospital." ----- Habang lulan sila ng kotse papuntang hospital. Naisip pa rin nyang tanongin si Red tungkol sa childhood nito. Na intriga kasi sya dahil konti lang naman ang alam nya tungkol rito. Pero,sasagotin naman kaya sya ni Red? Sinuri nya muna ang ekspresyon sa mukha nito. He was concentrating on driving,his gaze shifting to the rearview mirror a lot,as well as masusi nyang tiningnan ang mga dinaraanan nila. "Sabihin mo naman sakin ang tungkol sa childhood mo?"biglang sabi nya."Ngayon,gusto kong malaman  ang tungkol sa iyong ina." "Ayaw ko syang pag-usapan" "Why not? galit ka ba sa kanya?" He hesitated a few seconds."Part of me will never forgive her" "Bakit anong nangyari Vince?" "Inilayo nya ako na hindi nalalaman ng aking ama" "Kinidnap ka nya?" "Don't use that word. Hindi ganon ang nangyari." "Pero sabi mo inilayo ka nya sa iyong ama? Eh, saan ka ba nya dinala?" "Sa Spain. Spain is my mother's birth country. Nadala lang sya sa kanyang kahinaan kaya hindi nya nagawang ipaglaban si Daddy." "Bakit ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang mo Vince?" Red tapped his fingers against the steering wheel,at ang akala nya na hindi ito mag open up sa kanya,but he did. "Nagbakasyon ang Mommy ko dito sa Pilipinas when she was eighteen. Ang lola ko kasi half Filipina and half American while my lolo naman is a full blooded Spanish na may dugong bughaw. Habang nagbabakasyon ng ilang buwan dito si Mommy ay na met naman nya ang father ko,who was twenty-three at that time and a Law student. Sa madaling salita na inlove sila sa isa't isa at para daw walang makapaghihiwalay sa kanila kung babalik na si Mommy sa Spain kaya lihim silang nagpakasal,even against the wishes of her family. Siguro kung hindi lang sana nakialam si lolo,eh di sana buo pa ang pamilya namin. At that time, my lolo is a powerful man hindi lang sa Spain kundi pati sa Pilipinas kaya madali lang sa kanya ang magmanipula ng tao. Nang malaman ng lolo ko ang pag-aasawa ni Mommy, Pilit nyang pinaghiwalay ang mga magulang ko at dahil maimpluwensya nga syang tao kaya ginamit nya ang kanyang koneksyon upang tuloyang paghiwalayin ang mga magulang ko." "So ang lolo mo pala ang dahilan kung bakit nalayo ka sa iyong ama?" "Sa simula hindi ganon ang nangyari Margarette. Dalawang taon ako noon ng dinala ako ni Mommy sa Spain. Sinabihan raw kasi ni lolo si Mommy na sisirain daw nya ang career ni Daddy pag hindi makipaghiwalay at pag hindi sumama si Mommy pabalik sa Spain. Busy naman sa pag re-review si Daddy at that time kaya na pre-pressured sya sa nalalapit na Bar Exam. Nalaman nalang ni Daddy na dinala na pala kami ni lolo sa Spain, and the worst is pinapirma pa sya ng annulment papers. Naisip nya na baka nagtampo lang si Mommy dahil wala na syang time para sa amin. Hindi naman makakapayag si Daddy na ganoon nalang at makikipaghiwalay na kaagad si Mommy sa kanya. Alam nyang may malalim itong rason,kung kaya sinundan nya si Mommy sa Spain bago ang Bar Exam. Pero nakita nalang nya si Mommy na may iba na itong kasama. Kaya nya sinugod ang lalaking kasama ni Mommy at naging bugbog sarado nga ito. Kaya pinakulong sya doon sa Spain at di kalaunan pinalaya rin naman sya dahil na rin sa pakiusap ni Mommy kay Lawrence yong stepfather ko na iurong ang demanda kapalit sa pagpapakasal nya rito. Pero ang hindi lang akalain ni Dad na yon na pala ang huli nilang pag-uusap ni Mommy dahil ayaw na syang makita nito at gusto na rin itong makipaghiwalay sa kanya..Simula non,nangako si Daddy sa kanyang sarili na hindi maging desperado at miserable at ipagpatuloy nalang ang kanyang pangarap na maging isang ganap na abogado at para ipakita nya kay Mommy at sa lolo ko na hindi nga sya isang talunan. Kaya nagpursigi sya at naging top nga sa Bar." "Wala bang ginawa ang Mommy mo noon upang ipaglaban and Daddy mo?" "Masunuring anak ang Mommy ko kaya siguro ganon lang sya kadali na brainwashed ni lolo. Kaya pilit na pinaghiwalay ni lolo ang Mommy at Daddy ko kasi ipinagkasundo na pala nya ang Mommy ko kay Lawrence ang anak sa kanyang kasosyo sa negosyo. Nang ganap na abogado na si Daddy,hindi pa rin nya makalimotan si Mommy kaya pinuntahan nya ulit kami sa Spain,and he used every means to speak with her para linawin ang lahat sa kanila,and also to get us back. Ngunit hindi na naabotan ni Daddy si Mommy sa Spain. Nang malaman kasi ni lolo ang pakipagbalikan ni Mommy kay Daddy at ang planong pagtakas nito sa poder nya,inilayo na naman nya kami ni Mommy at dinala nga kami sa Boston. At doon na nga ako nagkamalay at lumaki." Tinapik naman nya ang kanang balikat ni Red."Kakalungkot naman pala ang love story ng mga magulang mo." RED Kinuha naman nya ang kamay ni Garrie na ginamit nito sa pagtapik,holding her for a moment."Pero ang mas lalong nakakalungkot Margarette. Nang makatanggap ang aking ama ng balita na namatay kami ni Mommy sa isang car accident,after na granted yong annulment nila. He didn't know what to believe,but when you're as powerful as my grandfather, you can make anything happen. He proved our death. At ng makita ni Dad ang mga katibayan na namatay na nga kami,wala na syang nagawa kundi tanggapin ito." "Pano mo naman nalaman ang lahat ng ito Vince?" "Naikwento sakin ni Daddy. At nalaman ko rin yon sa Mommy ko,dahil hindi raw nya kayang ilihim sakin ang totoo..Pagkatapos ng annulment nila ni Dad,pinakasalan naman nya ang pinagkasundo sa kanya ni lolo. Hanggang sa nagkaanak sila ni Lawrence ng dalawang babae. At dahil nga dalawang babae ang mga kapatid ko,kaya walang tiwala sa kanila si lolo na magpatakbo ng negosyo. Pinaaral ako ni lolo sa Harvard at pinakuha ng isang business course dahil ako daw ang kanyang magiging successor. But after I learned about my father,I became obsessed with wanting to meet him. Kaya matapos kung makuha ang degree ko sa Harvard tumakas ako at nagpakalayo-layo. At dito nga ako napadpad sa Pilipinas dahil nandito rin ang aking ama." "How about your stepfather kailan mo nalaman na hindi sya ang totoo mong ama?" "Nang maintindihan ko na ang lahat,he was kind to me,pero iba pa rin ang pakikitungo nya sakin kumpara sa dalawa nyang anak. That‘s why I always felt the difference kasi hindi naman nya ako totoong anak." "Bakit hindi nalang ang stepfather mo ang gawing successor ng lolo mo?" "Dahil may sariling negosyo rin syang pinapatakbo at sya ang namamahala. Kaya ginugol ni lolo ang pagpapalaki at pagpapaaral sakin kasi ako daw ang humalili sa pwesto nya pag rumetiro na sya." "Mayaman naman pala ang angkan mo Vince at di basta-basta,bakit hindi ka bumalik sa inyo ng matagpuan mo ang iyong ama?" "Dahil ayaw kung imanipula na naman ni lolo Margarette,masaya ako ngayon na namumuhay ng malaya,hindi ko kailangan ang mamuhay sa karangyaan." "Ba't ba sa restaurant ka namasukan Vince at hindi sa malalaking kumpanya? Eh di sana nakakuha ka ng mas mataas pa na posisyon." "Mas maigi kung sa baba tayo magsisimula Margarette,marami tayong bagay na matututunan." Nang makarating sila sa hospital agad naman syang naghanap ng parking space. Matapos nyang e-park ang kanyang kotse pinagpatuloy naman nya ang kanyang pagkukwento. "Matapos kung grumaduate sa college,I made my way out of the States at pumunta nga ako dito sa Pilipinas para hanapin ang aking ama,knowing na kaunti lang noon ang nalalaman kong tagalog." "Nakita mo ba kaagad ang father mo? Ano naman ang naging reaksyon nya nong nakita ka nya?" Mahigpit nyang hinahawakan ang manibela while looking through the windshield,remembering."Umiyak sya tas tumawa. Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit. Dahil kahit daw akala nya na patay na kami pero umaasa pa rin sya na hindi totoo yon." "Ano naman ang nararamdaman mo nong nakita mo sya?" "Syempre masaya dahil sa wakas nakita ko na rin ang totoo kong ama." at lumuwag na ngayon ang pagkakahawak nya sa manibela."Pero nalungkot ako para sa ina ko. Mabuting tao si Daddy. He would have given her a fine life if she'd let him. After the initial euphoria, I went through an angry period, galit ako sa Daddy ko dahil na sense pala nya na buhay pa kami pero hindi nya kami hinanap. Akala ko,he should never give up on us. Pero kahit paman I just learned to forgave him. Naisip ko rin kasi how little the government can do to help find stolen children,lalo na kapag ang legal guardian ang kumuha sa bata." "Have you seen or talked to your mother since you left?" "Once,nong huli nga naming pagkikita para na nga kaming strangers sa isa't isa. I call her occasionally,tapos yong dalawa kong kapatid na babae nakakausap ko rin sila at least once a month. Si Annie yong sumunod sakin ang may asawa at anak na,tapos si Lauren naman yong bunso kakagraduate lang ng college." Nakita nyang napakamot nalang sa ulo si Garrie."Hindi ko talaga inaasahan na ganon ka challenging ang naging buhay mo. You didn't have a normal childhood,either." "Para sakin nakakalito talaga ang buhay Margarette. Noon ang akala ko masaya ang Mommy sa piling ni Lawrence,pero hindi ko yon maintindihan noon kung bakit ito nagkasakit ng depresyon. Kaya pala dahil meron itong matinding pinagdaanan." "Sa lahat rin ng pinagdaanan mo Vince,ano ngayon ang higit na pinaniniwalaan mo?" "I believe in rules more,dahil kung ang tao susunod lang sa mga rules,there is less chaos. I also believe na hindi dapat dinidiktahan ng mga magulang ang mga anak. At higit sa lahat I believe marriage is forever,unless there is abuse,physical or mental." "Ako rin Vince,ganyan rin ang pinaniniwalaan ko"sabi nito. Nag-abot naman ang mga titig nila."But ours isn't a real marriage Margarette. We had no choice,ito lang kasi ang naisip kong solusyon." "Ginusto ko naman eh" Ipinikit nya ang kanyang mga mata."Wag..wag kang mag-isip ng ganyan. Sa totoo lang,natatakot ako sa kahahantungan nito." Nagpakawala naman sya ng malalim na hininga. Hindi kasi sya lubos na kilala ni Garrie. She didn't know either kung ano ang mga pinaggagawa nya. "Ano bang kinakatakot mo Vince,na totohanin natin ang lahat ng to? Why not? alam ko namang attracted tayo sa isa't isa..Proximity wise,ika nga." "Isipin mo na kung anong gusto mong isipin Margarette. Basta ako,hindi naman ganon ang nararamdaman ko." Tinawanan lang sya nito. Hinagod naman nya ang batok ni Garrie,making sure she was wearing the necklace. Napaigtad naman ito sa ginawa nya,pero pinagpatuloy pa rin nya ang paghagod sa likuran nito as they sat in silence a little while. Finally,he pulled his hand away at tiningnan nya ang dala nitong maliit na purse. "Dala mo ba ang cellphone mo?" "Oo naman"binuksan nito ang maliit na purse at pinakita sa kanya ang cellphone sa loob. "Tawagan mo lang ako pag kailangan mo ako Vince." "Huh,nagpapatawa ka na naman Margarette" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD