KABANATA 16.

1938 Words
Naangat ni Serena ang paningin at nanlaki ang mga mata na napalingon siya kay Red, habang nanatiling nakayuko. Red was stunned. Marahas ang paghinga nito at awang ang labi na sinalubong ang kanyang paningin. “Ano bang—” “Are you fvcking insane? Wala bang preno iyang bibig mo?” “Bakit ba ang bibig ko ang sinisisi mo? ‘E ikaw nga itong basta-basta na lamang nag-preno dyan ng wala sa oras. Paano kung sumubsob ang mukha ko dito sa matigas na glove compartment na ito ha?” tinumbasan niya ang tinig nito at hinampas pa ang dove compartment sa kanyang harapan. “It’s your fault. It’s your damn mouth fault, dahil kung anu-anong kabastusan ang lumalabas dyan sa bibig mo.” Para na silang nagsisigawan sa loob ng sasakyan. Naiinis na rin kasi siya. Muntik kasi talaga na masubsob ang mukha niya sa matigas na dove compartment na nasa kanyang harapan. Ang lakas din ng kabog ng dibdib. “Bastos ba iyong nagsasabi ako ng totoo?” “Enough!” Huminga ito ng malalim. Nahampas ng kanan na kamay ang steering wheel. “Itikom mo iyang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin.” She stared at him and blinked her eyes countless times. Kapagkuwan ay pinagdikit niya ang mga labi ng mariin. Sinunod niya na lamang ang gusto nito. Namumula na kasi ang buong mukha nito. Pamumula na umaabot sa punong tenga. “Oh, Jesus! You are unbelievable!” Bulalas nito sabay apak ng paa sa accelerator. Napasalampak ang likuran niya sa backrest ng upuan. Ganun pa man ay hindi niya magawang magtampo o magalit. It’s her fault after all. Masyado niya na itong nainis. Despite the tension between her and Red, mas lamang ang tuwa na nararamdaman niya. Smelling his redolent scent, feeling his presence so close was enough to complete her day. Oh, his pula! Kung pwede lang itong yakapin, at isubsob ang mukha sa dibdib nito ay ginawa na niya. Gad, ngunit kailangan niya munang magtimpi sa ngayon. Nakangiti siya habang tinititigan ito sa pagmamaneho. Tiim ang mga bagang at ang mga kamay ay mahigpit ang pagkapit sa manibela. Sa kabila ng matinding pagkayamot na nakaukit sa mukha nito, nanaig pa rin ang taglay na kagwapuhan at mas lalong nagpatingkad sa kakisigan nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang napagmasdan niya, ngunit sobrang gwapo pa rin. Ang matangos nitong ilong, ang mapula na mga labi. Aughh! Ang sarap lang na yamukusin ito ng halik. “Stop staring at me, Miss de Jesus. Hindi nakakatuwa. You look like an idiot!” Wika nito na ang tingin ay nakatuon sa daan. “Oh, Mr, William, I just can’t help it. You're such a sight to behold!” Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok nito ng mariin at pagkurap ng mga mata. Mas lalong humigpit ang pagkahawak nito sa steering wheel, naglabasan ang kaugatan sa leeg at sa braso kung saan nakatupi ang manggas ng suot nitong long sleeve pulo. Hinihintay niya na lumingon ito sa kanya at muli siyang tapunan ng tingin. Ngunit nabigo siya. Nanatiling nakatuon ang paningin ni Red sa daan. Ngunit ang pagbabago ng reaksyon nito ay malinaw niyang nakikita. Tumahimik ito at tanging ingay lamang na nagmumula sa engine ng sasakyan ang tanging maririnig. ‘Sorry, pula!’ She knew that at this moment. Isa na namang eksena ang bumabalik mula sa nakaraan at naglalaro sa isip nito at nagpapaalala rito sa tunay na siya. Somubra na ‘ata siya. Alam niyang nahihirapan ang loob nito ngayon dahil sa sobrang kaliyuhan at siya ang dahilan ng paghihirap ng loob nito at kalituhan ng isip. Gusto niya na lang talaga itong yakapin at hagkan upang mapawi ang hindi kaaya-aya nitong nararamdaman, ngunit wala siyang nagawa. Ang tangi niya lang nagawa ay ang pagmasdan ito at manatili lamang sa tabi. Ganun pa man. Walang paglagyan ang tuwa na nararamdaman niya dahil na kasama niya ito, at ang isipin na makasama niya itong muli bukas at sa susunod pang mga araw ay mas lalong nagpapasidhi sa nararamdaman niyang tuwa. Pinili niyang itikom ang bibig hanggang sa dumating sila sa opisina. Pagdating mismo sa opisina, isang hindi inaasahan na bisita ang naghihintay sa kanila. Ang tuwa na nararamdaman ay tila bola na naglaho. “Hi, sweetheart!” It was Kristal. Red’s wife. “H-hi—” Hindi magawang ituloy ni Red ang gustong sabihin dahil agad itong nilapitan ng asawa. Kinabig nito sa batok si Red at walang babala na hinagkan. Mabilis na naiwas niya ang paningin bago pa man lumapat ang labi nito sa labi ni Red. mariin siyang napalunok kasabay ng pagsipa ng matinding kirot sa kanyang dibdib. Ang tunog ng halik na umaabot sa kanyang pandinig ay tila patalim na tumarak sa kanyang dibdib. Ang pagtibok ng puso niya ay tila bumabagal, na sa bawat pagtibok ay kaakibat ng kirot. She needs to leave. Dumidilim na kasi ang paningin niya. Pilit na inihakbang niya paalis ang namimigat na mga paa. “Serena.” Ang paghakbang ay natigil. Muli ay mariin na napalunok siya bago lumingo. “Y-Yes, Mrs. William,” tugon niya sa utal na pagsasalita. Ang sakit ng dibdib niya. Ang hirap huminga. “It’s nice seeing you again,” nakangiti na tugon ni Kristal. “M-My ple—pleasure, Mrs. William!” Dumidilim na ang paningin niya. Ngunit pilit niya iyong nilalabanan. Pilit na pinapatatag niya ang kanyang sarili, lalo na ang mga binti na tila ilang segundo na lang at tuluyan na iyong bibigay. “Serena are you okay?” puno ng pag-alala ang tinig ni Red. Nilingon niya ito kasabay ng isang pilit na ngiti. “O-Okay, lang ako, sir William.” “No you're not!” agad na hinawakan siya nito sa braso. “Namumutla ka,” sinalat nito ang kanyang noo. “Nanlalamig ka!” ‘Sobrang sakit ng dibdib ko, Pula. sobrang sakit! Nasasaktan ako!’ Gusto niyang sabihin kay Red ang mga katagang iyon. Ngunit hindi niya magawang sambitin. Maging ang mga luha ay pinipigilan niyang pumatak. She holds her emotions deeply. Gusto man niyang sabihin ang nararamdaman ngunit hindi niya magawa. “O-Okay, lang ako—” “Serena!” Dumilim ang buong paligid. Tanging ang tinig na lamang ni Red ang kanyang naririnig. Dumilim man ang paligid ngunit ang matigas na bisig ni Red ay naramdaman niyang gumapos sa katawan niya. “Pula…Pula…huwag mo akong iwan…” mga katagang huling sinambit niya bago pa man siya iwan ng kanyang kamalayan. — — — — Puting kisame ang sumalubong sa paningin ni Serena. Sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Heto na naman siya. Heto na naman siya sa pangalawa niyang tahanan. Ang hospital. Muli niyang ipinikit ang mga mata kasabay ng paghinga niya ng malalim. Pinaghalong amoy ng disinfectant, and antiseptic odor ang nanuot sa kanyang pang-amoy. Dapat sanay na siya sa amoy na kanyang naamoy ngayon dahil simula pagkabata ay halos sa hospital na siya nakatira. Kalahati ng buhay niya ay hospital ang naging silbing tahanan niya. Bumangon sa dibdib ang pait ng kahapon. Mariin na ipinikit niya ang mga mata. “Nit-Nit, pagaling ka ha, nang makapaglaro ulit tayo ng tagu-taguan.” Tinig ng kakambal niyang si Destiny. Sa kabila ng pait ng alaala ng kahapon na naglalaro sa isip niya ay nagawa niya pa rin ngumiti. “Nit-Nit, hihiramin ko muna ang pangalan mo ha. Ito kasing si Mama, ang pangit ng binigay na pangalan. Huwag kang mag-alala ibabalik ko sayo ulit kapag magaling ka na.” Nakangiti ngunit ang mga luha ay patuloy sa pagdaloy. Dahil sa pag gamit ng kambal ng kanyang pangalan ay nagsimula ang laro ng tadhana. She missed her. She missed her twin. “Destiny…” mahina niyang usal. “You're awake.” Tinig na iyon ang nagpamulat ng kanyang mga mata. Panandalian na hindi siya makahuma ng mapagsino ang taong nakatayo sa kanyang harapan. “M-Magandang hapon po.” Utal niyang bati pagkatapos ay napalunok ng mariin. Muli ay lumakas ang pintig ng puso niya. “Gabi na iha. Malapit ng mag-hating gabi,” ngumiti ito. Tulad ng dati. Napakalumanay ng tinig nito at ang ngiti sa mga labi tuwing kaharap siya ay ganun pa rin ang epekto sa kanya. Napapanatag ang loob niya at sa tuwing ngumingiti ito, alam niyang nasa mabuting kalagayan na siya. She is safe. “I am Luisa Montefalcon William. A cardiologist and cardiac surgeon at the same time. Tinakbo ka kanina ng anak ko rito sa hospital, and by the way, you are at Quijano Medical Center. Tinawagan ako ng isang kasamahan ko kaninang doctor dahil nakita ang scar sa dibdib mo—” Hindi naituloy ni Dr. Luisa William ang gustong sabihin dahil napahikbi na siya. It’s been a long year since the last time na nakasama at nakita niya ang ginang. Ang Dr na nasa harap niya ay ang doctor na nagligtas ng buhay niya. Luisa Montefalcon William was Red's mother. Ito ang ang dahilan kung bakit buhay siya magpahanggang ngayon, at ito rin ang dahilan kung bakit nakilala niya ang lalaking kabiyak ng puso niya. Gusto niyang bumangon at yapusin ito ng yakap saka humingi na rin ng tawad. Alam niyang sobra itong nasaktan sa nangyari sa kanya at Red. Sobra niya itong nasaktan. “Are you okay? May masakit ba sa’yo? Tell me.” Agad na dinaluhan siya nito. Ang tinig at kilos ay nababakasan ng matinding pag-alala. “I am okay… huwag po kayong mag-alala.” Halos pabulong niyang tugon. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Dr. William. “The scar on your chest is a scar from heart surgery, Miss de Jesus.” It’s a statement. Alam nito iyon dahil isa ito sa mga attending doctor niya during her surgery in the US. Sa isang hospital sa US kung saan niya unang nakilala ang batang si Red William and it was nineteen years ago. Buhay na buhay pa ang mga alaalang iyon sa isip niya. “Yes ma’am…” mahina niyang tugon ng hindi inaalis ang pagtitig sa mukha ng babaeng naging pangalawang ina niya. Babaeng tinuring siyang anak at babaeng naging dahilan kung bakit magpahanggang ngayon ay patuloy sa pagtibok ang puso niya. “We need to ran some test to make sure na walang komplikasyon sa puso mo. When was the last time you experienced shortness of breath?” “Lately lang po, but i regularly have a check-up twice a year and the result is fine.” Miss William steps closer to her. Kapagkuwan ay tumungo ito sa mukha niya at tinitigan siyang mabuti. Hinawakan nito ang kamay niya at hinaplos saka tinitigan iyon na animoy sinusuri. “Kailangan mo pa rin magpatest, para makasiguro.” “Sige po.” Muling tumayo ng tuwid si Mrs. William. Ang amo pa rin ng mukha nito kahit may edad na. Isa si Mrs William sa mabuting tao na nakilala niya. Busilak ang puso. “I'll go ahead. Babalik ako uli bukas ng umaga. Someone is eager to see you. Nasa labas ang anak ko at hindi mapakali dahil sobrang nag-alala sa’yo.” ‘Red’ Bigla muli ang paglakas ng t***k ng puso niya. Pero hindi na iyon katulad pa kanina. Excitement ang namayani. She wants to see him. Ilang segundo lang nakalabas si Mrs. William ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto at ang pamilyar na mga yabag papasok sa loob ng silid. ‘Pula. Pula ko!’ “How are you feeling…” Mahina ngunit puno ng pag-alala nitong bungad na tanong sa kanya. “Mabuti na. Mabuti na dahil nandito ka…” tugon niya kasabay ng hindi mapigilan na pagdaloy ng luha at hikbi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD